CHAPTER 15

568 32 2
                                    

HEA HERNANDEZ

"I heard may balita ka raw na ibabalita sa amin, Clevion. Maaari bang malaman naming at ang iyong mga taga-suporta?" The host asked the man. Kitang-kita sa camera kung gaano kasaya ang lalaki. Those sparkles in his eyes made my heart beat so fast. Dahil sa saya na sa wakas ay nakita ko siya, dahil sa lungkot na sa TV ko siya nakikita, at sa kaba kung ano ang sasabihin niya.

I am his lost wife pero sa palagay ko'y wala siyang pakialam na wala ako sa tabi niya. He didn't know me yet but he should still be looking for me. Hindi ba siya nagtaka na hindi ako sumulpot sa araw ng kasal namin?

Ikakasal kami dahil sa business ng mga magulang namin. My parents have business, as well as Clevion's parents. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag na magpakasal sa kanya. Pumayag ako dahil mahal ko siya. You might think that I love him because he is an handsome actor, but you're wrong. Noong college students pa kami ay gusto ko na siya. He was taking AB in Theater Arts while I was an architect student.


"Mukhang malaking balita ang ibabahagi mo sa amin ha. Ang lawak ng mga ngiti mo." Sabi ng host.

"Yeah, it is. I can't help myself to smile dahil nae-excite akong sabihin ang sasabihin ko." Sagot niya. Just hearing his voice ay naganahan na akong kumain.

"I will be a father soon." The guy said that made my world shattered. What? Magiging ama siya? He impregnated someone? A wh*re? Who's that f*ckin' fl*rt!?

A loud scream from the audience woke me up from my deep thoughts.


"OMG! Daddy kana!" Sigaw ng baklang host. The guy chuckled.

"Ang suwerte naman ng asawa mo, siguradong sobrang guwapo ng magiging anak niyo."

Wife? Nangasawa siya ng ibang babae? But how about me!?


"Ilang buwan na ang baby niyo?"

"A month and two weeks." Nakangiting sagot ni Clevion.

"Nagagawa mo pa bang alagaan ang asawa mo in spite of your busy schedule?" Ang baklang host naman ang nagtanong.

"Yes. I am always with her every time na nagche-checkup siya. Deretso ako ng uwi para mabantayan ko siya. Ito ang magiging first baby namin kaya I want to be there always, watching and taking care my wife until she delivers our baby."

"You'll be a good father to your future child. Sa mga sinasabi mo ngayon ay parang sobrang mahal mo ang asawa mo. Nakakainggit!" Sabi ng baklang host.

"Of course, I love my wife. And I want to spend my time with her forever with our future children." The last line of the man I love I heard before the TV was turned off.

"Timing ang panonood mo ah, si Clevion pa ang palabas." Rinig kong wika ng lalaking mula sa banyo. I dropped my spoon and stared at the TV screen.

Wala na akong ganang kumain. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa posas sa kamay ko at lalong nawala ang gana ko dahil sa narinig.


"How's my baby?" This j*rk tried to kiss me on lips pero agad akong umiwas.

"Pupunta ako sa banyo." Blankong wika ko. Tinanggal naman niya ang pagkakaposas sa akin pero sinamahan naman niya ako hanggang sa banyo. I couldn't walk properly kaya niya ako inalalayan.

I closed the door and cleaned my hands. Mag dadalawang buwan na ako rito sa kamay ng lalaking iyon. I haven't seen his face because he's wearing 3-hole full face mask but I have a name in my mind. Gustuhin ko mang tumakas pero wala akong madaanan maliban sa pintong gawa sa bakal.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon