CHAPTER 2

613 32 0
                                    


EUNICE POV

8PM na ng makauwe ako sa mansion. Nagulat ako ng makitang nasa sala si Jio habang umiinom ng wine at nakatitig 'to sakin, usually kapag ganitong oras wala na dito si Jio kundi nasa hide out nila doing some illegal activities.

"Buti naman umuwe kana. Sabayan mo na ako mag dinner." seryoso niyang pagkakasabi nito.

"Bakit hinintay mo pa 'ko? Nauna kana sana kumain. Saka bakit nandito ka pa? Hindi ka aalis?"
magkakasusunod na tanong ko.

"Hindi muna ako aalis ngayon. Para may kasama ka dito." seryosong pagkakasabi nito.

"Bakit ba lagi mo nalang bini-baby? 26 na ako, ilang beses ko ba sasabihin na kaya ko na pangalagaan ang sarili ko." naiinis na pagkasabi ko saka akmang aakyat ng hagdan pero hinarang niya ako.

"Alam kong hindi kana bata. Kaya nga mas doble ang ginagawa kong pag iingat sayo, isa akong Mafia Boss marami na akong nakalaban na gang at ayaw kong gamitin ka nila laban sakin kaya nga pino-protektahan kita. Dahil 'di ko kakayanin kapag nawala ka sakin." seryosong pagkakasabi ni Jio at saka ako niyakap. Mabilis ko naman siya tinulak.

"Umayos ka nga, ang clingy mo masyado. Tabi d'yan matutulog na ako." inis na pagkakasabi ko.
Agad naman siya tumabi sa dinaraanan ko.

--

Minsan sa sobrang protective sakin ng pinsan ko ay naiinis na ako. Oo naiintindihan ko na ako nalang ang natitira niyang pamilya, pero minsan kasi sobra na siya. Hindi ako makalabas o makagala na wala akong bantay. Pero kahit naiinis ako sakanya, mahal ko siya dahil siya nalang din ang pamilyang meron ako. Kahit cold at heartless siya sa paningin ng iba, para sakin siya na ang napaka-sweet na taong nakilala ko.

JIO POV

I'm one of the most powerful Mafia Boss. Pag mamay ari ako ang ilang pagawaan ng illegal drugs, illegal firearms, mastermind din ako sa napakaraming krimen dito sa mundo, naging leisure time ko na yata ang pumatay kapag trip ko. But despite being a Mafia Boss, si Eunice ang weakness ko.

"Boss, masyadong pasaway talaga yang pinsan mo." sabat ni Alex

"Manahimik ka, kung ayaw mong kumalat dito sa sahig yang utak mo." sagot ko.

"Sorry Boss." malumanay na pagkakasabi nito.

"Ihanda mo yung sasakyan. May pupuntahan ako." utos ko.

Agad naman siya sumunod sa utos ko at inihanda nga ang kotse. Umalis ako at nagtungo sa hide out namin. Kung saan naabutan ko ang ilang tauhan ko na busy sa pag gawa ng iba't ibang klase drugs na ibinebenta namin sa malalaking sindikato, gayundin ang pagawaan namin ng mga illegal na baril.

"Boss, tumawag si Mr. Chua, tayo na daw ang magiging supplier nila ng drugs." bungad ni Kian.

"Good." sagot ko saka dumiretso sa opisina ko kung saan nag aabang ang upuan ko.

Maya-maya pa ay nag ring ang phone ko, nakita kong tumatawag ang isa sa mga kasambahay ko. Mataas daw ang lagnat ni Eunice, kaya naman nagmamadali akong bumalik ng mansion.

--

EUNICE POV

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nilagnat. Maya maya pa ay naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Jio. Agad siyang umupo sa gilid ng kama ko saka hinawakan ang noo at leeg ko.

"Ang taas ng lagnat mo." nag aalalang pagkasabi ni Jio.

"Tawagan mo si Dr. Smith, papuntahin mo siya dito. Ngayon na!" pasigaw na utos ni Jio sa isa sa mga tauhan niya.

Mahigpit naman hinawakan ni Jio ang nanginginig kong kamay dahil sa lamig.

Ilang sandali pa ay dumating na ang personal doctor namin, si Dr. Smith. Sinabi ng doctor na dahil lang sa madalas na pagpapalipas ng gutom kaya ako nagkakasakit. Matapos yun ay umalis narin si Dr. Smith. Habang si Jio ay nagluto ng soup para makakain ako.

"Masyado ka kasing pasaway." sermon ni Jio habang sinusubuan ako ng niluto niyang carrot soup.

"Kung sesermonan mo lang ako lumabas kana lang ng kwarto dalhin mo yang niluto mo." naiinis kong pagkasabi.

"Tignan mo 'to. Ikaw na nga itong inaasikaso ikaw pa galit." seryosong pagkakasabi ni Jio.

"Thank you." mahinang pagkakasabi ko.

Tinignan lamang ako ni Jio.

"Thank you for always protecting me. Kahit na napakasama mong tao sa paningin ng iba, you're still the best cousin that I have." nakangiti kong pagkakasabi.

"Ubusin mo na 'to, kunti nalang tapos inumin mo na ang gamot mo." seryosong pagkakasabi ni Jio.

Tumango na lamang ako bilang sagot. Matapos ko uminom ng gamot ay nagpaalam narin si Jio na babalik na siya sa Head Quarters nila. Pero bago siya umalis ay hinagkan niya ako sa noo at saka sinabing matulog na ako.

My Cousin is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon