MY COUSIN IS A MAFIA BOSS

582 27 3
                                    

“Ayan na ba lahat ng epektus?” walang emosyong tanong ni Jio, sa ka-transaction nito.

“Wag kayo mag-alala Boss Jio, walang labis walang kulang 'to.” nakangising saad ni Sammuel saka nilapag sa mesa ang isang kulay itim na bag at agad na sinenyasan ang kasama nito upang buksan ito. Naglalaman ang kulay itim na bag na 'yun ng iba't ibang uri ng droga tulad ng Shabu, Cocaine, Ecstasy at Marijuana.

Tumingin si Jio sa tauhan nitong si Hector, at agad na sinenyasan na ibigay na ang napag-usapang pera.

“Maraming salamat Boss Jio.” nakangising saad ni Sammuel, at sumuludo pa 'to kay Jio bago tuluyang umalis bitbit ang itim attache case na naglalaman ng humigit kumulang sampong milyong piso.

Samantala, halos mainip na si Eunice sa kakaintay sa pinsan niyang nangako sa kanyang susunduin siya nito sa uwian.

“Oh! akala namin nakauwe kana Eunice. Wala parin ba sundo mo?” may pagtatakang tanong ni Leigh sa kaibigan, nang makita niya 'tong panay ang tingin sa oras sa wrist watch niya habang inip na inip na nag-iintay sa waiting shed sa labas ng gate ng school.

“Ewan ko ba doon kay Jio, sabi niya before 1PM susunduin niya na ako. Eh hanggang ngayon wala parin.” inis na saad ni Eunice.

“Baka naman na-traffic lang, Eunice. Malay mo on the way narin 'yun.” mahinahong saad ni Sandra.

“I don't think so.” sarcastic na saad ni Eunice habang naka-crossed arm.“Sainyo nalang kaya ako sasabay? tapos ibaba niyo nalang ako sa may convenience store. Maglalakad nalang ako papunta samin.” aniya.

“Baka naman magkasalisi kayo ng pinsan mo Eunice. Tawagan mo nalang kaya, para sigurado kang on the way na.” saad ni Leigh.

“Kanina ko pa siya tinatawagan, but he's not answering my calls. Siguro nasa HQ na naman 'yun.” inis na saad ni Eunice. Ngunit napatakip siya ng bibig ng maalala niyang nabanggit niya ang salitang HQ o Head Quarters, hindi kasi alam ng mga kaibigan ni Eunice ang tungkol sa pinsan niyang ni Jio na isa itong, Mafia Boss.

“HQ?” may pagtatakang tanong ni Sandra habang nakakunot ang noo nito.

“I mean, sa Bar ng kaibigan niyang si Hector.” mabilis na deny ni Eunice.

“Oh?! may Bar pala si Hector? punta kaya tayo doon minsan? malay niyo sa ganda nating 'to makabinwit tayo ng lalakeng gwapo na, mayaman pa.” medyo maharot ang boses ni Leigh.

“Tapos ano? 40+ na? parang tatay na natin?” sarcastic na pagkakasabi ni  Sandra.

“Tama na nga 'yan, tara na. Hatid niyo na ako pauwe.” sabat ni Eunice.

Habang patungo na si Eunice sa kotse ng kaibigan niyang si Leigh, siya namang dating ni Jio at nang matanaw nito si Eunice na papasakay sa isang kotseng itim ay nagmamadali itong bumaba.

“Eunice!” sigaw nito sa pinsan, at agad naman lumingon si Eunice. Saka naglakad si Jio patungo sa kinatatayuan ni Eunice. Halos mapatulala naman ang dalawang kaibigan ni Eunice na sina Leigh at Sabrina kay Jio.

“Ang gwapo talaga niya.” pigil ang kilig na sambit ni Leigh.

“Hindi ba sabi ko sayo hintayin mo 'ko?” agad  na sermon ni Jio sa pinsan nitong si Eunice.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon