CHAPTER 13

545 36 11
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

Nagising ako nang maramdamang may nakadagan sa akin na kasing bigat ng sampung kilo ng bigas. Ang sakit na nga ng katawan ko, dumagdag pa itong – binti at braso?

Nilingon ko kanino ang binti at brasong nakadagan sa akin. Natutulog siya ng payapa, hindi man lang naisip na halos hindi na ako makahinga. Sinubukan kong umupo ng maingat na hindi siya magigising pero bigo ako. Hindi ko napigilang dumaing dahil masakit ang nasa baba ko. Kasalanan naman ng lalaking ito kaya wala siyang karapatang matulog na parang walang kasalanan.

"You're awake." Inaantok niyang wika. Agad kong tinakpan ang katawan ko ng kumot nang ididilat na niya ang mga mata. Kahit masakit ay sinubukan kong umupo ulit at nagtagumpay naman ako.

"May paki ka ba?" Pagtataray ko. Umagang-umaga ay tinatarayan ko na siya.

"Of course, I'm your husband." Sagot niya.

"T*ngina mong lalaki ka!" Sinubukan kong tumayo upang pumunta sa banyo para makapaglinis ng katawan. Naramdaman ko kasing malagkit ang balat ko at medyo hindi kaaya-aya ang amoy ko. Kaso pagtayo ko ay agad akong nakaupo dahil ang sakit nga kaya namura ko si Clevion.

"Does it hurts?" Abah, tinanong pa!

"Magtakip ka nga, hihilain ko ang kumot!"

"Then, pull it." Gusto niya bang nakahubo sa harapan ko? Tanging pang-itaas niya ang malaya kong nakikita ngayon. Hindi pa ako ready makita ang sa ibaba niya.

"Ayokong makakita ng ibon na may itlog!"

"Nangingitlog ang mga ibon, my wife. Maliliit nga lang." Juskoo po, nakuha niya pa akong pilosopohin.

"Wala akong pakialam kung mangitlong pa sila ng ginto, basta magtakip ka. Naha-highblood ako sa'yo."

"You are free to see my friend down there, my wife. Iyo 'yun."

Kahit may nangyari sa amin ay hindi ko parin nakita ang tinutukoy niyang kaibigan niya. Kagabi ay binuhat niya ako papunta rito sa kuwarto at pinatay pa ang ilaw bago ako ginalaw. Tanging lamp lang ang naka-on sa mga oras na iyon kaya wala akong nakita at nagtago pa kami sa ilalim ng kumot, hindi ko alam kung trip lang ba niyang magkumot kahit ang init o hindi lang confident sa haba ng – ano ba!? Bakit ko pa iyon iniisip!?

"Manahimik ka kung ayaw mong putulin ko 'yan!" Natatawa niyang itinaas ang dalawang braso para ipahiwatig na suko na siya. Dahil gusto ko nang maglinis ng katawan ay marahas kong hinila ang kumot at huli na nang maalalang nakahubo ang lalaki.


"Hahahaha!" Tawa niya nang bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"I have shorts, wife. I already took a bath around six." Masaya pa siya doon? Tiningnan ko kung anong oras ay alas-otso na. Hindi nga lang halata dahil medyo madilim sa loob ng kuwarto. Nakapatay ang ilaw at nahaharangan ng mga kurtina ang ilaw na puwedeng makapasok sana.

"Do you want me to carry you? Mukha kang lumpo diyan." Kung makalumpo ang lolo niyo parang ako pa ang may kasalanan. Hindi ko siya sinagot kaya namalayan ko na lang ay lumutang ako. Mabilis akong nakarating sa pintuan ng banyo na nakatakip parin ang buong katawan ko na parang suman, salamat sa pagbuhat sa akin kahit naiinis ako.

"Take a bath, magwo-work out muna ako. Call me kung kailangan mo ng tagabuhat." Agad na pinanliitan ko siya ng tingin kaya natawa siya tsaka nagnakaw ng halik sa pisnge. Bago ko pa siyang masigawan ay tumakbo na palabas ng kuwarto. May araw na rin siya sa akin.

Halos dalawang oras na akong nasa banyo dahil nasarapan ako sa maaligamgam na tubig at medyo nahihirapang makaalis sa bathtub. Paglabas ko ay maayos na ang kama at napalitan na ang bedsheet at pillowcases. May bagong kumot na rin. Dahil maayos na naman ang kuwarto, deretso ako sa walk-in closet para makapagdamit.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon