CHAPTER 12

321 27 0
                                    

EUNICE (EBONY) POV

Hindi ako mapakali kaya naisipan ko nalang na pumunta sa Mansion nila Jio. Ngunit sinigurado ko na wala siya doon ng magpuntunta ako dahil ayaw ko siya makaharap.

Mabuti nalang ay si Isabelle lang ang nandoon.

"Mam Eunice? Ikaw na ba yan iha?" nakangiting pagkakasabi ni Isabelle sakin saka ako niyakap.

"Tuloy ka." nakangiti niyang pagkakasabi.

"Hindi na, hindi rin naman ako magtatagal. May gusto lang ako itanong. Si Jio? Umuwe na ba siya dito?" seryosong pagkakasabi ko.

"Ah si Sir Jio? Naku isang linggo na siya 'di napunta dito eh. Hindi ko alam kung bakit." sagot ni Isabelle.

"Ganun ba, kapag nagtanong siya wag mo sasabihin na hinanap ko siya sayo." bilin ko.

"Sige po Mam Eunice." nakangiti naman pagkakasabi ni Isabelle.
Matapos nun ay agad narin akong umalis. Pasakay na ako ng kotse ng makita ko ang sasakyan ni Jio. Huli na para magtago pa ako.

Agad siyang bumaba ng kotse saka ako nilapitan.

"Anong ginagawa mo dito? Ako ba hinahanap mo? Gusto bang alamin ni Wilfredo kung buhay pa ako?" sunod sunod na tanong sakin ni Jio.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito." seryosong pagkakasabi ko
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko ng hilahin ako ni Jio palapit sa kanya. Ilang segundo nagkatitigan ang mga mata natin dalawa, hanggang sa bigla niya akong halikan sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya kaya tila hindi nakakilos ang buong katawan ko. Pero maya maya din ay mabilis ko siyang naitulak saka sinampal ng malakas.

Wala akong imik na sumakay ng kotse ko saka umalis.

JIO POV

"Wala ka parin pinagbago, ang ganda mo parin kahit nagagalit o naiinis ka." nakangiting bulong ko sa sarili ko.

"Boss, ok lang kayo? Bakit nakangiti kayo?" nagtatakang tanong ni Hector na kararating lang.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" seryosong pagkakasabi ko saka pumasok na sa Mansion.

EUNICE (EBONY) POV

Nang makabalik na ako ng mansion, hindi ko parin malimutan ang paghalik na ginawa sakin ni Jio.

"Bwiset na Jio na yun, ninakawan pa ako ng halik." bulong ko sa sarili ko.

"Saan ka nanggaling. Bakit parang namumula yang pisngi mo. May sakit ka ba?" tanong sakin ni Wilfredo.

"Nagpahangin lang ako sa labas." seryosong pagkakasabi ko.

"Nagpahangin? May nakapag sabi sakin na nangaling ka daw sa mansion ni Jio? Anong ginagawa mo don sa ganitong oras?" seryosong pagkakasabi ni Wilfredo.

"Ah yun ba? Oo nagpunta ako doon. Inalam ko kasi sa kasambahay niya kung buhay pa ba si Jio o kung saan siya ngayon nagtatago." matapang na sagot ko.

Hindi na nakapag salita pa si Wilfredo, matapos ay umakyat na ako sa taas saka dumiritso sa kwarto ko.
Nang mahiga ako sa kama ay 'di talaga maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Halos nagpagulong gulong na ako sa kama, pero nasa utak ko parin si Jio.

HECTOR POV

"Isabelle, may napapansin ka ba kay Boss Jio? Para kasing laging good mood. Laging masaya yung mukha. Dati naman hindi siya ganyan." seryosong tanong ko kay Isabelle habang nakatingin kay Jio na umiinom ng alak pero nakangiti.

"Baka inlove si Sir Jio kaya ganyan siya." nakangiting sagot naman ni Isabelle.

"In love? Si Boss ma-iinlove?" nagtatakang tanong ko naman.

EUNICE (EBONY) POV

Maagang umalis si Wilfredo ng mansion papunta sa hide out, kaya nagkaroon ako ng oras na makalabas ng mansion.

Alam kong may lihim na nagbabantay sa bawat kilos ko kaya tinawagan ko muna ang kaibigan ko na si Sandra at Leigh para 'di mag isip ng 'di maganda sakin ang mga tauhan ni Wilfredo.
Nakipag kita nga ako kay Sandra at Leigh sa isang Coffe Shop. Matapos ang kwentuhan ay nagpaalam narin sila na uuwe na.

Pauwe narin sana ako ng makita ko si Jio. Nilagpasan ko siya pero hinila niya ako palapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko.

"Magkakape." seryosong sagot niya.

"Magkakape? At kailan ka pa natutong magkape?" tanong ko.

"Bakit ba ang dami mong tanong sakin? hindi mo nalang ako sabayan magkape." sambit niya habang nakatitig sakin.

"Magkape ka mag isa mo." naiinis na sagot ko.

"Bakit ba ang ganda mo parin kahit naiinis ka." nakangising tanong ni Jio habang nakatitig sakin.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon