CHAPTER 24

475 22 6
                                    

HERA HERNANDEZ

I don't know how long I am staying here. Hindi ko alam kung anong araw at date na. I stopped counting the days how long l am staying here because nakakawala ng pag-asa.

Sa tingin ko ay more than a month na akong nandito, baka tatlong buwan na eh.

Naka-on na ang ilaw dito sa kuwarto pero hindi ganoon kaliwanag kagaya ng mga ilaw sa sarli kong kuwarto. Kahit hindi ito maliwanag pero makikita mo pa rin ang kabuuan ng kuwarto. It's good for the others, satisfied na ang kung sino mang huhupa rito. But it's still hell for me.

Halos kompleto ang kagamitan dito. May closet kung saan nakalagay ang mga damit na pinapagamit sa akin, kama, table, at may flat screen TV pa pero hindi ko ma-on ng basta basta. May sariling CR din.

I am always alone here. Babalik lang ang lalaki pag pakakainin at papalitan ako ng damit. Yes, he's the one who dress me every time which I really hate!

Siya na rin ang puwedeng mag-on ng TV. Pag nandito siya ay pinapaandar niya ito, minsan ay iniiwang naka-on para may pagkaabalahan ako. Siya rin ang namimili ng channel!

Hinahatiran niya rin ako ng pagkain. Minsan ay twice lang siya maghahatid kaya medyo niraramihan niya. Dahil dito ay sanay na ang tiyan ko na kunti lang ang laman.

Sinasamahan niya rin ako sa banyo. Diring-diri na ako sa sarili dahil sa nangyayari. Twice or thrice lang ako nakakapunta sa banyo kada araw kaya hindi na ako magtataka kung magkasakit ako.

Since then, I never talk to him. Ni-pagsagot ng "oo" sa tuwing tinatanong niya ako kung nagugutom na ay hindi ko ginawa.

How about crying? I don't do that anymore. Sa haba ng pananatili ko rito ay naubos na ang luha ko at naging manhid na.

I already lost my hope that my family would save me. Baka kinalimutan na nila ako. Baka ang saya-saya ni mama dahil wala na sa pamamahay ang anak sa labas ng kanyang asawa.

Unti-unti ko nang natatanggap na hindi nya ako anak dahil walang mabuting ina na hahayaang ganito ang anak.

Kasalukuyan akong nakatitig sa nakabukas na TV habang sa harapan ko ang Ilisang tray Ng pagkain. Isang talk show ang palabas. Hindi ko sana panunuorin kung hindi ko narinig ang pangalan ng guest.

Ang lakas ng sigawan ng mga tao ng pumasok na ang guwapong lalaki. After weeks, I finally saw him again. Okay lang na hindi sa personal ko siya nakikita ngayon. Mas gumuwapo siya kaysa sa huli kong tingin sa kanya.

"I heard may balita ka raw na ibabalita sa amin, Clevion. Maaari bang malaman naming at ang iyong mga taga-suporta?" The host asked the man. Kitang-kita sa camera kung gaano kasaya ang lalaki. Those sparkles in his eyes make my heart beats so fast. Dahil sa saya na sa wakas ay nakita ko siya, dahil sa lungkot na sa TV ko siya nakikita, at sa kaba kung ano ang sasabihin niya.

I am his lost wife pero sa palagay ko'y wala siyang pakialam na wala ako sa tabi niya. He didn't know me yet but he should still be looking for me. Hindi ba siya nagtaka na hindi ako sumulpot sa araw ng kasal namin?

Ikakasal kami dahil sa business ng mga magulang namin. My parents have business, as well as Clevion's parents. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag na magpakasal sa kanya. Pumayag ako dahil mahal ko siya. You might think that I love him because he is an handsome actor, but you're wrong. Noong college students pa kami ay gusto ko na siya. He was taking AB in Theater Arts while I was an architect student.

"Mukhang malaking balita ang ibabahagi mo sa amin ha. Ang lawak ng mga ngiti mo." Sabi ng host.

"Yeah, it is. I can't help myself to smile dahil nae-excite akong sabihin ang sasabihin ko." Sagot niya. Just hearing his voice ay naganahan na akong kumain.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon