CHAPTER 25

461 25 4
                                    

HEA IRISH HERNANDEZ

I slowly opened my eyes. Sinikap kong buksan ang mga mata ko upang malaman kung nasaan ako. Pagod na pagod ako at gusto kong pumikit na lang ulit pero hindi puwede. Alam kong nasa panganib ako, nasa panganib kami. Ang naalala ko lang ay ang nangyari sa amin bago ako nawalan ng malay.

Who did this to us? Wala naman akong nakaaway noon na dapat pang umabot sa ganito. Wala, walang pangalan na pumapasok sa utak ko na may pakana nito.

Is this my husband's crazy fan's doing? Iyon lang ang naiisip kong dahilan pero napakalabo pa rin.

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero nakatali ito sa likuran ng kinauupuan ko. I'm so uncomfortable. My body's aching. Ang mga binte ko ay hindi nakatali kaya nagawa kong i-stretch ang mga ito.

Nagdasal ako na sana ay okay kami ng anak kong nasa sinapupunan ko pa. Na sana ay may dumating at iligtas kami.

Nilibot ko ang mga mata ko. Saan ba sila manang? Bakit ako lang mag-isa rito sa lugar na ito? Hindi pa naman madilim sa labas kaya kitang-kita ko ang paligid.

Kung hindi lang ako buntis ay gumawa na ako ng paraan para makatakas. Hindi ako puwedeng gumalaw ng basta-basta at lalong hindi ko puwedeng itumba ang sarili at ang upuan. I am with my child! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyari sa kanya.

Nakaramdam ako ng pagkagutom at pagkauhaw. I'm slowly losing my hope every minute being alone here. Clevion, saan ka na? We need you right now, so please, save us.

Naputol ang pagdadasal ko nang bumukas ang malaking pinto na gawa sa iron. Pumasok ang lalaking hindi ko maklaro ang mukha dahil sa layo niya sa akin pero ang kanyang katawan at postura ay pamilyar sa akin.

My eyes were widened nang tuluyan ko nang makilala ang lalaki.

"Justin!" Tawag ko sa kanya. Muling bumalik ang pag-asa kong makalayo sa lugar na ito.

"Hea." Tawag nito sa akin at unti-unting lumapit sa akin.

"Thank God, Justin! You came! Pakiusap, tulungan mo kong makawala rito."

Pinagtataka ko bakit niya nalamang kinidnap ako pero hindi ko na itinanong. Ang mahalaga ay ligtas na kami.

"Justin?" Tawag ko sa lalaki. Nakatingin lang ito sa akin na may malawak na ngiti. Guwapo naman siya at hindi nakakatakot ang pag-ngiti niya pero nakakaramdam ako ng kaba.

"Finally Hea, we can be together." Wika niya na nagpagulo sa isip ko.

"What do you mean?" Takang tanong ko. Ano bang pinagsasabi niya.

"We can make our own family. We can be happy with your child, our child. Tatanggapin ko siya at magiging ama niya." Hindi ko napigilang pagtaasan siya ng kilay. Why would we can have a family na may asawa na ako at magkaka-baby na rin kami.

"Stop saying nonsense. Ano bang nangyayari sa iyo, Justin? Why don't you help me para makaalis na ako rito?"

"Yeah, aalis tayo rito. Magpapakalayo tayo."

"Back to earth, Justin! Ano ba!?" Kinukumbinsi ko ang sarili kong huwag matakot pero mas lalo itong kinakabahan.

"Sisiguraduhin kong akin kana Hea, akin ka lang. Clevion can't have you because you're mine." Parang baliw niyang wika. Nawawalan na ako ng pasensiya.

"I'm not gonna be yours Justin, never! Bakit ka nagkakaganyan? Kaanib mo ba ang may pakana nito!?"

"Ako ang dumukot sa iyo Hea. Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito na maangkin ka." Lumapit siya sa akin at sinubukang hawakan ang pisnge ko ngunit agad akong umiwas.

✔️Unexpected WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon