CHAPTER 19

344 20 0
                                    

WILFREDO POV

"Ngayon ka nalang yata tumawag." seryosong pagkakasabi ko kay Audrey ng sagutin ang tawag niya.

"Marami lang kasi ako inasikaso these past few days. Pero don't worry, unti unti ko na napaglalayo si Jio at Eunice sa tulong ni Daddy." sagot naman ni Audrey.

Bahagya naman ako napangiti sa sinabing yun ni Audrey.

JIO POV

3AM na ng umuwe ako sa Mansion. Sinigurado ko muna na ok na si Audrey bago ko siya iwanan sa Hospital. Agad ko pinuntahan si Eunice sa kwarto niya.

Mahimbing na ang pagkakatulog niya ng mga sandali yun, hanggang sa makita ko na basa pa ang mata niya, halata na magdamag siya umiyak.

"Patawarin mo 'ko Eunice, kailangan kitang saktan. Pero para rin sayo 'tong ginagawa ko." seryosong pagkakasabi ko pagkatapos ay hinagkan ko sa noo si Eunice at kaagad na lumabas ng kwarto niya.

EUNICE POV

Kapag umaga, madalas ako binabati ni Jio. Pero ngayon, hindi na niya ako pinapansin kahit nasa harapan niya lang ako. Madalas din niya kausap sa phone si Audrey.

Isang beses pa nga ay napaso ako ng matabig ko ang iniinum na cappuccino ni Jio pero tinignan niya lang ako at hindi na muling pinansin pa.

--

"Isabelle, bukas na ako uuwe." rinig ko na sambit ni Jio.

"Eh Sir, hindi ba kayo dito kakain ng dinner?" tanong ni Isabelle.

"May dinner date kami ni Audrey, kaya hindi na ako kakain dito." seryosong pagkakasabi ni Jio saka ito umalis.

--

"Oh! Mam Eunice nand'yan po pala kayo. Si Sir Jio-----"

"Oo Isabelle, narinig ko." malungkot na pagkakasabi ko saka pumasok muli sa kwarto ko.

At doon nga ay nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Iniyak ko lahat hanggang sa makaramdam na ako ng antok.

Two days later..

JIO POV

Kasalukuyan kami nag uusap ni Hector sa garden ng puntahan ako ni Eunice.

"Jio, ginawan kita ng Carrot Cake diba favorite mo yun?" nakangiting pagkakasabi ni Eunice habang hawak ang desert plate na may laman na isang slice ng carrot.

gustuhin ko man na kunin yun, pero pinigilan ko ang sarili ko.

EUNICE POV

"Nakikita mo naman na may kausap ako diba?!" inis na pagkakasabi ni Jio.
"Baka kasi gusto mo kaya dinalhan kita, favorite mo 'to eh." sambit ko.

"Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko." galit na sigaw ni Jio sabay tabig sa dessert plate na hawak ko dahilan upang mabasag ito at matapon sa lupa ang carrot cake.

Agad kong pinulot ang nabasag na dessert plate pero sa ikalawang pagkakataon ay nasugatan ako. Pumapatak ang luha ko habang pinupulot sa lupa ang carrot cake na ako mismo ang gumawa.

Maya maya pa ay narinig ko boses ni Audrey. Nakita ko si Jio na masayang sinalubong ito.

"Love, I brought some thing for you. Your favorite carrot cake." nakangiting pagkakasabi ni Audrey sabay tingin sakin.

"Alam na alam mo parin mga favorite ko ah. Sige doon tayo sa loob." narinig kong sagot ni Jio.

At agad ni Jio inakbayan si Audrey at makasabay silang pumasok sa loob ng Mansion.

__

Nang gabi ding yun, hindi na ako nakapag pigil pa kaya kinausap ko na si Jio tungkol sa totoong relasyon niya kay Audrey.

"Girlfriend mo na ba si Audrey? Kayo na ba ulit?" seryosong tanong ko kay Jio.

"Ano bang karapatan mo para itanong sakin yan?" inis na sagot niya.

"Bakit hindi mo nalang saguti------"

"Oo, Girlfriend ko na si Audrey. Sa katunayan malapit ko narin siyang pakasalanan." seryosong pagkakasabi sakin ni Jio.

Para akong binuhusan ng napakalamig ng tubig sa kinatatayuan ko ng mga oras yun.

"Pero ang sabi mo noon mahal mo 'ko diba?" naiiyak na tanong ko.

"Kahit kailan, hindi kita minahal Eunice. Dahil ano nga ba mapapala ko sa katulad mo?" seryosong pagkakasabi ni Jio.

Dahil sa sinabi niyang yun ay nasampal ko siya. Kaagad nga ako umalis saka nagkulong sa kwarto ko.
Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

JIO POV

Gusto kong habulin si Eunice, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin sakanya na sobrang mahal na mahal ko siya pero kailangan ko siyang saktan nang sa ganun ay lumayo ang loob niya sakin. Yun lang ang paraan para ma-proteksyunan ko siya.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon