CHAPTER 10

424 19 0
                                        

<Jio Mansion>

JIO POV

“Boss, kamusta ang pakikipag kita mo sa kapatid mo? Sinabi niya ba sayo kung nasaan si Eunice?” tanong ni Hector sakin.

“Tinatago niya sakin si Eunice, masama ang kutob ko. Alam kong matagal ng gusto angkinin sakin ni Wilfredo ang pagiging Mafia Boss, kaya gagamitin niya si Eunice para makuha yun.” seryosong pagkakasabi ko.

“Anong plano natin Boss?” tanong sakin ni Hector.

“Utusan mo ang bata mo na mag manman sa mansion ni Wilfredo gayundin sa Villa Dela Fuentes, alamin nila kung talagang hindi tinatago ni Wilfredo si Eunice.” seryosong pagkakasabi ko.

“Masusunod Boss.” sagot ni Hector.
“At ikaw, mag manman ka sa Hide Out nila Wilfredo.” utos ko, agad naman tumango si Hector saka umalis.

<Wilfredo Mansion>

EUNICE POV

Nakahiga na ako ng may biglang kumatok sa pinto, kaya agad akong bumangon saka ito binuksan. Bumungad sakin si Wilfredo.

“Gising ka pa pala. Pwede ba kita makausap kahit saglit?” seryosong pagkakasabi ni Wilfredo.

Agad naman ako tumango. Sumunod ako sa private office niya sa loob ng mansion at doon ay nag usap nga kaming dalawa.

WILFREDO POV

“Alam kong gustong gusto mo makaganti kay Jio, pero paano mo yun magagawa kung ganyan ang itsura mo. Napaka amo ng mukha, halatang 'di mo kaya pumatay. Kaya ito mula sa araw na 'to yan na ang damit na isusuot mo, ibabahin mo narin ang hairstyle maging make up at higit sa lahat. Tuturuan kita paano ang gumamit ng baril.” salaysay ni Wilfredo saka iniabot sakin ang mga paper bag na naglalaman ng damit at makeup kit.

Agad ko naman tinignan ang laman ng paper bag. Puro dark colors ang mga damit, ang se-sexy tignan.

“Isusuot ko 'to?” nagtatakang tanong ko.

“Oo, at simula ngayon hindi na ikaw si Eunice na napaka sweet at mabait. Dahil simula ngayon ay ikaw na si Ebony (which means dark strenght) na walang ibang gusto kundi makaganti sa taong pumatay sa magulang niya.”  nakangiting pagkakasabi ni Wilfredo.

Ngumiti lamang ako sakanya matapos tanggapin ang mga binigay maging ang bagong pagkatao ko.

Kinabukasan ay sinama niya ako sa hide out nila. At doon ay nagsimula akong turuan gumamit ng iba't ibang armas. Dahil sa determinado ako na makaganti kay Jio at patayin siya kaya mabilis ko natutunan lahat.

——

JIO POV

“Ano balita?” tanong ko ng sagutin ang tawag ni Hector.

“Boss, alam ko na kung nasaan si Eunice. Nandito siya sa hide out ng kapatid mo. Boss, ibang iba na ang itsura ni Eunice ngayon, at sa nakikita kong itsura niya mukhang miyembro narin siya ng gang na pinamumunuan ng kapatid mo.” sagot ni Hector.

“Nakasisiguro ka bang si Eunice nga ang nakita mo?” tanong ko kay Hector.

EUNICE (EBONY) POV

Napansin ko na may na may ibang tao na nakatingin sakin habang nag e-ensayo ako. Kaya mabilis ko siyang nilapitan, at mula sa liko ay tinutok ko sa ulo niya ang baril na hawak ko.

“Sino ka? At anong ginagawa mo dito?” matapang na tanong ko sa nakatalikod na lalake.

Unti unti siyang humarap sakin, si Hector ang tapat na kanang kamay ni Jio. Kahit humarap na siya sakin ay nakatuk parin ang baril na hawak ko sakanya.

“Eunice ibaba mo yan, ako 'to si Hector.” mahinang pagkakasabi niya.

“Sinong Eunice ba ang hinahanap mo? Walang Eunice dito. Umalis kana, dahil baka di ako makapag pigil at sumabog yang ulo mo.” matapang na pagkakasabi ko.

Umalis naman siya kaagad dahil narin sa pagbabanta ko sakanya.
“Magaling. Isang araw palang pero mahusay kana. Keep it up.” sambit ni Wilfredo mula sa likod ko habang pumapalakpak.

“Hindi na ako makapag hintay na muling makaharap si Jio. Nangangati na ang kamay ko na patayin siya.” seryosong pagkakasabi ko.

“Wag ka mag alala Ebony, darating tayo d'yan. Sa ngayon ay kailangan mo pa husayan. Dahil magaling sa kahit anong armas si Jio, pero ikaw ang kahinaan niya.” nakangiting pagkakasabi ni Wilfredo.

JIO POV

“Boss, pabalik na ako d'yan. Marami kang kailangan malaman tungkol kay Eunice.” seryosong pagkakasabi ni Hector.

Wala pang isang oras ay dumating na si Hector sa mansion.

“Boss.” bungad niya.

“Ano balita?” tanong ko.

“Confirm Boss, si Eunice nga ang babaeng tinutukoy ko kanina. Nahuli niya akong nagmamanman kanina, kaya pinagbantaan niya ako. Malayong malayo ang mukha ni Eunice sa dating Eunice na nakilala ko.” seryosong pagkakasabi ni Hector.
“Sinasabi ko na nga ba, gagamitin ni Wilfredo si Eunice laban sakin.” galit na pagkakasabi ko.

My Cousin is a Mafia BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon