CHAPTER 1

910 40 1
                                    

EUNICE POV

"Bihis na bihis ka saan ang lakad?" tanong sakin ni Jio ng makita akong bumaba ng hagdan.

Si Jio ay ang pinsan kong 5years ang tanda sakin pero ayaw na ayaw na tinatawag ko siyang kuya. He's also a Mafia Boss, a powerful mafia boss. He's cold-hearted and ruthless Mafia Boss sa iba, pero pagdating sakin para siyang maaamong tupa. For 9years of living together under the same roof, naramdaman ko ang pagkalinga, pagmamahal at pagprotekta niya sakin. Since my both parents died in an accident, si Jio na ang tumayong magulang ko. And I still remember how he killed Jeffrey in front of me ng pagtangkaan ako nitong  gahasin 9years ago. At ang pangyayaring 'yun ay nananatiling lihim naming dalawa ni Jio.

Pero minsan, 'yung pagiging protective niya sakin ay hindi ko narin ikinakatawa. Nasa 26 na ako, but he still threat me like 17yrs old. Kaya naman naiinis narin ako minsan.

"May pupuntahan lang kami ng mga kaibigan ko." sagot ko.

"Ok, yung driver na natin ang mahatid sainyo. Saka uutusan ko yung ibang tauhan ko na bantayan ka." seryoso nitong pagkakasabi.

"What? Jio naman, hindi na ako bata. 26years old na ako. I can protect myself." naiinis na sagot ko at saka lumabas ng mansion.

Sa sobrang protective kasi sakin ni Jio, kahit sa labas lang naman ako ng mansion nagpapahangin o kaya naglalakad lakad sa garden, ang gusto niya ay may mga nakasunod sakin na mga tauhan niya. Naiilang naman ako ng ganun.

JIO POV

"Hector!" sigaw ko.

"Yes boss?" nagmamadaling dating naman ni Hector.

"Magkasama ka ng iba pang mga tauhan. Sundan niyo si Eunce, bantayan niyo siya ng mabuti. Siguraduhin niyong walang mangyayaring masama sa pinsan ko. Wag kayong magpapakita sakanya." utos ko kay Hector at agad naman itong sumunod.

EUNICE POV

"Look Eunice, I think someone is following us." sambit ng kaibigan kong si Sandra habang nakatingin sa side mirror ng kotse ko.

"Ang kulit talaga." inis na pagkakasabi ko.

Sandali kong itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada at saka bumaba. Sa 'di kalayuan ay tumigil din ang itim na kotseng sumusunod samin. Kaya agad ko 'tong nilapitan.

"Inutusan ba kayo ni Jio para sundan ako?" naiinis na tanong ko kay Hector.

"Gwapo ka sana kaso uto uto ka." pang aasar ko pa.

"Gusto ka lang naman protectahan ng pinsan mo." seryosong pagkakasabi ni Hector.

"How many times do I need to tell all of you na kaya ko ng protektahan ang sarili ko. Hindi na ako bata. Kaya bumalik na kayo." utos ko.

"Hindi ikaw ang boss namin dito kaya bakit kami susunod sayo?" matapang na sagot ni Hector.

"But I'm still your boss' cousin." mataray na pagkasabi ko.

"Pero sige, mukhang makulit kayo. Pupunta kaming mall, magsha-shopping ng mga bagong damit, sapatos at bag. Ok naman sigurong maging taga bitbit namin kayo diba? Para naman may silbing yang muscles at abs niyo." dagdag ko pa.

--

Matapos nun ay naglakad na ako pabalik sa kotse ko.

"Who are they? Kilala mo?" tanong ni Leigh

"Yes, mga tau---I mean kaibigan ng pinsan ko." sagot ko.

"So bakit nila tayo sinusundan?" tanong ni Sandra.

"Baka daw kasi kailangan natin ng taga bitbit ng mga bibilhin natin. Sila nalang daw ang magbibitbit." nakangiting pagkasabi ko.

--

JIO POV

"Asan si Eunice?" tanong ko kay Hector ng tawagan ko siya.

"Nandito sa Mall Boss, ito nga't ginawa kaming taga bitbit ng mga pinamili nila ng kaibigan niya." sagot ni Hector.

"Diba ang sabi ko bantayan niyo, hindi magbitbit ng mga pinamili nila. Paano niyo mapo-protektahan si Eunice kung puro paper bag o shopping bag ang dala niyo?" galit na pagkakasabi ko.

"Eh Boss, mana sayo yung pinsan mo eh. Ang tapang." sagot ni Hector.

"Basta't siguraduhin niyo lang na walang mangyayaring masama kay Eunice dahil kapag umuwe yan dito na may sugat. Makatikim kayong apat sakin." pagbabanta ko.

"Opo Boss." sagot naman ni Hector.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon