HEA IRISH HERNANDEZ
"You're pregnant." Seryusong wika niya at napunta sa tiyan ko ang tingin niya. Tinawag ni papa si mama kaya naiwan kaming dalawa sa sala.
"You're back." Bulong ko.
"What do you expect?" Sagot nito at unti-unti akong nginisian.
"I want to see the father of the child." Ang kanyang ngisi ay unti-unting nabura at napalitan ng malamig na tingin. Mas lalong nagsitayuan ang aking mga balahibo nang himasin ang tiyan ko.
"The man that is truly mine, not yours." Saad niya bago lubusang nakalapit sa amin ang mga magulang namin.
"Why ang tense ata rito?" Takang tanong ni Mama while rubbing her right hand on Ate's back.
"Anong tense, honey? They just miss each other." Nakangiting sagot ni Papa. Nginitian ko sila para ipakitang walang mabigat na tensiyon sa pagitan namin ni Ate.
"I just miss you all po." Magalang na wika ni Ate atsaka tinanggal na ang hawak sa tiyan ko.
"We miss you too, anak."
"Where's your husband, Hea? Hindi ko aakalaing buntis kana pagbalik ko." Tanong sa akin ni ate. Nagkatinginan kami nila mama at papa, hindi alam anong isasagot. Para iwasan ang topic ay niyaya kami ni mama na umupo sa couch kaya nagsi-upuan kami. Katabi ko si papa habang magkatabi naman sina mama at ate sa kabilang sofa.
"I am sorry, anak. It took us long time to find you." Binasag ni mama ang katahimikang nakapalibot sa amin gamit ang kanyang hagulgol. Dahil dito ay tuluyan na 'rin akong umiyak dahil sa pagkamiss sa ate ko, sa pagkabigo sa paghanap sa kanya ng mas maaga, at sa takot ko kung ano ang mangyayari pag magkita sila ni Clevion.
"We tried our best to find you as soon as possible pero sadyang magaling ang dumukot sa'yo." Napipiyok na wika ni mama. Si papa ay tahimik lang sa tabi ko pero naririnig ko ang pagsinghot niya.
"Tell me, anong ginawa nila sa'yo? Did they hurt you? Did they let you starve? Nangangayat kana." Sunod-sunod na tanong ni mama kay ate kaya hindi napigilan ni ate na lumuha. Agad naman itong niyakap ni mama. Tumayo si papa at sumali sa yakapan samantalang ako ay umiiyak lang habang nakaupo.
Hindi ko kayang yakapin siya. Parang hindi ko deserve na lumapit sa kanya sa kabila ng mga ginawa ko. Kinalimutan ko ang ate ko at ni-enjoy ang buhay ko habang wala siya, habang kasama ko si Clevion. Inaamin kong nawawala siya sa isipan ko ng madalas pa sa minsan.
"We're sorry." Hingi ni papa ng tawad kay ate. Hagulgol lang namin ang maririnig sa salas. Ang mga kasambahay naman ay hindi nag-abalang istorbuhin kami. Si Mae lang ang nakayanang lumapit sa amin upang ihatid ang isang pitsel ng malamig na tubig at apat na baso. Pagkatapos niyang ilapag sa mesa ang tray ay tahimik itong nilisan ang salas.
Sa gitna ng aming iyakan ay may narinig kaming tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Naputol ang iyakan namin dahil doon. Muling lumitaw si Mae sa salas para pagbuksan ang taong nasa labas.
Ang matinding kaba ay mas nadagdagan ng unti-unting nabuksan ang pinto at pumasok ang isang guwapong lalaki. Ang mga mata nito ay hinanap ako agad at kitang-kita ang pagkagulat at pag-alala nang makita akong luhaan. Lalapit agad sana siya sa akin nang mapansing nandito ang mga magulang ko.
Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat naman ito nang makita ang babaeng nakaupo sa pagitan nila mama at papa. Nakatitig lang siya rito ng ilang segundo para alalahanin kung saan niya ito nakita. Nang mamukhaan na ay muli siyang tumingin at ang kanyang tingin ay nagpapahiwatig na wag akong mag-alala.
"Mano po." Magalang na wika ni Clevion at nagmano sa mga magulang ko. Muli niyang tinapunan ng tingin si ate na kanina pa nakatitig sa kanya bago lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Nakita kong nagpalitan ng tingin sila mama at papa, hindi alam anong sasabihin.
BINABASA MO ANG
✔️Unexpected Wedding
RomanceAn unexpected event happened to HEA IRISH HERNANDEZ, the youngest daughter of Hernandez Family, that changed her entire life. An unexpected wedding of her with a super handsome guy named CLEVION WARTOR. Clevion is a famous model and actor who steals...