HEA IRISH HERNANDEZ
Those three guys and Maddison delivered their speeches after the ribbon cutting. Wala akong ginawa kundi manood na lang sa mga taong nasa unahan. I want to roam around pero mamaya pa daw puwede pagkatapos ng short event na hindi ko alam bakit sinasabing 'short' eh lagpas 30 minutes na.
"Huy, kalma lang teh." Bulong ni Mara.
"Kalma naman ako ah." Bulong ko. Ayaw naman naming magsalita ng malakas dahil baka sabihin ng mga tao rito na ang iingay namin. And also, mapapansin nila ako at the worse is makilala nila ako bilang 'asawa ni Clevion'.
"Sus, kanina ka pa nakatitig ng masama kay Maddison eh. Huwag mong ipahalatang nagseselos ka." Mahina ko siyang kinurot sa tagiliran dahil sa pinagsasabi niya. We just knew each other earlier pero parang ang close na namin ngayon.
"Kung ano-ano ang ginagawa mong issue." She's right. Nakatitig nga ako kina Clevion at Maddison na kanina pa naka-link hands ang dalawa. Pero hindi ibig sabihin ng mga titig ko ay nagseselos ako.
Duhh! Why would I be jealous? May diamond ba sila? Wala naman.
"Basta, hindi ako maniniwala sa'yo. Alam kong nagseselos ka." Kung ayaw mong maniwala, edi don't!
"The Clay Art Museum is finally opened! Visitors, welcome!" Sigaw ng baklang host kaya nagpalakpakan ang lahat maliban sa mga photographer.
"Sa wakas, makakagala na rin ako." Masaya kong wika at hinila si Mara palayo sa mga taong iyon.
"Wait lang, hindi kita masamahan." Pinatigil niya ako sa paglalakad saka ko siya hinarap at pinukulan ng nagtatanong na mga titig.
"May taping sina Clevion ngayon, sa third floor. Kailangan ako doon kaya pasensiya na." Paumanhin niya. May taping sila tapos hindi man lang sa akin sinabi ni Clevion? Pangalawa na ito ah, una ay hindi niya sinabi sa akin na sila pala ang may-ari ng museum na ito.
Wait, bakit ba ako naiinis? Mas maganda na 'yun para may time akong maglibot diba.
"Okay lang naman. Kaya kong maglibot na mag-isa, hindi naman ako bata na kailangan pang may kasama." Sagot ko.
"Sorry, talaga. Babawi lang ako sa next time pag magkita tayo. Nice to meet you again, Hea Irish!" Nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumeretso siya sa third floor samantalang ako ay naglibot muna sa first floor.
Maraming taong pumunta sa unang araw ng pagbukas ng museum na ito. Ang iba ay pumunta para tingnan ang mga naka-display. Ang iba naman ay pumunta para kumuha ng litrato at autographs, kung papalarin sila, sa mga artistang nasa third floor.
Lumingon ako sa labas at marami ring naghihintay na makapasok. Hanggang 200 na tao lang kasi ang dapat na pumasok, hindi na kasali sa bilang na iyan ang mga nagtatrabaho rito. Para daw maiwasan ang crowd na puwedeng maging dahilan ng pagkabasag ng mga naka-display. Well, that's a nice policy pero taasan naman nila ng kaunti. Kawawa ang mga naghihintay sa labas.
Hindi masyadong marami ang makikita sa unang palagpag ng museum dahil napakalawak ng lobby kaya mabilis kong narating ang ikalawang palapag. Mas marami na ang nanditong mga gawa. Kahit saan ka lumingon ay may mga palayok, vases, at iba pang ceramic arts. Kahanga-hanga paano sila nakakagawa ng mga ganun.
"Yiieeee, ang bagay nila." Rinig kong mahinang tilian ng dalawang babae sa tabi ng hagdan. Kararating ko lang sa third floor at tili nila ang nauna kong narinig. Nakita kong nanonood din pala sila sa pag-acting ng dalawang artista sa gitna. Totoo ngang may taping ngayon.
BINABASA MO ANG
✔️Unexpected Wedding
RomanceAn unexpected event happened to HEA IRISH HERNANDEZ, the youngest daughter of Hernandez Family, that changed her entire life. An unexpected wedding of her with a super handsome guy named CLEVION WARTOR. Clevion is a famous model and actor who steals...