HEA IRISH HERNANDEZ
"Ikaw ang mamimili ng susuotin mo. Now, choose." Utos ko sa kanya pagpasok lang namin sa store nang mga pajama.
"Onesie pajama ang susuotin mo, it's up to you anong hayop ang gusto mo." Dagdag ko pero tahimik pa rin siyang nakatayo sa likuran ko.
"Tatayo ka lang ba diyan?" Hinarap ko na siya at nakitang nakatitig lang siya sa akin.
"Why are you still angry at me? Is it because I told your friend that I am your husband? Is there something wrong with that? Is being honest bad? If that's the reason, then honesty isn't really the best policy, but it is the best reason for your wife to get angry." Abah! Ini-englishan pa niya ako ngayon. Buti na lang kinaya ng ilong kong hindi magbleed.
"Alam mo bakit ako galit?" Umiling-iling siya.
"That's because ayaw mong sumunod sa akin, ang sabi ko –"
"I was following you, palagi akong nakasunod sa'yo."
"Hindi iyon ang tinutukoy ko. Ang sabi ko huwag mong sabihin kung sino ka at isa pa ay huwag kang mag english-english."
"Fine, I can't help it. Well, could I choose now? I badly want to change my so-called disguise." Hindi pa man ako nakasagot ay nauna na siyang tumungo sa mga naka-hanger na mga pajama.
May panda, kangaroo, shark, giraffe na mga pajama, at iba pa. And the one I really love is the rabbit. Kung hindi niyo pa nalalaman ay I really love rabbit. Noon ay may alaga ako pero namatay na dahil nagkasakit. That's sad kaya hindi na ako kumuha ulit.
Nagulat ako nang makita ang hawak ni Clevion.
"Bakit iyan ang gusto mo?" Nagtataka kong tanong. He's now holding the dinosaur pajama. To be more specific, barney? Is that the purple dinosaur's name?
"It's barney." Wika niya. I am correct, that's barney, the purple dinosaur na gusto ng mga bata.
"Yeah, but why?" He stared me for seconds that made my cheeks hot. I blushed, I don't know why.
"Because I want barney's song." Huh? May kanta pala siya? Hindi ako nainporma. All I know is that kulay lila siya.
"I want to sing barney's song for you." He said and left me confused. Ganun ba kaganda ang kanta ni Barney para kantahin niya sa akin?
Binayaran ko na – using his money – ang napili niya saka siya pumunta sa fitting room upang magpalit.
"This is more comfortable than my clothes earlier." Wika ng lalaking galing sa fitting room. He's now wearing his new attire. His mask is still on and also he is still wearing the hair band I bought earlier. I heard the salesladies giggled nang makita nila si Clevion.
"Oh, tapos kana? Para makalabas na tayo rito." Tanong ko. Hindi niya ako sinagot sa halip ay humarap sa salamin upang makita ang sarili.
"I'm cute." Bulong niya. God! Pupurihin lang pala ang sarili! We don't have time for this. Kung walang mga malalanding saleslady na nakapalibot sa amin, baka iwan ko pa siya riyan sa harapan ng salamin.
"Yes, sir!!! Ang cute niyo po, try the others po. Lalong mas magiging cute kayo, ito po ang panda. Bagay po sa inyo." Hindi ko namalayang may tumabi sa amin na isang saleslady.
"Tsk, anong cute sa panda? Para ka lang naman binugbog, may eyebags na nga, mas pinakapal pa." Parinig ko. Gusto lang ng babaeng ito na bilhin pa namin ang ibang paninda nila.
"Anong pinapahiwatig mo?" Tanong sa akin ni Clevion. Wala naman akong sinasabi sa kanya.
"Gabi na, kailangan na nating umuwi." Ang tanging sagot ko.
BINABASA MO ANG
✔️Unexpected Wedding
RomansaAn unexpected event happened to HEA IRISH HERNANDEZ, the youngest daughter of Hernandez Family, that changed her entire life. An unexpected wedding of her with a super handsome guy named CLEVION WARTOR. Clevion is a famous model and actor who steals...