EPILOGUE

811 43 16
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

Life is really unpredictable. Before, I promised to myself to marry the man I loved and the man who loved me. Before, I thought being married was the best ever.

Well, no comment on that. But, my thought that being mother is easy? A very big wrong!


"Ahh! St*pid!" Nakarinig ako ng nabasag na salamin. Ano na naman ngayon? Ang bintana ng kotse ko?

"Clint Harold!" Para akong nakalunok ng speaker sa lakas ng boses ko. I knew he heard me, but chose to ignore. Arggghh, saan ba nagmana ang anak kong ito?

"Harold! What did you do!?" I removed my apron at naglakad papuntang salas kung saan ko huling nakita ang bunso kong anak. I was preparing snacks for his daddy and his older brother.

"She's so st*pid mommy! I really hate her!" Hindi pa nga ako nakarating ay rinig na rinig ko ang galit niyang boses.

"Why all of you want me to watch this? I'm not a kid anymore!"

Clint Harold, my second son and my bunso. A four-year old boy, but acts like a twenty. Has a bad temper na hindi ko alam saan nagmana, ayaw kasing aminin ng ama niya kung saan namana ng bata ang pagiging mainitin ang ulo.

Kumulo ang dugo ko at nag-uusok na ang ulo ko. This kid!

"What did I tell you, Harold? No more breaking of things and appliances!" Pinagalitan ko na naman siya for nth times! Napaka-mainitin ang ulo, kaya nga ang dami na niyang binabasag.

"I hate kid shows! Let me watch other movies in Netflix mommy!"

Pumunta ata sa ulo ko lahat ng dugo ko pagdating ko sa salas. Binasag niya ang bagong biling 75-inch flat screen TV. Noong isang araw ko lang ito binili dahil binasag niya ang dating ginagamit namin dahil lang sa pinapanood niya.

"Anak! Nagsayang ka naman ng pera!"

"We can buy new TV, mommy." Sagot nito sa akin na para wala lang sa kanya ang sermon ko. Spoiled nga naman, kasalanan ng daddy niya.

"I told you this would be the last time I'll buy TV. Dahil sinira mo, no more watching!"

"I'm sure daddy will buy, a bigger one!" Diyos ko. Mapapaaga ata ang kamatayan ko nito.

"Hi my wife and my cute son! How's your day?" Agad kong tinapunan ng masasamang titig si Clevion na bagong dating. Nginitian niya lang ako ng malawak bago tumabi kay Harold.

"Daddy!"

"Hello. Have you finished your tasks? I told you to read the three books I gave you yesterday." Ginulo ng ama ang buhok ng anak na mukhang napakabait nito ngayon kumpara kanina na gusto nang manira ng ibang TV.

Napalingon kaming tatlo sa dalawang binata na pumasok sa loob ng bahay. Hindi nila napansing nakatingin kami kaya deretso lang sila sa kusina. Maghahanap sila ng food for meryenda.

"Why is your mom so angry now? What did you do?" Rinig kong bulong ni Clevion sa anak namin.

"I broke the TV again, daddy. Am I too good?" Tanong ng anak namin sa kanyang daddy na may kasama pang gigil.

"Are you proud of what you did, Clint Harold Wartor?" Pareho silang tumahimik at tumitig sa basag na screen.


"Hi mommy." My elder son went out of kitchen while holding a bread with his right hand and still wearing his bag.

"Hello, Hugh. How's school? May inihanda akong sandwich para sa inyo, nakita mo ba?" Nakipagbeso siya sa akin bago tumabi sa kanyang daddy.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon