Three weeks later..
EUNICE POV
Sa paglipas pa ng mga araw mas naging mas malapit na nga sa isa't isa si Jio at Audrey.
Hanggang sa isang araw, pumunta ako sa hide out nila Jio para alamin kung may something nga ba sila Audrey at Jio.
Wala si Jio doon sa hide out ng magpunta ako, pero andon si Audrey.
“Girlfriend ka ba talaga ni Jio?” mataray na tanong sakin ni Audrey.
AUDREY POV
“Napapansin ko kasi hindi kayo sweet sa isa't isa.” pang iinis ko kay Eunice.
Nahahalata ko naman sa mukha niya na parang naaasar na siya sakin.
“Sabi ni Jio sakin, magaling ka daw gumamit ng samurai, gusto mo mag one-on-one tayong dalawa? Para narin alam nating dalawa kung sino mas magaling.” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Wala ako sa mood na makipaglaro sayo. Hindi ako nagpunta dito dahil sayo.” mataray na sagot ni Eunice.
“Alam ko, si Jio ang pinunta mo dito. Wala si Jio dito. Kausap niya ang daddy ko. May importante silang pinag uusapan.” mataray ko rin na sagot.
Nang maramdaman ko na paparating na si Jio ay agad ko sinugatan ang sarili ko gamit ang samurai na hawak ni Eunice.
EUNICE POV
“Araaaay!” sigaw ni Eunice, maya maya pa ay dumating na si Jio.
“Ano nangyari dito? Eunice anong ginawa mo?!” galit na sigaw sakin ni Jio.
“Wala akong ginagawa.” sagot ko.
Hindi na ako pinansin pa ni Jio at agad niyang binuhat si Audrey.
Naramdaman ko nalang na unti unti pumapatak ang luha sa galing mata ko.——
<Jio Mansion>
EUNICE POV
“Jio pwede ba tayo mag-usap?” malumanay na pagkakasabi ko.
“Busy ako wala akong panahon makipag usap. Dadalawin ko pa sa hospital si Audrey.” seryosong pagkakasabi ni Jio.
“Pero Jio-----”
“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? At saka Eunice naman, bakit mo naman ginawa yun kay Audrey? Ang bait ng tao sayo tapos sasaktan mo? Ano ba pumasok d'yan sa utak mo at sinugatan mo si Audrey?!” galit na sigaw sakin ni Jio.
Hindi na ako makasagot pa sa mga tanong niya, nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko.Nang gabing yun ay umalis din si Jio sa mansion upang bisitahin si Audrey.
JIO POV
“Kailangan mo ba talaga saktan yung damdamin ni Eunice?” seryosong tanong ni Hector habang nasa loob kami ng kotse.
“Hindi ko rin gusto na nakikita siyang nasasaktan. Pero kung para sa magiging kaligtasan niya, handa ako magbulagbulagan at maging manhid.” seryosong pagkakasabi ko.
—Flashback: Few hours ago—
“Ang kasalanan ng magulang ay kasalanan din ng anak. Si Eunice ang nag iisang anak ni Miguel, si Miguel na nagnakaw ng malaking pera satin.” saad ni Mr. Chua.
“Alam ko kung bakit mo inalagaan si Eunice noon, para ma-proteksyonan siya laban sa mga taong galit sa kanyang ama. Pero hindi ibig sabihin ay nagawa mo ng pangalagaan siya.” dagdag pa ni Mr. Chua.
“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko.
“Marami parin galit sa ama ni Eunice, at alam rin nila na siya anak ni Miguel. Hindi mo habang buhay kayang proteksyonan siya. Kaya may hihingin akong pabor sayo Jio.” seryosong pagkakasabi ni Mr. Chua.
“It's either papakasalan mo ang anak kong si Audrey or lalayuan mo si Eunice kapalit ng kaligtasan niya.” nakangising pagkakasabi ni Mr. Chua.
“Hindi ko gagawin yan.
Napangalagaan ko si Eunice ng 9years, at kaya ko parin gawin yun.” seryosong pagkakasabi ko.
“Noon yun ng wala pa siyang naalala at noong ang alam pa ng lahat ay pinsan mo siya. Pero hindi na ngayon. Kapag nilayuan mo si Eunice or kapag pinakasalan mo ang anak ko.
Makakaasang kang walang mangyayaring masama kay Eunice.” seryosong pagkakasabi ni Mr. Chua.
—End of Flashback—
BINABASA MO ANG
My Cousin is a Mafia Boss
RomanceSa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagma...