CHAPTER 22

466 22 4
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ


Tuwing gigising ako sa umaga ay kaba ang bumubungad sa akin. This ain't healthy. Baka magpakasakit pa ako sa puso at maapektuhan ang bata. I feel that something worse will be coming. Hindi ko alam kung ano ito pero pakiramdam ko ay malapit na.

Kami lang ngayon ni Manang ang tao sa bahay dahil nasa ibang bansa si Clevion. He has some works to do there kaya dito muna naman nanatili si Manang. Para na daw maalagan niya ako dahil malapit na akong manganak. Mahigit na isang buwan lamang at kabuwanan ko na. Pina-leave na rin ako sa trabaho para mas mapaghandaan ang panganganak ko.

Palaging akong binibisita ng pamilya ko at paminsan-minsan naman ay si Carlyn at ang iba kong mga kaibigan. Mas excited ang mga magulang ko dahil first apo nila ang dinadala ko. Si ate naman ay mas lumalim ang galit sa akin. Never pa kaming nagkausap na walang awayan.

"Hija, may kailangan ka ba? Gutom ka ba? Ipagluluto kita." Bungad sa akin ni Manang pagkababa ko.

"Ang boring po kasi sa kuwarto, parang mabubulok na ako doon." Sagot ko. 

"Naku, Ikaw naman kasing bata ka. Mas gusto mong magkulong sa kuwarto kaysa sa bumaba. Dapat ay nag-e-ehersisyo ka para hindi ka mahirapan sa panganganak."

"Ganun ba manang? Ayaw ko naman pong mag-isang mag workout sa gym ni Clevion, baka ano pang mangyari sa akin. Hintayin ko na lang po siya, sabay kaming magwo-workout sa bahay ng mga magulang niya." Sa totoo niyan ay tamad akong kumilos. Ewan ko ba ngayong malapit na ang kabuwanan ko ay nagiging tamad na ako, baka dahil nabibigatan na ako sa sarili ko at palaging pagod.

"Hindi naman kailangang magbuhat ka ng sampung kilong ano ba 'yung tawag sa bilog? Ah basta, barbell! Simpleng paglalakad ay puwede na."

"Disks po Manang ang tawag doon. Saan naman po ako maglalakad-lakad dito eh mainit ang panahon ngayon?"

"Ang lawak ng hardin niyo. Ang lawak na 'rin ng salas niyo. Hindi ba sapat iyon? Ang sabihin mo hija eh tinatamad ka, jusko! Pag malapit nang manganak ay dapat galaw ka nang galaw." Sermon niya. Napataas naman ako ng mga braso para tanda na suko na ako.

"Bukas po, promise. Maglalakad-lakad ako sa hacienda nila Clevion. Narinig ko kay Mama eh ang lawak daw ng lupain nila doon, totoo po ba?" Mamayang hapon kasi ang punta namin doon dahil nandoon ang pamilya ni Clevion. Galing sila sa Canada at kahapon lang dumating. Dahil hindi namin sila nasundo sa airport —because wala rito si Clevion at ayaw niya akong palabasin pagwala siya rito —ay naisipan ni Clevion na doon muna daw kami mananatili hanggang manganak ako bilang pagbawi namin.

"Oo, hija. Noon ay doon ako palaging ini-estasyon. Prekso 'rin ang hangin doon. Tiyak na marami ang magiging kaibigan mo doon." Excited niyang wika. Pati ako ay nae-excite din dahil unang punta ko roon mamaya. 

Bilang lang ng mga daliri ko ang pagmeet ko sa mga magulang ni Clevion. Baka mas maliit pa sa limang beses dahil busy sila sa business nila at sa paglibot sa buong mundo kasama ang unang apo nila, si Vince, anak ng kapatid na babae ni Clevion.

"Nga pala hija, nakapag-usap ba kayo ng asawa mo? Hihintayin ba natin siya o sure na mauuna tayo?" Tanong sa akin pagkatapos niyang ipaghanda ang kakainin ko, tatlong pancakes na may pinaghalong honey at strawberry syrups as toppings. 

"Tumawag po siya kanina. Ang sabi niya ay mauuna na raw tayo dahil hatinggabi na maglalanding sa airport ang eroplanong sasakyan niya mamaya." Paliwanag ko. Bago ako bumaba ay  nakipag-videocall sa akin si Clevion habang hinihintay niyang magsimula ang meeting nila at naitaong ko iyon. Supposedly ngayong hapon ang dating niya, pagkatapos ng meeting ay uuwi na sila,  kaso na-postponed ang flight nila kaya gabi siya darating.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon