CHAPTER 16

535 27 4
                                    

(I want to clarify first the recent chapter before you proceed reading. Iyong unang pov po ay si HERA, not HEA. Na-misspelled lang po. Sorry)

HEA IRISH HERNANDEZ

Nandito kami sa isang private island na pagmamay-ari ni Sebastian. Pero kahit private ito ay may kaunting bilang ng mga tourista ang nandito na kanina pa nakikipag-picture kina Clevion at Nash. Ang suggestion ko kahapon ang sinunod nina Clevion at Nash. They also thought that this would cheer their best friend and the another one pero bigo sila. Still pa ring may kani-kanila silang mundo. Kung hindi mo lang sila sisigawan ay hindi kana maririnig dahil sa kung ano mang rason.

"Ano ba ang nangyari jan sa dalawa? Kanina pa yan ah." Tanong ko sa katabi kong si Clevion. Palagi siyang nakabuntot sa akin ngayon. Baka raw mapaano ako at madamay si baby, hindi naman ako ganun ka-clumsy noh.

"Pfftt, mga broken eh." Natatawang sagot niya.

"Bakit natatawa ka pa? Alam mo, hindi ko alam kung kaibigan ka talaga ni Seb. Kanina mo pa tinatawanan kaysa sa pagaanin ang loob niya."

"Why? Kailangan pa bang gawing iyon para lang sabihin na totoo kang kaibigan? True friends won't comfort their friends all the time, mas masaya ang bonding pag mas inasar niyo. By that way, walang halong plastic."

"Abusing na iyon. Ewan ko sa'yo." Suko ko. Kanina pa niya sinasabing mas masaya daw pag mas madown ang kaibigan nila. Nagpustahan pa sila ni Nash kung iiyak ba ang kaibigan nila ngayon o hindi.

"Pusta ko, hindi iyan iiyak!" Aliw na aliw na wika ni Nash.

"8.5 million ang ipupusta ko!" Habol niya.

"I bet he will cry very soon. Not only him, Tamara will also." Nakangising wika ni Clevion.

"Oh, ilan ang ipupusta mo?" Panghahamon ni Nash kay Clevion.

"10 million." Nakangisng sagot niya. Juskoo, iwan ko na lang sa dalawang ito. Nagsasayang lang sila ng pera.

"Abah! Hindi kita uurungan diyan pareng Wartor!"

"Bored na bored na ata kayo sa mga buhay niyo at ginawa niyo na lang laro ang kaibigan niyo."

"Bakit pa ako maiinip kung nandito kana sa buhay ko?" Sabi ni Clevion at tinaas-baba ang mga kilay habang nakangisi.

"Wews. Iba talaga pag-inlove ang isang Clevion, nagiging maharot. Nangingilabot ako." Sabi ni Nash. Niyakap pa ang sarili, parang bakla ang isang ito.

"Hindi lang nagiging maharot, nagmumukhang manyakis din." Dagdag ko sa sinabi ni Nash.

"Diyan ako agree!"

"Hey Jimenez, jowain mo na kasi si ano." Natatawang wika ni Clevion bago ako niyakap. Na-on na naman ang pagiging clingy ng isang ito.

"Sinong ano – huy! Kaibigan ko iyon!" Nanlaki ang mga mata ni Nash.

"Ano bang nangyari sa dalawang iyon? Hindi niyo pa sa akin sinasabi eh." Kanina ko pa tinatanong si Clevion pero ang high ng excitement niya kung anong mangyayari sa kaibigan nila. Hindi daw siya makapaghintay na mabaliw si Sebastian, see! Ang galing niyang kaibigan.

"Niloko kasi sila ng mga ka-relasyon nila, ang masaklap pa ay hahaha! Ayokong mang-spoil!" Ehhhh???????? Silang dalawa talaga ang mangkaibigan ng tunay, baka piniperahan lang nila ang kawawang Sebastian. Si Sebastian na nga ang iche-cheer up pero siya pa ang pinagasto.

"Maiwan ko nga kayo." Iniwan ko na sila at lumapit kay Tamara na tulalang nakaupo sa lying bed sun lounger.


✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon