CHAPTER 11

314 22 0
                                    

EUNICE (EBONY) POV

Two months has been passed, ibang iba na ako kumpara sa Eunice na nakilala ni Jio noon. Wala na ang Eunice na sweet at jolly, ako na si Ebony ang babaeng walang kinatatakutan at ang nais lang ay ipaghigante ang mga kanyang mga magulang.

Kasalukuyan ako nag e-ensayo ng pag gamit ng samurai ng dumating si Wilfredo.

"Napakahusay muna. Sigurado akong matatalo mo si Jio kapag nagkita na kayo. Magugulat siya kapag nakita ka niya." nakangiting pagkakasabi ni Wilfredo sabay hithit ng sigarilyo.

"I will make sure na pagsisisihan niya na niloko niya ako. Pagsisisihan niya ang ginawa niya sa mga magulang ko." seryosong pagkakasabi ko habang damang dama ko ang puot at galit sa puso ko.

--

Kinabukasan ay nakatakdang susugurin namin ang hide out nila Jio ng hindi nila nalalaman. Tapos na ang halos dalawang buwan kong pagtatago sakanya oras na para makilala niya si Ebony. May dalawa kaming spiya sa hide out nila Jio kaya madali kaming nakapasok dito.

JIO POV

Busy akong nakikipag usap sa mga tauhan ko ng makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril. Mabilis kong kinuha ang baril ko at saka lumabas. Nakita ko ang mga tauhan ni Wilfredo, marami narin sa mga tauhan ko ang namatay.

Agad akong bumaba ng hagdan saka ikinasa ang baril ko.

"Boss, mukhang sinugod tayo ng kapatid mo. Mga tauhan sila ni Wilfredo." anya ni Hector habang nakatingin sa paligid.

"Hayop siya!" nanggigigil kong pagkasabi.

Halos tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok sa panig ni Wilfredo at sa mga tauhan ko. Marami sa tauhan ko ang namatay, agad kaming umikot sa likod para makatakas.
Pero bigla akong napatigil ng salubungin ako ng isang babae. Kaya agad ko rin siya tinutukan ng hawak kong baril.

Kulay pula ang buhok niya, matapang ang kanyang mga mata na tila nanlilisik sa galit, may bahid pa ng dugo ang hawak niyang Katana sa kaliwang kamay niya. Habang ang kanang kamay niya ay may hawak na baril, ito ang baril na binigay ko sakanya noon. Nakatutok to sa noo ko, habang siya ay nakatitig sakin.

"E-Eunice." nauutal kong pagkasabi.
Nang masiguro kong si Eunice nga ang babaeng yun, unti unti ko binitawan ang baril na hawak ko na kanina ay nakatutok din sakanya.

"Matagal ng patay ang Eunice na sinasabi mo." matapang na pagkakasabi ni nito.

"Eunice makinig ka sakin, ginagamit ka lang ni Wilfredo sa pansarili niyang interest. Hindi mo siya totoong kakampi." seryosong pagkakasabi ko.

EUNICE (EBONY) POV

"Sinabi ng hindi ako si Eunice!" sigaw ko saka tinapat sa leeg niya ang Katanang hawak ko.

Nasa punto na ako na isang kalabit ko lang sa gatilyo ng hawak kong baril ay tiyak na tatapusin nito ang buhay ni Jio, ngunit tila hindi ko magawa.

"Sige patayin mo 'ko, kung yan ang makakapag pasaya sayo." seryosong pagkakasabi ni Jio.

Nanginginig ang mga kamay ko ng mga oras na yun. Gusto kong tapusin na si Jio pero parang may kung anong pumipigil sakin na gawin yun.
Mabilis akong umalis at iniwan si Jio.

JIO POV

Nasa isang hide out na kami ginagamot ang ibang sugat ng mga kasamahan kong nakaligtas.

"Boss, yung babae kanina namumukaan mo ba siya?" tanong sakin ni Hector.

"Si Eunice, sa tingin ko ay talagang na-brainwash na siya ni Wilfredo." seryosong pagkakasabi ko.

"Si Eunice din ang pumatay sa ibang tauhan natin, mahusay siya gumamit ng samurai, sinanay siyang mabuti ng kapatid mo para kalabanin ka." seryosong pagkakasabi ni Hector.

"Pero hindi yun nagawa ni Eunice, kahit na ganun ang itsura niya kanina nakita ko parin sakanya ang dating Eunice na kilala ko ng itapat niya sa leeg ko ang samurai na hawak niya at itutok sa ulo ko ang baril niya." seryosong pagkakasabi ko.

EUNICE (EBONY) POV

"kamusta? Napatay mo na si Jio?" agad na tanong sakin ni Wilfredo ng makabalik ako sa hide out.

"Hindi ko siya naabutan. Wala siya sa hide out kanina." seryosong pagkakasabi ko.

"Nakakasisiguro ka ba?" nagdududang tanong ni Wilfredo.

"Totoo ang sinasabi niya Boss." sabat ni Lester kaya agad akong napatingin sakanya.

"Ok lang yan, marami pa tayong next time. Sa susunod ako na mismo ang papatay sakanya." nakangising pagkakasabi ni Wilfredo.

--

"Sandali." pigil ko sa nauunang maglakad na si Lester.

"Alam ko kung anong itatanong mo sakin. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay makakabuti para sayo." seryosong pagkakasabi ni Lester saka umalis.

WILFREDO POV

"Bantayan niyo si Eunice, hindi ako tiwala sa mga kinikilos niya." utos ko sa mga tauhan ko.

At agad naman sila sumunod sa utos ko.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon