LAST CHAPTER

569 30 1
                                    

JIO POV

Kahit ng nakauwe na kami ng mansion ay hindi na ako pinapansin ni Eunice. Si Hector at Isabelle lang ang madalas niyang kausapin.

One week later..

"Eunice, mag usap naman tayo." pagmamakaawa ko kay Eunice.

"Para saan pa? para maniwala at magtiwala ako ulit sayo? Tapos ano? Sasaktan mo 'ko ulit?" naiiyak na pagkasabi ni Eunice.

"Eunice makinig ka naman sakin please." pakiusap ko.

"Hindi ko alam Jio. Kasi noon, nagawa na nga kitang patawarin eh. Ilang beses ko pinaramdam at pinakita sayo na pinapatawad na kita at higit sa lahat na mahal na kita. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo ko." sambit ni Eunice hanggang sa tumulo na ang luha niya.

"Kung kinakailangan lumuhod ako magdamag gagawin ko mapatawad mo lang ako." seryosong pagkakasabi ko pero tinignan lang ako ni Eunice saka umalis.

EUNICE POV

Ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan, isasara ko na sana yung bintana sa kwarto ko ng makita si Jio na nakaluhad sa gitnan ng ulan habang nakatingala sakin.

Kaagad ko sinara ang bintana sa kwarto ko at hindi siya pinansin.
Makalipas ang 30mns ay sumilip muli ako pero nanatili parin siya nakaluhod sa gitna ng ulan. Maya maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko, si Hector at may hawak siyang payong.

"Puntahan mo na si Boss." seryosong pagkakasabi ni Hector sakin saka iniabot ang payong pero hindi ko 'to tinanggap.

"Kung gusto niya magpakabasa sa ulan. Wala akong pakialam." mariin na pagkakasabi ko.

"Mahal na mahal ka ni Boss. Kaya lahat ginawa niya para ma-proteksyonan ka lang. Kahit ang naging kapalit non ay saktan ka. Pero sa totoo lang, hindi ginusto ni Boss na saktan at iwasan ka. Nagawa lang niya yun dahil sa akala niya yun yung makakapagpalayo sayo sa kapahamakan. Pero nagkamali siya, dahil maging si Mr. Chua ay ginamit ka laban mismo kay Jio.

"Mr. Chua?" bulong ko sarili ko.

Flashback

"Ito na ang tamang pagkakataon mo para mapatay si Jio." nakangising pagkakasabi niya.

"Sino ka ba talaga?" tanong ko.

"Just call me Mr. Chua." saad niya.

End of Flashback

Hindi na ako nag atubili pa at agad na kinuha ang payong kay Hector saka pinuntahan si Jio na hanggang sa mga oras na 'to ay nakaluhod parin sa gitna ng ulan.

--

"Jio." naluluhang sambit ko at kaagad na niyakap ang nanginginig sa lamig na katawan ni Jio.

"E-Eunice s-sorry." nanginginig na pagkasabi ni Jio.

Kaagad nga ako nagpasaklolo kila Hector upang ipasok sa loob ng mansion si Jio.

Agad ko siyang pinunasan ng tuwalya, habang si Isabelle naman ay naghanda ng tea para kay Jio.

Nanginginig parin si Jio kaya niyakap ko siya kasama ang tuwalya.

--

Dahil sa halos isang oras na pagpapakabasa ni Jio sa ulan ay nilagnat siya. Kaya ako ang nag alaga sakanya.

"May pa-luhod luhod ka pa kasi sa gitna ng ulan, yan tuloy nagkasakit ka." paninisi ko kay Jio.

"Ok lang yun, kasi ikaw naman nag aalaga sakin ngayon." nakangiting pagkakasabi niya.

"Pwede ba tama na nga yan pambobola mo sakin. Ubusin mo na 'tong soup. Si Hector pa may gawa niyan." sambit ko.

"Si Hector?" nagtatakang tanong ni Jio.

"Oo si Hector, bakit ayaw mo?" tanong ko.

"Kaya pala pangit lasa." biro ni Jio.
"Grabe ka, umiyak pa nga yan si Hector sa pag hihiwa ng sibuyas tapos sasabihin mo lang pangit lasa." natatawang biro ko.

--

Kinabukasan din ay magaling na agad si Jio. Nakangiti siyang bumati sakin ng Good Morning.

"Magaling kana agad?" tanong ko.

"Oo, magaling yung nurse ko eh." nakangising pagkakasabi niya.
"Mabuti naman Boss, ok kana." sabat ni Hector.

"Alam mo ba Hector, sabi ni Jio pangit daw lasa ng soup mo." biro ko.

Agad naman sumama ang tingin ni Hector kay Jio.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" maangas na tanong ni Jio.

"Wala boss." sagot naman ni Hector.
Natawa na lamang ako sa reaction nilang dalawa.

--

One year later...

Isang taon narin ang nakakalipas mula ng maging tila roller coaster ang love story namin ni Jio. Nag quit narin si Jio sa pagiging Mafia Boss niya, gusto niya narin mabuhay ng simple lang lalo pa't malapit narin kami maikasal pero nananatili niyang tapat na kaibigan si Hector.

"Bakit ka nakatitig sakin?" tanong ko kay Jio.

"Hindi ko kasi akalain na sa kabila ng lahat. Tayo parin pala sa huli." sweet na pagkakasabi ni Jio sakin habang hawak ang kamay ko.

"Ako rin, hindi ko rin inakala na mamahalin kita ng sobra." nakangiting pagkakasabi ko.

"Pinapangako ko sayo na kahit anong mangyari po-proteksyonan kita. Mahal na mahal kita Eunice." nakangiting pagkakasabi ni Jio at saka ako hinagkan.

THE END

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon