CHAPTER 6

424 22 0
                                    

EUNICE POV

Nagising ako nasa isang 'di pamilyar na lugar ako. Nakagapos ang aking kamay maging ang aking paa. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yabag. Biglang bumukas ang pinto at isang lalake ang bumungad sakin.

"Gising kana pala. Eunice." sambit ng 'di ko kilalang lalake. Nakakatakot ang ngiti niya.

"Kilala mo 'ko? Sino ka? Anong kailangan mo sakin? At nasaan ako?" magkakasunod na tanong ko.

"Marami, pero sa ngayon. Hahayaan ko muna na makapag pahinga ka. Wag ka mag aalala hindi kita sasaktan." sarcastic na pagkakasabi niya at saka inamoy ang buhok ko.

"Pakawalan mo 'ko!" giit ko habang pilit na kumakawala sa pagkakagapos ko.

"Wag mo sayangin yung lakas mo. Kung ako sayo, tatahimik nalang ako para 'di ako masaktan." sambit niya, at saka lumabas ng silid.

JIO POV

Busy ang lahat ng tauhan ko sa paghahanap kay Eunice, hanggang sa bigla mag ring ang cellphone ko. Ang kapatid ko na si Wilfredo ang tumatawag.

"Anong kailangan mo?" bungad mo.
"Wala, pero sa tingin ko ikaw meron." sarcastic niyang pagkakasabi.

"Na sa'yo si Eunice?!" galit kong pagkakasabi.

"Kalma lang kapatid ko. Hindi ko sasaktan ang Eunice mo. Pero tama nga sila, sobrang napakaganda ng pinsan mo at sobrang bango. Magagamit ko siya, lalo na marami akong kliyente ngayon na naghahanap ng magandang babae." sambit niya saka tumawa.

"Hayop ka! Kapag sinaktan mo si Eunice, kakalimutan ko na magkapatid tayo at baka 'di ako makapag timpi mapatay kita." galit nalit na pagkakasabi ko.

"Sige ganito nalang, ibabalik ko sayo si Eunice pero sa isang kondisyon, tatalikuran mo ang pagiging Mafia Boss at ako gagawin mong bagong Mafia Boss. Simple lang ang gusto ko, kapalit ng pinakamamahal mong si Eunice. Magkita tayo sa Villa Dela Fuentes bukas. Dadalhin ko doon si Eunice, pero hindi mo siya makukuha hanggat 'di mo sinusunod ang gusto ko." banta ni Wilfred.

Agad kong tinawagan si Hector na hanggang sa ngayon ay nagpatuloy sa paghahanap kay Eunice.

"Bumalik na kayo dito." utos ko.

"Boss, 'di pa namin nakikita si Eunice." sagot ni Hector.

"Alam ko na kung sino ang dumugot sakanya." seryosong pagkakasabi ko.
"Sige boss, pabalik na kami." sagot ni Hector.

EUNICE POV

Pilit kong tinatanggal ang pagkakatali sa kamay at paa ko ngunit lubhang napaka higpit kaya hindi ko matanggal. Maya maya pa ay may lalaking pumasok sa silid kung saan ako nakakulong, may dala itong tray na naglalaman ng pagkain.

"Kumain kana." sambit nito saka nilapag ang tray sa paanan ko.
"Sa tingin mo ba makakain ako kung nakatali ang kamay ko." sarcastic na pagkakasabi ko.

"Sa tingin mo ba maiisahan mo 'ko?" sagot naman nito.

"Alam mo bang cute ka? Pero bobo ka." ganti ko.

Tinignan ako ng masama ng lalake, pero ilang saglit lang ay tinanggal na niya ang tali sa kamay ko.

Nang makahanap ako ng tamang pagkakataon ay mabilis ko kinuha ng tinidor at saka sinaksak sa leeg niya.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakatali sa paa ko at nagmamadaling tumakas.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nakasalubong ko ang tila boss nila.

"Where you think you're going?" seryosong tanong nito sakin.

Aatras sana ako ngunit may nga naka-abang din sa likod.

"Bakit ba masyado kang pasaway." sambit nito.

"Ikulong niyo ulit yan, siguraduhin niyo na kayo matatakasan." utos niya sa mga tauhan niya.

JIO POV

"Boss, nahanap niyo na ba si Eunice?" agad na tanong sakin ni Hector.

"Tumawag sakin si Wilfredo, hawak niya ngayon si Eunice." seryosong pagkakasabi ko sabay hithit ng sigarilyo.

"Ang kapatid mo ang dumukot kay Eunice." gulat na pagkakasabi ni Hector.

"Kung gayon Boss, dapat na natin siyang bawiin kay Wilfredo." dagdag pa ni Hector.

"May hinihinging kapalit si Wilfredo kapalit ni Eunice." seryosong pagkakasabi ko.

"Ano?" tanong ni Hector.

"Ang pagiging Mafia Boss." sagot ko.

"Anong gagawin niyo ngayon Boss?" tanong ni Hector.

"Parehas mahala sakin si Eunice at ang pagiging Mafia Boss ko. Ngunit hindi ko rin naman pwede pabayaan nalang si Eunice kay Wilfredo, hindi ko rin pwede ipaubaya kay Wilfredo ang organization na matagal kong tinaguyod." seryosong pagkakasabi ko.

EUNICE POV

"Makikita mo, ililigtas ako ng pinsan ko. Hindi niya ako hahayaan na saktan mo." seryosong pagkakasabi ko.

"Pinsan mo? Sinong pinsan? Si Jio? Naniniwala ka ba talagang pinsan mo siya?" magkakasunod na tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Napakagaling talaga ni Jio, sa loob ng 9years napaniwala ka niya sa isang kasinungalingan. Hindi mo pinsan si Jio, niloko ka niya. Dahil ang totoo, ginamit ka niya para mapagtakpan ang ginawa niya sa magulang mo. Si Jio ang mastermind ng pagkamatay ng magulang mo Eunice." kwento niya.

"Hindi yan totoo. Hindi ako tanga para maniwala sa taong hindi ko kilala." naluluhang pagkasabi ko.

"Bakit hindi mismo ang kapatid kong si Jio ang tanungin mo. Niloko ka niya, niloko ka niya sa mahabang panahon." nakangiting pagkakasabi niya.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon