HEA IRISH HERNANDEZ
Kinabukasan ay pumunta kami sa shooting nila Clevion. Ayaw ko mang sumama dahil pagod pa ako at may pasok ako mamayang hapon pero pinilit niya ako. Wala raw akong kasama sa bahay dahil palaging nasa probinsya si Manang. Pag malapit na akong manganak ay saka lang siya magstay dito sa amin.
"Clev, ayokong pumasok." Dumating na kami sa venue kung saan sila magsho-shoot. Mula rito ay nakikita ko na ang mga busy na mga tao.
"Come on, wife. I will introduce you to them properly." Sagot niya. Iyan ang rason niya kung bakit gusto niya akong isama. Kilala na ako ng mga kasama niya sa trabaho, so bakit pa ipapakilala? Isa pang rason ay gusto nila akong mameet ulit.
"One hour lang tapos uuwi na ako." Wika ko.
"Two hours." Sinamaan ko siya ng tingin pero nagpa-cute siya kaya napa-oo ako.
"Oo na!"
"Sus, pati iyan ay kanina pa pinagdedebatehan. Mala-late na tayo oh." Singit ni Drake na kanina pa pala tahimik na nakikinig.
Pinagbuksan na niya kami ng pinto kaya lumabas na kami. Nakahawak lang ako sa kaliwang kamay ni Clevion habang nakayuko. Gusto ko nang bumalik sa bahay, hindi ko kaya ang mga titig nila.
"Clevion!" Tawag sa kanya ng isang matandang lalaki, I bet he is in his mid-40s. May suot itong headphone, baka siya ang director nila or working in the audio team.
"He's the director. Say hi." Bulong sa akin ni Clevion bago makipagkamayan sa lalaki.
"Kumusta kana, Hea? Ngayon lang uli kita nakita. Ang una ay noong kinasal kayo ni Clev." Wika nito.
"Hi po, sir. Okay lang po ako, kayo po? It's nice to see you again po." Magalang kong sagot. Hindi ko siya mamukhaan pero go with the flow pa rin ako.
"Okay lang ako hija. Buti naman at okay ka rin, kumusta na pala ang pagbubuntis?" Tanong niya ulit. Narinig kong mahinang tumawa si Clevion sa tabi ko. Paano naman kasi eh biglang nanginig ang kamay ko. Hindi ako sanay na makipag-usap tungkol sa pagbubuntis ko. Ano bang isasagot ko?
"Pfftt. Okay lang naman ang pagbubuntis niya, direk. Naging bampira lang nga, ang hilig mangagat." Si Clevion na ang sumagot habang tumatawa ng mahina. Magpapasalamat sana ako sa pagsagot niya pero mas nainis ata ako dahil sa sagot niya.
"Hahaha! Pustahan tayo, pati ang magiging anak niyo ay mahilig mangagat." Pati and director ay tumatawa na rin.
"Halika na kayo, magsisimula na!" Niyaya niya kami papasok sa isang malawak na kuwarto. Sa loob ay kung ano-ano ang makikita. Sa unahan ay kung saan daw gaganapin ang unang scene na isho-shoot nila. Sa harapan naman nito ay ang mga camera at iba pang gamit na gagamitin sa pagkuha sa scene.
"Good morning!" Sigaw ng babaeng kararating lang. Naglakad siya kasama ang manager niya patungo kay Drake na nakikipag-usap sa isang babae.
"Saan si Clev?" Tanong ng babae kay Drake, agad naman kami itinuro ng lalaki. Nagulat ang babae nang makita ako pero agad 'ding nabawi.
"Clevion!" Tawag ni Maddison sa katabi ko.
"Hey." Bati ni Clevion. Nakipagbeso ang babae kay Clevion habang binabalewala lang ako.
"I'm with my wife, Maddison. Wife, meet Maddison. Maddison, meet my wife, Hea Irish." Pagpapakilala sa akin ni Clevion kahit hindi naman talaga kailangan.
"Nice to meet you again, Hea. Hindi naman nagsabi si Clevion na pupunta ka, sana nag-early pa ako. Anyways, enjoy the day!" Nakipagkamayan siya sa akin bago lumisan. Hindi nya ba talaga alam na pupunta ako o pag-aarte lang iyon?
BINABASA MO ANG
✔️Unexpected Wedding
RomanceAn unexpected event happened to HEA IRISH HERNANDEZ, the youngest daughter of Hernandez Family, that changed her entire life. An unexpected wedding of her with a super handsome guy named CLEVION WARTOR. Clevion is a famous model and actor who steals...