CHAPTER 06

531 30 0
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

On the next day, sira na ang umaga ko. Nagising akong nakayakap naman sa akin si Clevion, nakapatong pa sa akin ang kaliwang binti niya.

Hinila ko agad pababa ang ehem ng suot ko bago ko ginising ang mahal na hari dahil malapit nang makita ang panty ko. Bakit ko nga ba naisipang magsuot ng ganito? Eh alam ko namang ang kulit ko pag natutulog.

"Arrgghh. Ano naman?" Haluyhoy ng katabi ko nang pinitik ko ang noo niya at pinalo sa braso.

"Akala ko ba walang lalampas sa hangganan pero bakit nakayapos ka naman sa akin pagkagising ko?" Magkaka-altapresyon ata ako dahil sa artistang ito. Baka halos araw-araw ay ang taas ng blood pressure ng manager niya.

"Did I?" Inaantok niyang tanong at humarap sa kabilang direksyon, ang likod niya ngayon ang nakaharap sa akin.

"Oo, ginawa mo. Ang galing mong mangharang pero lumalampas ka naman."


"Huy, nakikinig ka ba?" Niyugyog ko siya pero tanging daing lang ang narinig ko.

"Hmmm, five minutes please."

"Anong limang minuto lang? May pupuntahan tayo diba?" Niyugyog ko ulit siya.

"Where?"

"Ceramic museum, nakalimutan mo na?" Isa siya sa mga main guest pero ito siya ngayon, natutulog parin.

"Did I say you would come?" Agad na kumunot ang noo ko dahil sa tugon niya. Saka ko lang natandaan na wala pala siyang sinagot sa akin kung isasama niya ako o hindi. Pero pupunta parin ako, I can take a cab kung ayaw niya akong isabay.

"Hindi naman ako sasabay sa'yo kung ayaw mo, tsk. Bangon na."


"Five minutes more, I'm still sleepy." Wika niya na halata ngang inaantok pa.

"You'll be late. Nagpuyat ka ba?" Tanong ko.

"I stayed awake until 3 in the morning."

"Anong ginawa mo kaya nagpuyat ka?" Wala naman siyang sinabing kailangang tapusin kagabi. Kahit pala sabihin niya ay hindi parin ako tutulong, making me like a maid yesterday was enough.

"I prepared a speech for the event later so, let me sleep for minutes. What time is it now?" Kaya pala nagpuyat kasi nagcompose pa ng sasabihin mamaya. Puwede namang ang manager niya ang gumawa, just like some actors on the television. May gagawa ng script regarding sa isang press or program at isasaulo lang ng actor, problem solved.

Nagawi ang tingin ko sa table, sa harapan ng mini-sofa, na nasa loob ng kuwarto. Nandoon ang MacBook niya at mga papel na sa tingin ko ay ginamit niya. May tasa na rin sa ibabaw ng mesa.

Tiningnan ko ang orasang nakasabit sa dingding, "It's already 5: 30 in the morning. Kailan magsisimula ang grand opening?"

"At 9 in the morning." Tumango nalang ako kahit hindi niya nakikita bago napagdesisyunang bumangon na para makapaghanda, he still need more time to sleep para mamaya. At least hindi ako mala-late diba.



"Hey, wakey-wakey!" Sigaw ko.

"It's already quarter seven. Mahuhuli tayo." Dagdag ko. Umupo naman siya pero nakapikit parin ang mga mata.

"Sinong magsusundo sa atin? 'Yung manager mo o tayo na ang pupunta sa venue?"

"Drake, my manager, will fetch me at 8:20." Agad na kumati ang tainga ko nang marinig ang maling ginamit na pronoun.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon