CHAPTER 11

505 26 2
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

"What are you? A thief? Pinagtripan mo na nga ang damit ko tapos pati wallet at cellphone ko ay kukunin mo pa? Tatakbuhan mo na ba pagkatapos mong kunin sa akin ang susi ng kotse?"

"Hayy, Sinisigurado ko sa'yong hindi kita tatakbuhan kahit makuha ko pa ang susi ng kotse, baka ikamatay ko pa pag nagdrive ako. I don't know how to drive, remember?" Argumento ko. Kanina pa ayaw niyang lumabas dahil sa suot niya. Kung may makakilala raw sa kanya ay tiyak na magiging trending na siya.

See? Ang taas ng tingin sa sarili, sobrang sikat daw oh – that's true though. Tsaka hindi ko naman itatakbo ang wallet at cellphone niya dahil hindi ako magnanakaw. Mas sasaya pa akong masasaksihan niya paano ko mauubos ang pera niya. I'll just get his wallet and cellphone dahil baka magtaka ang mga tao na isang pulubi na may makapal na wallet at sobrang mahal na cellphone, baka siya pa ang manakawan.

"Fine. But, I will change my outfit before we leave the mall." Nginitian ko siya ng napakalawak nang tapunan niya ako ng masamang tingin.

"Yes, sure sure! Basta ikaw rin ang magbayad." Siya raw ang bahala sa gastos eh. Sa wakas ay lumabas na kami nang walang tao sa paligid. Kasalukuyan kaming nasa parking garage ng mall.

"Hurry up!" Utos ko. Nagmadali naman siyang maglakad papuntang main entrance ng mall dahil sinabi kong may bibilhin ako doon. Parang akong hinahabol dahil sa pagmamadaling mapantayan ang mga yapak niya. Grabeh, ang bilis maglakad. May lahi ba siyang kabayo o sadyang mabilis lang maglakad dahil sa mahahaba niyang binti?


"Ma'am, puwede po bang magtanong?" Pinahinto muna ako ng isang guard sa main entrance ng mall nang papasok na ako.

"Ano po iyon?"

"Kasali niyo po ba siya?" Sabay turo kay Clevion na nasa likuran ko.

"Opo."

"Kaano-ano niyo ma'am?"

"Asaw – ayy, ibibili ko lang po ng mga damit niya. Naawa kasi ako sa kanya, kanina pa pagala-gala sa lansangan." Pagsisinungaling ko. Naramdaman ko naman ang masamang titig ni Clevion na ngayon ay nasa tapat ko dahil titingnan ng isang guard kong may dala ba siyang mga bawal na gamit o wala. Kahit medyo mahina ang pagsagot ko sa guard ay narinig pa rin ni Clevion.

"Naku, ang bait niyo po ma'am. Pero kung maayos lang po talaga ang suot niya ay hindi ko aakalaing pulubi, ang ganda ng kutis at naka-mask pa."

"Sir, assuming kasi siya. Ang mga magulang niya daw eh mga amerikano kaya dahil sa pagiging assuming niya, nagmukha siyang foreigner." Paliwanag ko. Siguradong minus one hundred na ako sa langit, kanina pa ako nagsisinungaling. M

"May ganun po ba ma'am?" Takang tanong ni kuya. Nagtataka na nga rin ako sir kung may ganun.

"Opo, itinuro ata sa amin sa grade one kung hindi ako nagkakamali." Juskoo, hindi ko nga matandaan ang mga topic namin sa high school, sa elementary pa kaya. Mukhang ayaw pa rin maniwala ang guard sa pinagsasabi ko about science kaya napagdesisyunan niyang papasukin na ako. Medyo marami pa ang nakapila na pumasok.

"Sige po, pasok na po. Mukhang excited po ang kasama niyo dahil nagdala pa ng malaking eco bag." Sabay naming nilingon si Clevion na inip na inip na naghihintay sa loob. Nagkakamali po kayo sir, galit na 'yan sa akin, hindi excited.

I forgot, bumili pala ako ng eco bag doon sa tapat ng main entrance para maging bag kumbaga ni Clevion. Nagpaalam na ako sa guard at nagmadaling tumungo sa kinaroroonan ni Clevion.


"Eh kung magchi-chikahan lang pala kayo ng guard, sana hindi mo na ako pinagtripan." Inis niyang wika nang makalapit na ako sa kanya.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon