CHAPTER 5

467 27 1
                                    

EUNICE POV

Wala akong ibang choice kundi sundin ang gusto ni Jio. Bantay sarado nga ako ng umalis ako sa hide out nila.

"Pwede bang sariling kotse ko nalang yung gagamitin ko?" tanong ko kay Hector.

"Sige, pero kasama mo 'ko. Dahil baka patayin ako ng pinsan mo kapag may nangyaring masama sayo." seryosong pagkakasabi ni Hector.

"Ok fine." sagot ko na tila napipilitan.
Magkasama nga kami ni Hector sa kotse ko, siya yung nag drive. Habang ako nasa back seat. Kasunod lang din namin ang iba pa niyang kasamahan na sakay naman ng van.

"Bagay din pala sayo maging driver pa minsan minsan." biro ko pero hindi kumibo si Hector.

"Si Jio, gaano na kayo katagal na magkakilala?" tanong ko.

"Bakit gusto mo malaman?" seryosong pagkakasabi ni Hector.

"Wala lang, gusto ko lang itanong. Curious lang." sagot ko.

"Matagal na kami magkakilala. Bago pa man siya maging makapangyarihan n Mafia Boss. Dahil tulad ko, isa rin tapat na tauhan ng daddy niya na dati ring Mafia Boss ang daddy ko." kwento ni Hector.

"So, pati pala si Tito Mafia Boss din." sagot ko naman.

"Oo." tipid na sagot ni Hector.

"Ah pwede itigil mo muna saglit d'yan. Dadaan lang ako sa bake shop. May bibilhin lang ako saglit." utos ko.
Agad na itinabi ni Hector ang kotse.

"Samahan na kita." seryoso niyang pagkakasabi.

"Wag na, kaya ko na 'to." sagot ko.
Agad siyang bumaba ng kotse saka ako pinag-buksan.

JIO POV

"Asan kayo ni Eunice ngayon?" tanong ko kay Hector ng tumawag ako.

"Nasa bakeshop Boss, may binili kasi si Eunice." sagot naman ni Hector.

"Wag niyo lulubayan ng tingin si Eunice kahit anong mangyari. Bantayan niyo siya ng mabuti." utos ko.

"Areglado Boss." sagot ni Hector.

--

"Masyado ka yatang protective kay Eunice, alam niya ba ang totoo?" bungad ni Wilfredo na kararating lang.

Si Wilfredo ay step brother ko na leader din ng isang gang.

"Ano ginagawa mo dito?" agad na tanong ko.

"Binibisita ang kapatid ko." nakangiting pagkakasabi niya saka nag salin ng alak sa baso, ang isa ay iniabot sakin.

"Napakaganda talaga ni Eunice, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sobra sobra ang protection na binibigay mo sakanya. Yun nga lang, alam niya ba na nagpapanggap ka lang na pinsan niya para mapagtakpan ang katotohanan na ikaw ang mastermind sa sa pagkamatay ng magulang niya." sarcastic na pagkakasabi ni Wilfredo habang nakatitig sa picture ni Eunice.

"Hindi niya alam, at kung sino man ang magsasabi sakanya ng totoo. Sisiguraduhin ko na hindi na siya sisikat ng araw, kadugo ko man o hindi mag sumbong sakanya." seryosong pagkakasabi ko habang masama ang tingin kay Wilfredo.

EUNICE POV

Papapunta na sana ako ng bakeshop ng bigla ako lapitan ng isang hindi ko kilalang lalake. Pero base sa pananamit at ayos niya, mukhang member siya ng isang gang.

"Miss, pwede ba magtanong?" cold na pagkakasabe ng lalake.

Agad akong lumingon sa likod, may dalawang lalake pa na pa-simpleng nagmamasid.

Bigla ako kinabahan. Kukunin ko sana sa bag ko ang baril na binigay sakin ni Jio. Ngunit naiwan ko pala ito sa loob ng sasakyan kanina.

"Ah ano yun?" nakangiting sagot ko, ngunit nakikiramdam parin ako sa paligid ko.

Wala masyadong tao sa kinaroroonan ko at wala ring CCTV.

"Pwede ko ba malaman kung saan ang lugar na 'to?" tanong niya saka pinakita sakin ang isang blankong papel.

Maya maya pa ay agad na may nagtakip ng panyo ko mula sa likuran ko. Nagpupumiglas ako ngunit parang unti unti nanghihinan ang buong katawan ko. Agad nila ako sinakay sa puting SUV.

--

JIO POV

"Masyado naman yata mainitin ang ulo mo. Relax." sarcastic na pagkakasabi ni Wilfredo saka umalis.

Agad kong tinawagan si Eunice, pero cannot be reach ang phone niya. Kaya si Hector nalang ang tinawagan ko.

HECTOR POV

Halos mag iisang oras na ng magpaalam si Eunice na may bibilhin lang pero 'di parin siya bumabalik.
Agad kong inutusan ang mga kasama ko na hanapin si Eunice.

Maya maya ay nagring ang phone ko. Si Boss Jio tumatawag.

JIO POV

"Ano balita d'yan?" agad na tanong ko.

"Boss, si Eunice. Nawawala yata eh. Ang nakita lang ng mga bata ko ay ang bag ni Eunice." seryosong pagkakasabi ni Hector.

"P*t*ngin*! Wag kayong babalik dito hanggat 'di niyo nahahanap si Eunce. Dahil baka mga ulo niyo ang pasabugin ko." pagbabanta ko dahil sa galit at labis na pag-aalala.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon