EUNICE POV
“Kahit kapatid ko yan si Jio, magkaibang magkaiba ang ugali namin. Oo ganito ako pero kailanman hindi ako nangloko lalo sa magandang babaeng tulad mo. Kaya alam mo Eunice, wala ka dapat ibang gawin kundi magalit kay Jio. Dahil pinatay niya ang magulang mo. Wag ka mag alala kakampi mo 'ko. Tutulungan kita na makaganti kay Jio, basta tutulungan mo rin ako na makuha ang gusto ko.” salaysay niya habang umiimom ng wine.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya, mabait sakin si Jio kailanman ay hindi niya ako sinaktan.
Oo isa siyang Mafia Boss pero pagdating sakin iba ang pakikitungo niya. Hindi magagawa ni Jio ang sinasabi ng kapatid niya.“Hindi yan totoo. Hindi magagawa ni Jio yan.” seryosong pagkakasabi ko.
“Nakatakda kaming magkita ni Jio bukas, isasama kita. Yun narin ang pagkakataon mo para alamin mismo sa kapatid ko ang totoo.” sambit nito saka umalis.
JIO POV
Nakatakda kami magkita ng kapatid kong si Wilfredo 4PM sa Villa Dela Fuentes. Gaya ng napag usapan ay dumating ako kasama ang piling tauhan ko at si Hector.
“Boss, sisipot kaya ang kapatid mo?” tanong sakin ni Hector habang nagmamasid sa paligid.
“May isang salita si Wilfredo, alam kong darating siya kasama ni Eunice.” sagot ko.
“Sigurado kana ba sa desisyon mo Boss?” tanong ni Hector.
“Kung mautak si Wilfredo mas mautak ako. Babawiin ko si Eunice sakanya pero hindi ko ibibigay ang gusto niya.” sarcastic na pagkakasabi ko.
EUNICE POV
Dinala nga ako ng kapatid ni Jio sa Villa Dela Feuntes. Malayo palang ay natanaw ko na sila Jio, Hector at ibang tauhan niya.
“Wag mo sana kalimutan ang sinabi ko sayo.” sambit niya saka bumaba ng kotse.
Agad naman binuksan ng tauhan niya pinto at saka ako bumaba.
JIO POV
“Boss, sila Wilfredo na yata yun. Kasama nga niya si Eunice.” anya ni Hector.
Nakita kong naglalakad na papalit samin si Wilfredo kasama si Eunice.
“Jio. Sabi na nga ba at darating ka, ang napag usapan natin. Nakapag desisyon kana ba?” bunga na pagkakasabi ni Wilfredo.
“Eunice.” sambit ko ng makita si Eunice.
EUNICE POV
“Sige Eunice, lapitan mo na si Jio.” sambit ni Wilfredo, ang kapatid ni Jio.
Dahan dahan ako naglakad papalapit kay Jio, ngunit nasa isip ko ang mga sinabi ni Wilfredo.Agad akong hinawakan ni Jio sa kamay, pero agad akong bumitaw.
“Halika kana, umuwe na tayo.” seryosong pagkakasabi ni Jio.“Totoo ba? Ikaw ang pumatay sa magulang ko? Totoo ba? Na hindi talaga kita pinsan? At ginamit mo lang ako para mapagtakpan ang ginawa mo sa magulang ko? Totoo ba yun?! Sumagot ka!” magkakasunod na tanong ko habang nag uunahan sa pagpatak ang luha ko.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” seryosong pagkakasabi ni Jio.
“Jio naman, bakit kasi hindi mo nalang aminin kay Eunice ang totoo.” sarcastic na pagkakasabi ni Wilredo.
—Flashback: 9years ago—
“Nasaan ang pera? Saan mo dinala ang pera?” tanong ko kay Miguel.
“Boss, hindi ko alam. Wala sakin ang pera.” sagot ni Miguel.
“Sinungaling!” galit na pagkasabi ko saka ikinasa ang dala kong baril.
“Wag mo sasaktan ang asawa ko! Wala siyang kasalanan.” sigaw ng asawa ni Miguel si Thelma.
“3 Million ang kinuha ng asawa mo. Sa tingin mo matutuwa ako?” sigaw ko.
Agad kong binaril sa ulo ang mag asawang Thelma at Miguel, paalis na sana ako ng makasalubong ko ang isang magandang babae.
“Ano ginawa mo sa mommy at daddy ko?” naiiyak na tanong niya sakin habang hinahampas hampas ako
Mabilis ko siyang naitulak dahilan upang tumama ang ulo niya sa gilid ng lamesa.Aalis na sana ako ngunit nakaramdam ako ng awa sa dalagita. Kaya binuhat ko siya at sinakay sa kotse ko. Dinalaa ko siya sa mansion at agad na tinawagan si Dr. Smith.
Makalipas lang ang tatlong araw ay nagising na siya. Ngunit wala siyang maalala.
Mula noon ay ako na ang nag alaga kay Eunice.
—End of Flashback—
Nakita ko ang pagbabago ng facial expression ni Jio. Kitang kita ko sa mata niya ang matinding galit.
“Patawarin mo 'ko Eunice.” malumanay na pagkakasabi sakin ni Jio.
“Totoo nga.” naluluhang sambit ko.
“Umuwe na tayo.” sambit ni Jio at saka ako hinawakan sa kamay.
“Hindi ako sasama sayo.” seryosong pagkakasabi ko.
JIO POV
“Hindi ako sasama sayo.” seryosong pagkakasabi ni Eunice saka tumakbo palayo.
Susundan ko sana siya pero hinarang ako ni Wilfredo.
“Hayaan mo na siya. Sigurado akong galit na galit sayo ang babaeng pinrotektahan, minahal at inalagaan mo ng kay tagal.” sarcastic na pagkakasabi ni Wilfredo, saka umalis.
“Boss.” sambit ni Hector.
Tila nandidilim ang paningin ko sa galit kaya mabilis ko inagawa ang baril ni Hector saka pinaputukan ang mga tatlong tauhan ko. Mabilis naman ako inawat ni Hector saka pinakalma.
EUNICE POV
Tila nagbalik sa alaala ko ang lahat. Unti unti ko ng naalala ang mga nangyari 9years ago. Halos mabaliw ako sa kakaiyak habang inaalala ang mga kasinungalingan sakin ni Jio.
“I told you. Hindi mo dapat pinagkakatiwalaan si Jio.” seryosong pagkakasabi ni Wilfredo na kasasakay lang ng kotse.
“Gusto ko ipaghiganti ang nangyari sa magulang. Gusto ko siyang gantihan.” naiiyak na pagkakasabi ko.
“Wag ka mag alala, tutulungan kita na makaganti sakanya.” nakangiting pagkakasabi ni Wilfredo.
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
RomanceSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...