HEA HERNANDEZ
'But if you believe that you belong with him
Promise me, you won't let anyone hurt you
Remember, I will always be here for you
Even if it kills me to see you
In that wedding dress
Oh, see you in that wedding dress
See you in that wedding dress
Oh, see you in that wedding dress, oh no'Kanta ko sa chorus ng Wedding Dress ni Taeyang, English Version. Talagang dinama ko ang kanta, may papikit mata pa akong nalalaman. Today’s my Ate Hera’s wedding and the groom – nevermind.
"Hea, kinakabahan ako." Kinakabahang wika ni Ate Hera.
"Why naman, ate?" Tumigil muna ako sa pagkanta saka nilingon si Ate na nakaharap ngayon sa malaking salamin habang nakasuot ng robe at katabi ang gown na kanyang susuotin.
"What if hindi matuloy ang kasal?" Tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Bakit naman?
"Bakit mo 'yan nasabi? Ang mabuti pa ay isukat mo na 'yang damit para malaman kung kasya ba o hindi. Baka ma-late ka sa kasal mo at maging halimaw na naman ang lalaking iyon. Baka ako pa ang pagalitan." Nagtataka namang hinarap ako.
“Sinong tinutukoy mo? Mga bisita o si Clevion?” I shrugged. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari kahapon. I met her future husband and that man also told that I was his date. Kahit hindi iyon gaano ka-big deal sa akin at sa lalaki na iyon pero big deal na iyon kay ate, baka isipin pa niyang may ibang nangyari.
Tinitigan ko ang katabing gown ni Ate. It’s simple but elegant. Our parents were the one who chose this dress. They wanted it to be surprise to Ate kaya ngayon lang naming nakita. Well, makikita ko na naman talaga noong nakapili sila pero I chose to not. Isa lang ang masasabi ko sa damit na ito, napakaganda.
"Diba may pamahiin tungkol sa damit pangkasal?" Wika niya kaya nagtaka ako. I don’t know what she means and what is the deal in that superstition? Superstitions are only beliefs of elders. Kung ano-ano ang paniniwala nila pero most of them are not true, in my own opinion actually.
"Ah! 'Yung tungkol sa pagsukat ng gown eh puwedeng 'di matuloy ang kasal? Grabe ka naman ate, paano mo maisusuot para sa kasal mo mamaya kung hindi mo susukatin?" Agad akong napa-facepalm, hindi ko alam kung bakit nagiging ewan si ate ngayon, dahil ba sa excitement o kaba?
"Natatakot ka ate? Na-expire na 'yang paniniwala ng mga matatanda." Baka noong sinaunang panahon lang iyon effective. Ang dami ko pa namangs nakikitang nagsusulat ng gown at natutuloy naman ang kasal.
"I love Clevion. Kahit 'di niya ako kilala ay mahal ko pa 'rin siya. I don't know what to do kung ibang babae ang magiging asawa niya." She sat on the floor while biting her index finger. Hindi niya nagawang umupo sa sofa kung saan ako nakatayo. Sorry, sa sobrang pagdama ko sa kanta ay feeling ko naging entablado ang sofa. Bago naman ang suot kong heels kaya hindi madudumihan.
Binayaran naman namin ang kuwartong ito para rito ayusan si Ate kaya pati itong sofa, bayad na 'rin. Kahit masira ko pa ito ay okay lang, wala silang magagawa.
"Eh paano nga kung hindi matuloy ang kasal niyo at iba ang maging asawa niya? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya at kumikimbot ng mabagal. Hindi ko talaga napapansing napapakimbot na ako sa kanta.
"I may kill that woman sa pang-aagaw kay Clevion. Clevion is my crush, first love, and life. Hindi ko alam— ano ba!? Tigilan mo nga 'yang kanta!? Dinadagdagan pa niya ang kaba ko!" Nakasimangot kong pinatay ang kanta. Pati kanta ni Taeyang dinamay sa pagiging paranoid niya.
"Hea, I love him!" Napatalon ako sa kinatatayuan kong sofa nang bigla siyang sumigaw pagkatapos ng ilang minutong katahimikan..
"I know how much you love that Clevion guy pero huwag ka namang sumigaw. Baka magkasakit ako sa puso eh." Napahawak ako sa dibdib ko. Sa sobrang baliw niya kay Clevion ay parang nakalunok siya ng speaker.
BINABASA MO ANG
✔️Unexpected Wedding
RomanceAn unexpected event happened to HEA IRISH HERNANDEZ, the youngest daughter of Hernandez Family, that changed her entire life. An unexpected wedding of her with a super handsome guy named CLEVION WARTOR. Clevion is a famous model and actor who steals...