PROLOGUE

1.7K 42 0
                                    

A/N: TYPOS AND GRAMATICAL ERRORS AHEAD

“Where are you?” My elder sister, Hera, asked me through phone call.

“Kapapasok ko lang sa gate, saan ka pala?” I answered.

“Behind the big pillar, near the entrance door. Dalian mo baka hindi tayo makalusot.” She responded. Excitement and nervousness noticeable in her voice. Sino nga naman ang hindi magiging masigla pag makikita ang iniidolong lalaki, hindi ba?

I ended the call and ran toward the entrance. May mga nakasalobong akong mga tao habang tumatakbo patungo sa malaking pintuan ng isang hindi gaanong malaking ceramic museum. Ang iba ay nagtataka bakit ako tumatabo patungo roon eh magsasara na ito. I feel kinda sorry to them, they don’t why the museum is closing in this early while I, I really know bakit. Thanks to my sister Hera for informing me this.

“Ate.” Hinihingal kong tawag kay Ate Hera na ngayon ay nagtatago sa likod ng poste. She looks like a shy lady that doesn’t want to be seen in a public place.

“God! You’re finally here. Ang tagal kong naghihintay dito. I had been waiting here for ages!” She faced me while her hands on her waist.

“Late lang naman ako ng limang minuto tapos sasabihin ang tagal.” Sagot ko. Ate Hera is always exaggerating things, sasabihing ang tagal na naghihintay pero ilang minuto lang naman. I’m used to it. I think many women are like her, always overstating.

“Fine, fine. Alam mo namang gusto ko nang pumasok eh.” Pagsuko niya at ngumuso.

“Kaya nga nandito na ako, hindi ba?”

“You know the plan, right? Let’s stick with it.”

“I know and still remember pero makakapasok ba tayo. Look, ang daming taong lumalabas at may mga guard ding nakakalat sa lobby. Makakalusot pa ba tayo?” Sabay kaming tumingin sa loob para mag-isip paano makalusot sa mga guard.

“Makipagsiksikan tayo. Hindi naman alam ng mga tao rito maliban sa mga guwardiya kung sinong special guest this day. Sabihin nating may nakalimutan tayong gamit sa loob.” Sagot niya.

“Lusaw na plano. They may not believe our lies because you are wearing a t-shirt with Clevion’s face printed on it. A hundred percent, you’re Clevion’s fan.” Wika ko.

“Hea, I should wear this duhh! This will be the first time we’ll be near at each other. Dapat sa unang tingin niya sa akin ay alam na niyang isa ako sa mga babaeng nagmamahal sa kanya.” Pagpapaliwanag niya. She’s a number one fan of Clevion, according to her. Buti na lang at hindi ko idol ang lalaking kinababaliwan ng mga babae, baka masubrahan ko pa ang ate ko sa pagiging baliw kung sakali mang mabilang ako sa member ng fanclub.

“Bahala na lang sa maiisagot ko, basta I won’t use your lame line. Baka sabihin nilang ulyanin na ako.”

“Okay, just make sure makakapasok ka.” Hinila na niya ako at lumapit sa malaking pintuan.

“Wait, ate. There’re two rooms, saan siya papasok sa dalawang iyan?” Tanong ko kay ate ng papasok na siya. Tumigil muna siya at tiningnan kung totoo nga ba ang sinabi ko.

“His stylist didn’t tell me! Makakatanggap talaga ng sapak ang babaeng iyon.” Naiinis niyang wika. Clevion’s stylist is one of her friends during her college years. Sa kaibigan niya nakuha ang impormasyong ito.

“Alangan namang pati iyon ay sasabihin niya sa’yo ate, she already spilled the big one.”

“Still, arrghh! I’ll take that room on the left side while the room on the right is yours – wait! Siya ‘yung lalaking pumasok doon diba?” Tinuro niya ang lalaking pumasok sa silid na papasukan ko.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon