“Alam na kaya ni Eunice ang totoo?” may pagtatakang tanong ni Leigh.
“Yun din ang nasa utak ko hanggang ngayon Leigh, and what if she found out na all those f*cking nine years ay nagpe-pretend lang pala talaga si Jio as her cousin. And what if she found na isa palang Mafia Boss si Jio.” aniya ako.
“May isa nalang akong pinagtatakhan Sandra.”
“Ano?”
“The reason why he pretend to be Eunice's cousin? for sure, hindi lang rason na mahal niya si Eunice kaya niya 'yun ginawa.”
Three days later...
JIO POV
Kasalukuyan ako umiinom ng alak ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril, mabilis ko kinuha ang baril ko saka ito kinasa. Pagdungaw ko sa bintana nahandusay na halos lahat ng mga tauhan ko nakabantay sa labas ng mansion.
Hanggang sa bungad sakin ang isang babae, hindi ko siya mamukaan dahil natatakluban ng suot niyang mask ang mukha niya, naka-suot din siya ng itim.
Mabilis niya ako nabaril sa braso. Ginantihan ko rin siya ng apat na magkakasunod ng putok ng baril. Pero sadyang mabilis siyang nakailag. Hanggang sa nagtungo na ako sa silid ko kung saan andoon ang iba ko pang baril pero agad niya akong sinundan.
Sa kwarto ko nga ay nag laban kami gamit ang samurai.Nasugatan ko siya sa braso niya pero hindi siya nagpatinag, nakikita ko sa mga mata niya ang matinding galit. Hanggang sa mabitawan niya ang samurai na kanina ay hawak niya.
Muli niya sana kukunin 'to pero mabilis ko siyang pinigilan. Sa huli ay muli niyang nakuha ang samurai, mabilis niya akong na-corner.Sasaksakin niya na sana ako ng maabot ko ang baril ko at kaagad siyang binaril ng dalawang beses.
Unti unti niyang nabitawan ang samurai na hawak niya. Saka unti unti nanghina.Doon ay nagkaroon na ako ng pagkakataon para malaman kung sino siya.
Kaagad ko nga tinanggal ang suot niyang mask.
Ngunit halos mapaluhod ako at maluha ng makita kung sino ang babaeng yun. Ang pinakamamahal ko na si Eunice.
“E-eunice.” nauutal na pagkasabi ko habang hinahaplos ang mukha ni Eunice.
Pilit naman niya inaabot ang mukha ko hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.
“Eunice!” sigaw ko.
——
Kaagad ko nga dinala sa hospital si Eunice. Agad naman siyang inasikaso ng mga doctor.
Para na akong mababaliw, hindi ko kakayanin kapag tuluyang nawala sakin si Eunice.
Tumagal pa ng tatlong oras ang pag iintay ko sa labas ng ER bago may lumabas ng doctor.
“Doc. kamusta si Eunice?” nag aalalang tanong ko.
“Don't worry, she's ok now.” nakangiting pagkakasabi ng doctor.
“Can I see her now?” tanong ko.
“Mamaya ililipat na siya sa kwarto niya, doon ay pwede mo na siyang puntahan.” saad ng doctor saka umalis.
——
Matapos ang ilang minuto ay nailipat na si Eunice ng kwarto.
“Eunice.” sambit ko saka hinawakan ang kamay ni Eunice.
“Alam ko naririnig mo 'ko ngayon. Sana gumising kana. Gusto ko pang makita kung ano magiging reaksyon mo kapag sinabi ko sayong mahal na mahal kita at handa kita pakasalan saan mo man gusto.” naluluhang pagkakasabi ko.
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
Любовные романыSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...