<Jio Mansion>
JIO POV
"Nandito na po pala kayo sir Jio. May naghahanap po pala sayo." bungad ni Isabelle.
"Sino?" tanong ko.
"Long time no see kapatid ko." sarcastic na bati sakin ni Wilfredo.
"Anong ginagawa mo dito? At anong karapatan mong tumapak sa sarili kong pamamahay?" matapang na pagkakasabi ko.
"Kalma lang, binibisita lang naman kita. Baka kasi nagbago na ang isip mo at maisipan mo ng ibigay sakin ang posisyon bilang Mafia Boss." nakangising pagkakasabi ni Wilfredo.
"Ang pagiging isang Mafia Boss ay hindi nababagay ay isang tulad mo. Wala kang alam, isa kang mangmang. Hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon leader ka parin ng isang hinding kilalang gang. Malakas lang naman ang loob mong tumapak sa sarili kong pamamahay at sugurin ang hide out namin dahil nasa'yo si Eunice." maangas na pagkakasabi ko dahilan para mag init ang ulo ni Wilfredo.
Ngunit bago pa man niya mabunot ang baril niya ay naunahan ko na siya.
"Wag mo 'kong simulan. Dahil kayang kaya kitang patumbahin ano mang oras kahit kapatid kita." matapang na pagkakasabi ko.
Maya maya pa ay nagkusa narin umalis si Wilfredo sa pamamahay ko.
"Sir Jio, totoo ba na si Mam Eunice ay na kay Sir Wilfredo?" tanong ni Isabelle.
"Oo." tipid na sagot ko.
Aalis na sana ako bigla muling nagsalita si Isabelle.
"Ah 'di kasi nabanggit sakin ni Mam Eunice noong bumisita siya dito." anya ni Isabelle.
"Anong sabi mo? Bumisita dito si Eunice? kailan?" agad na tanong ko.
"Ah...Eh kasi Sir, ayaw ipasabi sayo ni Mam Eunice eh. Pero noong nakaraang araw pumunta dito si Eunice nagtatanong kong umuuwe pa kayo dito sa Mansion. Sabi ko isang linggo na kayo 'di na nauwe."
Hindi na lamang ako kumibo saka ako lumabas ng mansion.
EUNICE (EBONY) POV
Naglalakad ako galing sa isang eskenita ng mapansin kong parang may sumusunod sakin kaya dahan dahan ko kinuha ang baril na nasa bag ko saka lumingon sa likod pero wala akong makitang tao.
Nagulat nalang ako ng biglang takpan ang bibig ko ng kung sino man. Hanggang sa tuluyan na ako mawalan ng malay.
WILFREDO POV
"Nasan si Eunice?" agad na tanong ko sa mga tauhan ko.
"Hindi pa siya dumarating Boss. Kanina pa siyang umaga umalis." sagot ni Lester.
"Saan daw siya nagpunta?" tanong ko.
"Wala siyang sinabi Boss. Basta aalis lang daw siya saglit." sabat ng isa pa.
"Ano pang tinatayo tayo niyo d'yan? Hanapin niyo mga gag*!" sigaw ko dahil sa galit.
"Hindi ako papayag na maisahan ako ng Jio na yan, masyado niyang minamaliit ang kakayahan ko. Tignan nalang natin kapag sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal niya." sambit ko habang nanggigigil sa galit.
JIO POV
"Gising na ba si Eunice?" tanong ko kay Hector.
"Hindi pa Boss." sagot naman ni Hector.
"Boss, mabuti nabawi niyo na si Eunice sa kapatid niyo." saad ni Hector.
"Sigurado akong hinahanap na nila si Eunice ngayon. Hindi ako papayag na umabot sa punto na pati si Eunice ay madadamay sa alitan namin ng kapatid ko." seryosong pagkakasabi ko.
EUNICE POV
"Nasaan ako? Saang kwarto 'to?" tanong ko sa sarili ko habang nililibot ang tingin sa paligid.
Agad akong bumangon sa kama saka tinungo ang pintuan. Hindi ito naka-lock kaya naka labas ako agad.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Jio.
"Anong lugar 'to? Saan mo 'ko dinala?" tanong ko kay Jio.
"Huminahon ka lang, nandito ka sa Cassa Dollente, isa sa mga mansion ko. Wag ka mag alala safe dito kasi 'di alam ni Wilfredo dito." seryosong pagkakasabi ni Jio.
"Aalis ako dito." matapang na pagkakasabi ko.
"Hindi, dito ka lang." sagot naman ni Jio.
"Dapat pala noong unang pagkikita natin, pinatay na kita. Hindi na sana dapat kita hinayaan makatakas." nanggigigil na pagkakasabi ko.
"Pwede mo naman gawin yun ngayon eh. Oh ito baril, sige barilin mo 'ko. Patayin mo 'ko." saad ni Jio.
Agad ko nga kinuha ang baril na inaabot niya sakin saka ito kinasa sa harapan niya saka tinutok sa ulo niya.
"Buti sana kapag pinatay kita, maibabalik ang buhay ng mga magulang ko. Kaso hindi, kaya mas gugustuhin kong mabuhay ka. Kasi gusto ko habang buhay mo rin pagsisisihan ang ginawa mo sa mga magulang ko." naiiyak na pagkasabi ko.
JIO POV
Aalis na sana si Eunice pero kaagad ko siyang niyakap.
"Kung alam ko lang sana na si Miguel ang daddy mo, hindi ko na sana ginawa yun. Maniwala ka man o sa hindi, pero nagsisisi ako sa pagpatay ko sa mga magulang mo." sinsero kong pagkakasabi.
Agad naman ako tinulak ni Eunice.
"Hindi ako nanininiwalang nagsisisi ka. Dahil ikaw ang klase ng tao na walang konsensya." seryosong pagkakasabi ni Eunice.
Saka ito tuluyang umalis.
——
EUNICE POV
"Saan ka nanggaling? Umalis ka daw ng walang paalam." bungad sakin ni Wilfredo.
"Dinalaw ko lang ang puntod ng mga magulang ko." pagsisinungaling ko.
"Matagal tagal narin mula ng magkaroon tayo ng kasunduan. Tutulungan kita makaganti sa taong pumatay sa mga magulang mo, at tutulungan mo 'kong pabagsakin si Jio. Kailan mo 'ko tutulungan na pabagsakin ang kapatid ko?" nakangising pagkakasabi ni Wilfredo.
"Pero hindi pa ako nakakaganti kay Jio kaya pano kita matutulungan sa hinihingi mong kapalit?" seryosong tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
RomanceSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...
