[TFTM2:SM] - Chapter 12

59 14 2
                                    

(UNEDITED-UPDATED THRU WATTPAD APP ON MOBILE PHONE)

A/N: Pasensya na talaga kung matagal akong hindi makapag update ng mga on going stories ko. Naging abala po kasi sa trabaho pero ang main goal natin ay ang matapos lahat ngayong taon ang mga ongoing stories ko. Nag todo backread ako sa mga kwento at nirecall ang mga PLOTS nila ;)

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng Thanks For The Memories ganun din dito Sa Shattered Memories.

-------

*Consequence *

Shayne's POV

Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Daniel at lumingon kay Nicko na naglalakad papalapit sa amin. Naging mabilis si Daniel at hinawakan niya ang kamay ko ng napakahigpit. Wala akong nararamdaman sakit dahil takot ang nababalot sa buong katawan ko.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula magpaliwanag.

Hindi ko alam kung panong pagpapaliwanag ang gagawin ko?

Hindi ko kayang balewalain na ginusto ko ang nangyari.

Na ginusto kong halikan niya ako.

" Argh! Bahala na! Basta makapagpaliwanag lang! Ayaw kong nagagalit siya ng ganito sa akin. Dahil. .

Dahil natatakot akong maaari niyang gawin kagaya noon. . "

Bulong ko sa sarili ko. Gusto ko lang maayos to. Gusto ko lang hindi na sila nag-aaway sa harapan ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang hawakan ni Nicko ang isang kong kamay kaya ang itsura ko ngayon, parang tali na hahatakin nila anumang oras at kung sino unang bumitaw, siya ang talo.

" Suntok lang ba kaya mo? " Nakangising sabi ni Nicko pero titig na matalim lang ang sinagot niya.

" Hindi ka makapagsalita dyan? Wala ka pala eh! Duwag! " Sabi ulit ni Nicko sabay hila sa akin nang pagkalakas lakas.

" No need to waste my time para lang sa mga walang kwentang bagay. Ngayong nandito na ako, makakaalis ka na! Hindi parte ng trabaho mo ang sulutin ang babae ng boss mo. " Sabay bukas niya ng pintuan. Biglang bumitaw si Nicko sa kamay ko at naglakad papunta sa pinto pero nakangisi pa din.

" Sa ngayon, natalo mo ako! Pero sa susunod, sa akin mapupunta yang si Shayne. I swear to you, sa akin yang si Shayne not yours! " Huling sabi niya sabay sara ng pintuan. Narinig kong nilock pa ni Daniel ang pinto.

" At ikaw! Sinong may sabi sayo na pwede ka nang makipaghalikan sa ibang lalaki? " Sabi niya sa akin kaya napaatras ako.

Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang galit at selos.

" Eh. .  Akala ko kasi. . " Hindi ko alam kung anong salita ang sasabihin ko pero patuloy lang ako sa pag-atras.

" Akala mo ano? " Sabi niya sabay lapit sa akin. Napaatras ulit ako hanggang sa masanggi ko ang bakal na harang ng hinihigaan ko.

" Akala ko. .  Ikaw na yung dumating. " Sabi ko sabay yuko.

Hindi ko kayang tignan ang mga mata niya dahil nakita ko na noon kung paano ako natakot sa mga titig niya.

Noong mga panahong ang nangyari sa Sta. Lucia Mall kung saan sobra siyang nagalit sa akin na sobra kong iniyakan.

" Paanong akala mo ako ang dumating eh sabi ko aalis lang ako saglit? Mga dahilan mo aba! Napaghahalataan kang sinungaling! Kelan ka pa natuto niyan?! " Halos pasigaw na niyang sinabi sa akin.

" Hindi ako nagsisinungaling! " Sigaw ko sa kanya habang nakayuko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak.

Pinagbibintangan na niya ako sa bagay na kahit kelan di ko pa nagagawa at masakit sa akin na galing pa sa taong mahal ko ang mga salitang iyon.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon