CHAPTER 18

472 35 10
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

Nakaka-enjoy talaga rito sa pinuntahan namin. AS IN, NAKAKA-ENJOY! HA-HA-HA!

"Anong gagawin natin dito Clevion, panunuorin lang ang mga taong lumangoy at mag-enjoy? Ganun ba?" Iritang tanong ko kay Clevion na kasalukuyang nakahiga sa duyang nasa loob ng cottage namin.

Dito ang naisipan niyang pupuntahan namin, sa isang beach para lang daw makalanghap ng sariwang hangin, hindi para maglangoy. Sana sinabi niya kanina para naman mai-suggest kong sa tuktok ng bundok pumunta. Siguradong sariwa ang hangin doon, to the point na hindi kana makahinga.

Nilingon ko ang lalaki nang wala akong natanggap na tugon mula sa kanya. Agad na nadagdagan ang pagkairita ko nang makitang natutulog ng mahimbing ang lalaki. Nagawa pa niyang matulog ng mahimbing na kanina pa ako nagrereklamo rito. Kung sabagay, hindi man siya umidlip ni limang minuto bago kami makarating dito kaya hindi niya nalabanan ang antok. Nakatulog kasi ako kaninang on the way kami rito kaya mulat na mulat pa ang dalawa kong mga mata.

Hinay na hinay kong binuksan at isinara ang munting gate ng cottage namin para hindi siya magising. Ang nirentahan naming cottage ay may gate na hindi kagaya ng iba na open na open. Ang naiiba pa sa amin ay may mga guard malapit rito. Sigurado akong malaki ang renta nito pero alam kong barya lang iyon sa nagbayad.

Agad na nangibabaw ang excitement nang tuluyan na akong nakalabas. Bago ako makalayo ay agad akong nalapitan ng isa sa mga guwardiya at tinanong saan ako pumunta. Baka ibinilin sa kanila ni Clevion na huwag akong palabasin.


"Ma'am, saan ho kayo pupunta? Baka mapahamak po kayo pag mas lumayo kayo sa cottage niyo na hindi kasama si sir." Wika nito.

"Diyan lang ho atsaka nakapagpaalam na ako kay Clevion at pumayag." Pagsisinungaling ko. Minsan talaga kailangang magsinungaling pag nasa ganitong sitwasyon. Nagdadalawang-isip si kuyang guard kong paniniwalaan ako o hindi. Sa huli ay ako ang nagwagi pero dapat daw ay hindi ako magtagal.

Agad akong naglakad ng mabilis palayo sa cottage namin. Ang cottage rin namin ay malayo sa mga tao. Para ata iwas sa mga tao. Parang akong batang sabik na sabik na makipaglaro sa munting alon.

Pagdating ko sa tabing-dagat ay agad na binasa ang mga paa. Kahit mainit dahil sa tirik na araw ay go pa rin ako. Buti nalang ay nag-apply ako ng sunblock cream kanina.

Naagaw ng isang bagong dating na grupo ng mga kalalakihan ang atensiyon ko at ang mga taong malapit sa akin, lalo na ang mga kababaihan. Sa tingin ko ay almost twenty na ang bilang nila. Halos lahat sila nakasando at nakashort. Ang iba ay boxer lang ang suot.

"Ang guguwapong mga bagets!" Tili ng isang bakla na kasama ang mga kaibigang bakla rin. Sasabihin ko sanang mga binata pa sila pero nakilala ko ang isa sa kanila kaya alam kong nasa 20+ na sila. Gulat na gulat na nakatingin sa akin ang lalaki na baka hindi rin inaasahang makikita rin ako rito. Nagkita na kami kahapon, pati ngayon? Is it a mere coincidence? O sadyang gustong paselosin naman ng tadhana si Clevion?

"Hea!" Tawag sa akin ng lalaki sabay kaway ng kamay niya kaya napunta sa akin ang tingin ng karamihan, lalo na ang mga kasamahan niya.

Kinawayan ko naman ito kaya naglakad siya papunta sa akin kasama ang mga kasama niya.

"Kilala mo, Justin?" Tanong ng lalaking nasa kanan ni Justin.

"Yes, we are friends." Sagot niya.

"Luh, cute na babae."

"Ang ganda niya kahit buntis."

"Para siyang manika." Rinig kong bulong-bulungan ng mga kasama niya. Agad naman akong nakaramdam ng hiya. Sana nga lang ay hindi ko na pinansin si Justin. Nakaagaw pa ako ng atensyon.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon