“Mam Eunice, uminom po muna kayo ng tea.” malumanay na pagkakasabi ni Isabelle.
“Salamat.” sagot ko saka kinuha ang tea.
“Mam Eunice bakit pala hindi ka pa natutulog? Alas-onse na po ng gabi.” tanong ni Isabelle.
“Ah, hindi pa ako inaantok.” sagot ko.
“Siguro Mam Eunice inaantay mo umuwe si Sir Jio.” pang aasar ni Isabelle sakin.“Hindi ko siya inaantay. Alam ko naman hindi yun uuwe ngayon dahil kasama niya si Audrey.” naiinis na sagot ko.
“Ganun ba. Hindi kasi yun yung nakikita ko sainyo Mam Eunice.” nakangiting pagkakasabi ni Isabelle.
“Noong nakaraang araw nakita ko kung paano kayo nagselos kay Mam Audrey.” dagdag pa ni Isabelle.
“Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos sa Isabelle na yun? Dahil sa ex siya ni Jio?” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Sige Mam Eunice, matutulog na ako. Bukas kasi marami na naman ako trabaho dito sa Mansion.” saad ni Isabelle saka ito umalis.
JIO POV
4AM na ng makauwe ako sa mansion galing sa isang casino kasama si Audrey. Bago ako umuwe ay inihatid ko muna si Audrey sa condo unit niya.
Pag dating ko sa mansion, paakyat na sana ako sa kwarto ko ng makita ko si Eunice na nakahiga sa sofa kaya agad ko siyang pinuntahan.“Sir Jio and'yan na po pala kayo. Gusto niyo po ba ng kape?” tanon ni Isabelle na kararating lang.
“Bakit dito natulog sa sala si Eunice? Hindi sa kwarto niya.” nagtatakang tanong ko.
“Naku Sir, kagabi ka pa niyan ni Mam Eunice umuwe.” sagot ni Isabelle.
Agad ko binuhat si Eunice saka dinala sa kwarto niya.Paalis na sana ng hawakan niya kamay ko at magsalita siya kahit tulog siya.
“Dito ka lang.” sambit ni Eunice.
Napangiti nalang ako ng bahagya, kaya naman umupo ako sa tabi ni Eunice habang pinagmamasdan siya habang natutulog.EUNICE POV
Ganun na lamang ang gulat at pagtataka ko ng makitang tulog si Jio sa tabi ko.
“Ano ginawa mo dito?!” gulat na reaction ko.
“Good Morning.” nakangiting pagkakasabi ni Jio sakin.
“Good Morning mo mukha mo.” inis na pagkakasabi ko saka tinulak si Jio dahilan upang mahulog siya sa kama.
“Saka paano ka nakapasok dito sa kwarto ko? May pina-plano ka ba sakin na masama?” magkakasunod na tanong ko.
Ngumisi lamang sakin si Jio saka ito nagsalita.
“Paano ako nakapasok? Malamang mansion ko 'to. May susi ako sa lahat ng kwarto dito. Pangalawa, naabutan kitang tulog sa sofa kaninang madaling araw ng umuwe kaya kita binuhat para ilipat dito sa kwarto mo. Paalis na sana ako pero pinigilan mo 'ko. Pangatlo, kailan ba ako nagkaroon ng planong masama sayo?” paliwanag ni Jio.
“Ngayon, ako naman ang magtatanong sayo, totoo bang iniintay mo 'ko umuwe?” nakangising tanong sakin ni Jio.
“Sino ka sa tingin mo para intayin umuwe.” mataray na pagkakasabi ko saka lumabas ng kwarto ko.
JIO POV
“Bakit ba ang ganda niya parin kahit sobrang naiinis na siya.” nakangising pagkakasabi ko sa sarili ko at saka lumabas ng kwarto ni Eunice.
EUNICE POV
“Audrey?” nagtatakang tanong ko ng makita si Audrey.
“Hi. Tatanong ko lang sana kung and'yan ba si Jio? Ibibigay ko lang sana 'to. Naiwan niya yan ng ihatid niya ako kagabi sa condo ko.” nakangiting pagkakasabi ni Audrey ng sabay abot sakin ng Paper bag.
“Bakit ako ang magbibigay niyan? Ikaw ang may kailangan sakanya bakit hindi ikaw ang magbigay niyan.” mataray na pagkakasabi ko saka tinalikuran si Audrey sa paglalakad ko ay nakasalubong ko naman si Jio kaya agad ko siyang tinarayan.
JIO POV
“Mukhang 'di maganda ang gising ng girlfriend mo ha.” biro ni Audrey.
“Ganyan naman talaga si Eunice, laging bad trip.” nakangising pagkakasabi ko.“Ah Oo nga pala, nalimutan mo 'to kagabi sa condo ko.” sambit ni Audrey at saka binigay sakin ang paper bag.
Agad ko naman ito kinuha kay Audrey.“Anong gusto mo tea or coffee?” tanong ko kay Audrey.
“Ikaw sana.” nakangising pagkakasabi ni Audrey sabay haplos sa balikat ko.
EUNICE POV
“Bwiset na Audrey na yan. Ang lakas ng loob landiin si Jio.” gigil na gigil na pagkasabi ko.
“Naku si Mam Eunice confirm nagseselos.” pang aasar ni Isabelle.
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
RomanceSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...