CHAPTER 03

524 24 0
                                    

HEA HERNANDEZ

Dumating kami sa isang malaking bahay na puno ng liwanag dahil sa mga nakakasilaw na ilaw sa loob at sa labas na bagay na bagay pag gabi. Kahit saan ka tumingin ay maliwanag na hindi mo mahahalata kung gabi na. On the whole trip, walang ni isang kumibo sa amin. He concentrated on driving while I on nothing. Lutang ang utak ko habang nakatitig sa mga nadadaanan naming mga gusali at bahay.

"We're here." Pag-inporma niya sa akin saka bumaba at deretsong pumasok sa loob ng bahay. Ang bait talaga.

Bumaba ako na walang natanggap na tulong mula sa lalaking iyon. Kahit gusto ko nang mahiga dahil sa pagod ay tiniis ko munang lakarin ang napakahabang distansiya sa pagitan namin ng kama.



"Clev?" Tawag ko sa lalaki pagkapasok ko sa bahay. Nilibot ko ang mga mata sa desinyo ng napakalaking salas at sobrang ganda nito, black and white ang theme nito. Halatang mahusay na architect ang nagdesign.

Sa mga sofang nasa gitna ng salas ay halatang-halata na isang mayaman na tao ang may-ari. Mukha itong hindi na naupuan dahil sa sobrang kamahalan ay walang magtatangkang umupo baka masira o madumihan.

Sa kaliwang banda ay may malaking sliding door na gawa sa puro salamin. Dahil sa kuryuso ay pumasok ako roon at bumungad sa akin ang malawak na dining room na kasama na ang kitchen. Dagdagan lang ng kaunting space ay kasinglaki na ng kuwarto ko sa bahay namin.

Ang medyo mahabang mesa na gawa sa kahoy ay matatagpuan sa harapan pero medyo malayo sa isang napakagandang kitchen countertop na gawa sa black marble. Pati rito ay itim at puti ang tema. Sa likod ng countertop ay doon ang mga kagamitan para sa pagluluto na maayos na nakalagay sa mga kanilang lugar.

Nahagip ko ang dalawang malalaking refrigerator kaya roon ako sunod na tumungo. I am hungry dahil cake lang naman ang kinain ko sa hotel kung saan ginanap ang wedding reception. Pagbukas ko ay nanlumo ang pagkamangha ko sa bahay na ito. Napakalaking bahay pero WALANG NI ISANG PAGKAIN SA REF! Padabog kong sinara ito. Gutom na nga ako eh, saan baa ng lalaking iyon!?


"Hey." Napahiyaw ako dahil sa gulat nang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay halos murahin ko na, baka atakihin ako sa puso rito eh.

"Bakit ka nanggugulat?" Inis kong tanong sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kanang kilay.

He's still wearing his wedding attire, tanging suit na suot niya kanina ang hinubad at ang mamahaling sapatos na pinalitan ngayon ng mamahaling tsinelas.

"Then, what should I do? Tatayo lang rito tapos pag makita mo ako ay magugulat ka at sasabihing multo?"

"Wala akong oras para makipagtalo sa'yo. Ang yaman mo pero wala man lang isang mansanas sa ref mo, hindi ka naman namumulubi noh?"

"This will be the first time that someone will live here, so it's obvious that the refrigerator is empty. Kung hindi mo nahahalata ay bagong bahay lang ito."

So, kami pala ang unang titira rito? That explains bakit bagong-bago ang mga sofa. I thought dati na siyang nakatira rito.


"Gutom ako." Nakapamewang kong wika.

Kahit ayaw kong ipaalam sa kanya ang pangangailangan ng tiyan ko ng pagkain ay wala akong choice kundi sabihin dahil siya ang may-ari ng bahay na ito at wala akong dalang pera, ni damit na susuotin ko mamayang matutulog ay wala ako. Baka matutulog akong naka-gown na.

"I know. I ordered some food. Take a bath upstairs because you're already filthy and I'll call you when the delivery arrives." Tugon niya. Hindi naman ako masyadong dugyot pero palalampasin ko na ang sinabi niya.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon