CHAPTER 21

457 24 1
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

Mabilis akong naglakad papuntang kuwarto. I don't know why but I feel that I have to. Hindi ko na ininda ang pananakit ng mga bente ko nang mabilis akong pumanik. Pagliko ko papuntang kuwarto ay natigilan ako.

Nakita kong nakasandal si ate sa dingding at hawak ng asawa ko ang kanang kamay nya habang nacorner ang babae ng lalaki.

"What's this?" Tanong ko sa kanila kaya gulat na gulat na lumingon sa akin si Clevion.

"W-wife!" Kinakabahan niyang tawag sa akin at dali-daling pinakawalan ang kanang kamay ni ate at naglakad patungo sa akin pero agad kong pinahinto.

"It's not what you think, wife." Wika ni Clevion. Magpapaliwanag sana siya kaso inutusan kong pumasok muna sa kuwarto. Hindi ko muna pakikinggan ang paliwanag niya sa ngayon.

"Go to our room muna, Clev. I will talk to my ate first before we talk." Tumalikod siya sa amin na may mabibigat na mga hakbang.

"Hi, lil sis." Bati sa akin ni ate na hindi ko man lang tinugunan.

"Alam ko ate na mahirap ang pinagdaanan mo. Iintindihin kita dahil doon pero hindi ibig sabihin non ay aahasin mo na ang asawa ko." Mahabang wika ko. Tumawa siya ng malakas na mas lalong nagpaseryuso sa mukha ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Asawa? Hahahaha! Feel na feel mo naman Hea ang pagiging asawa ni Clevion, should I say, fiancé ko." Sagot niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Ito ang ikinaiinisan ko, ang paggamit niya ng reason na iyan.

"Ex-fiancé, ate. Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan bakit kami Ang nagkatuluyan." Dahil sa sinabi ko ay nag-iba ang timpla Ng mukha niya. Napalitan ang pagtataray ng nagagalit. Pinagkrus pa niya ang mga braso niya na magpainis pa sa akin.

"And you took that advantage, Hea. Puwede ka namang humindi sa desisyon ng mga magulang natin kaysa sa piliing maitali sa lalaking mahal ko at pagmamay-ari ko!"

"I had no choice ate kundi pumayag. And also, I also love him."

"No, you had! At mas nauna pa ako sa kanya kaysa sa'yo!"

"Huwag mo sa akin isisi, ate! Kung nag-stay ka lang sa loob ng kuwarto ay kayo Ang magkakatuluyan. Mas inuna mo pa ang tumawag sa'yo kaysa sa kasal mo. Tell me! Sino ba iyon? Para sa kanya mo isisi lahat, huwag sa akin!"

"You know nothing, Hea."

"Yes, I know nothing! And you know nothing too! Hindi mo alam anong naramdaman ko sa araw na iyon!"

"You're a b*tch!" Sigaw niya sa akin dahil sa pagkapuno.

"Alam mo ate, ngayong dumating kana ay mas gugustuhin kong mawala ka ulit. Kung iyan lang pala ang babalikan mo, Ang awayin ako at sirain kami ng asawa ko, edi sana pinagdasal ko na lang na huwag ka nang bumalik." Sabi ko na mas lalong nagpagalit sa kanya.

I don't want to be bad, but I want to be honest this time. Dahil sa pinapakita niya ay mas gugustuhin ko pang habang buhay na siyang wala sa buhay ko at nagpapasalamat na nawala siya. I love my older sister so much pero mas nangunguna ngayon ang galit ko sa kanya.

Hindi ko na pinansin ang pagkakayukom ng mga kamay niya at nilampasan. Ayaw ko muna siyang makita. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay naaalala ko ang nakita ko kanina at ang gulong dala niya.

"And ate, itigil mo na ang pag-aangkin Kay Clevion dahil hindi na. Pagmamay-ari mo pero hinayaan mong makuha ng iba at sa huli ay sasabihin mong sa iyo? That's called stupidity." Hindi ko na hinintay ang tugon niya at pumasok na sa kuwarto. Buti na lang at walang nakarinig sa amin na mga kasambahay o sila papa at mama.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon