CHAPTER 26

517 30 11
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

Kung noon ay ayaw na ayaw ko ang amoy ng disinfectant, ngayon ay okay na sa akin. Sa hospital na kasi ako nakatira. OA na kung OA pero feel ko talaga ay ilang taon na ako rito. Hello! Mag-wa-one month na ako rito!

Are you asking why I am here? Then, here's the reason.

Nang mahimatay ako pagkatapos akong dukutin ni Justin ay deneretso ako ni Clevion dito sa hospital. Dahil daw sa takot at stress kaya ako hinimatay. At sinabi rin ng doctor na malapit na akong manganak, buti na lang ay hindi lumabas si baby sa araw na iyon.

At dahil over protective ang mister ko, idagdag mo pa ang pagiging overthinker niya, ay pina-stay na niya ako rito kasama si Manang at syempre siya rin.

Baka raw bigla akong manganak at hindi ko siya kasama ay walang makakatulong sa akin. Buti raw dito ay may doctors at nurses na any time ay tutulungan ako.

"Manang, ang sakit po talaga." Naluluha kong tawag kay Manang na ngayon ay binabalatan ang mansanas.

"Ganyan talaga iha pag malapit ka nang manganak. Tiis-tiis lang." Pagpapakalma niya sa akin. Nakaka-feel na ako ng contractions since yesterday.

"God, palabasin mo na ang halimaw sa tiyan ko dahil nagwawala na. Nagawa niya pang saktan ang sarili niyang ina." Pagdadasal ko sabay kagat sa unang yakap ko para ibuhos doon lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Narinig kong tumawa si Manang dahil sa sinabi ko. Ganito pala pag nasa dulo ka na nang pagbubuntis, kung noon ay ayaw ko pang lumabas si baby dahil hindi ako handa, ngayon ay gustong-gusto ko nang lumabas siya.

"Promise God, kakalbuhin ko ang tatay ng baby ko. Sisiguraduhin kong hindi na siya manganganak, ayy bad!"

"Naku iha, huwag naman. Gusto ko pang mag-alaga ng maraming bata kaya huwag mong gawin iyan. Sige ka, hindi mo mararanasan ang mas masayang pamilya na may maraming makukulit sa bata."

Napanguso ako sa sinabi ni Manang. Nai-imagine ko nang hinahabol ko ang mga makukulit na bata para paliguan ay sumasakit na ang ulo ko. Sana naman behave lang ang baby namin.

Pinigilan kong humikbi nang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at dalawang nurse. Nakakahiya namang makita nila akong umiiyak.

"Mrs. Wartor, kumusta?" Tanong sa akin ng doctor kahit obvious lang naman na hindi ako okay.

"Naku doc, baka isumpa na niya ang asawa niya pag lalong tumindi ang sakit." Natatawang sagot ni Manang kahit hindi siya ang tinanong. Tumawa naman ang mga bagong dating dahil doon.

"Normal lang yan miss. Kunting tiis lang at matatapos na." Tinanguan ko lang siya at pumikit nang mas lalong sumakit ang tiyan ko.

Tiningnan ako ng doctor kung ready na ba ako pero hindi pa raw. Maghintay pa ako ng ilang minuto p oras sa go signal.

"Babalik lang kami mamaya para i-check ka ulit. Maglakad-lakad ka muna rito sa loob ng kuwarto para medyo mabawasan ang sakit. Kung nakahiga ka lang diyan ay mas lalo mong mararamdaman." Payo niya. Hindi na naman ako nagdalawang-isip na tumayo. Tinulungan nila akong bumangon bago nagpaalam dahil may iba pa siyang pasyente.

"Ito ang mansanas, kumain ka iha." Ibinigay sa akin ni Manang ang tinidor na may dalawang slice ng prutas. Kinuha ko iyon.

Kung may makakita sa akin ngayon na hindi ako kilala ay baka iisiping may sira na ako sa utak. Paano naman kasi eh nanonood ako ng Frozen habang nakatayo at humihikbi. Plus may hawak akong tinidor na may isang slice ng mansanas habang nginunguya ang isa.

"Manang, hindi pa tumatawag si Clevion? Ang tagal niya ah. Alas-otso na ng gabi."

Tinatamad na ako rito, isali mo pa ang pagsakit ng puson ko. Private room ang tinutuluyan ko ngayon. Napakalaki, may sariling salas, kusina, banyo, at maliit na veranda kung saan palaging nagtatambay si Clevion pag tulog na ako. Parang condo ang dating.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon