CHAPTER 14

585 40 5
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

Nagising ako nang maramdamang nagwawala ang tiyan ko. Otomatikong napabangon ko. Gosh, hindi ko kaya ang gutom. Nakita ko namang nakaupo sa tabi ko ang lalaking salarin kung bakit ako nagugutom ngayon. He's wearing his spectacles while reading some papers. Buti na lang kaya ng mata niyang magbasa na tanging lampshade lang ang naka-on.

"Are you hungry?" Tanong niya tsaka binaba ang hawak na mga papel. He's reviewing the script of his tomorrow's shoot, I think.

"Bakit mo alam?" Seryosong tanong ko. Basta, hindi kami bati ngayon.

"Ang ingay ng tiyan mo, kanina pa." Sana tinakpan niya ang mga tainga niya kung magrereklamo lang naman.

"I badly wanted to wake you up pero alam kong magagalit ka naman. Hinintay na lang kitang magising bago ako matulog." Wika niya.

"I'm hungry." Bulong ko. Hindi ko pinansin ang pinagsasabi niya. Sa isang iglap ay nawala na siya sa loob ng kuwarto.

Alam niyo ba bakit ako nagugutom? It's his fault. Ang pangit niyang magluto. Ang sabi ko pritong mangga pero nang binigay niya sa akin ay pinalangoy lang pala sa mantika. Ni hindi man naging crispy. Kaya nagalit ako at nagkulong sa kuwarto hanggang sa makatulog ako. I'm getting weirder every day, napansin ko na rin iyon. Though I already have an idea, ayaw ko pa ring maniwala.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking may dalang food tray na may lamang pagkain. I appreciated his effort pero magagalit talaga ako kung lasang ewan na naman.

"Eat this. Dinamihan ko na dahil kailangan mo. Eat these fruits first before the meal." Nilapag niya sa harapan ko ang tray at binigay sa akin ang tinidor na gagamitin sa prutas na inihanda niya. Hindi naman ako nagpakipot pa at isinubo ang isang grape. Tumayo naman siya at ni-on ang mga ilaw.

Umupo siya sa tabi ko pagtapos at pinanood lang akong lumamon. Minsan ay nagpapasubo siya ng kanin at adobong manok, ang inihanda niyang meal, dahil nagutom daw siya. Hindi ko naman pinagdamot dahil siya naman ang nagprepare nito at hindi ko mauubos ang mga ito. Akala mo ay isang baboy ang kakain dahil sa isang bundok na kanin. Gagawin niya ata akong matabang maganda.

"Mamaya kana muna matulog, kakatapos mo lang kumain." Bilin niya at lumabas ulit ng kuwarto para ilagay sa sink ang pinagkainan namin. Tumayo na rin ako para tumungo sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Nakalimutan kong maglinis ng katawan kanina dahil nakatulog ako. Paglabas ko ay inaayos na ni Clevion ang higaan.


"Are you sleepy? 2 am pa, kailangan mo pang matulog dahil may trabaho ka pa mamayang alas-diyes ng umaga." Madaling araw na pala, akala ko ay 10 pm pa.

Nauna siyang humiga kaya ako na ang pumatay sa mga ilaw, maliban sa lamp. Masarap kasing matulog pag padilim, hindi nakakasilaw. Tumabi naman ako sa kanya at hindi nagtagal ay nakatulog na. Nagising lang naman ako nang maramdaman ay nakahawak sa ulo ko at parang inaangat ito.

"Ano ba Clevion? Natutulog pa nga yung tao eh." Reklamo ko. Ang himbing nga ng tulog ko tapos sisirain lang niya.

"Shhh, inaayos ko lang naman ang pagkakahiga mo. Muntik ka nang mahulog." Sagot nito. Naramdaman ko namang inayos niya ang pagkakahiga ko. Kinumutan pa ako ng maayos pero sayang ang effort niya dahil gising na ang diwa ko.

"Sleep if you want to. Gigisingin lang kita mamayang 8 am." Bulong niya pero wala pa rin. Kumakati ang ilong ko at tumutunog naman ang tiyan ko dahil sa mabangong naamoy ko.

"Anong niluto mo?" Tanong ko sa kanya.

"I didn't cook."

"Eh ano itong naamoy ko? Ang bango?"

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon