*Just Talk, Okay?*
Shayne's POV
Alam kong nakita niya iyon dahil sa naririnig ko ang mabilis na paglalakad niya papalapit sa akin.
" Ay. . Nagtampo. Nagbukas lang naman ako ng Aircon at mainit naman talaga. " Pagpapaliwanag nito ng tumabi na muli sa kama.
" Alam ko kaso nahihiya ako sayo. "
" Lika ka nga dito. Alam ko may gusto ka pang itanong. " Sabi niya saka niyakap niya ulit ako kaya inalis ko ang pagkakatalukbong at humarap sa kanya.
" Panay ka yakap ngayon ah? Purket nagtatampo ako? " Pagtataray ko.
Alam naman pala niya na gusto ko na itanong iyon.
Di pa niya sinagot agad.
Hindi siya umimik kaya nagtanong nalang ako ulit kahit na nagtatampo pa ako.
" Okay so. . Anong nangyari? Paano niyo naresolba? Paano mo napatahimik si Nicole Anne? " Sunod sunod kong tanong sa kanya.
" Tinakot namin siya na kapag pinagpatuloy pa niya itong kalokohan niya, kumpanya nila ang malalagay sa alanganin. Paano ko napatahimik? Pinagbantaan ko na kapag sinubukan ka niyang guluhin ulit, diretso kulungan na siya. " Kampanteng pagkakasabi niya.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.
Nakaramdam ako ng konting saya.
" Talaga? Kaso makikita pa din naman natin siya sa School? Sila ni Nicko. " Sabi ko. Nag-aalangan akong makita silang dalawa.
Si Nicko na alam kong labis kong nasaktan mula pa nung simula pero gusto ko din siya pasalamatan sa lahat lahat. .
Pakiramdam ko kasi, malaki ang naiambag niya para maresolba ito.
" Yes. They both dropped out. " Matabang na sabi nito.
Masayang masaya ako nang marinig ko ito pero bigla ako nalungkot.
Hindi ko na kasi siya makikita.
Si Nicko na kahit artista eh nag-aaral pa din. Iniisip ang kinabukasan.
Di umaasa sa perang nakukuha niya sa pag-aartista.
Kaya humanga ako sa kanya. Nagkagusto man ako dati sa kanya, dahil siya ay nagpakatotoo sa kanyang sarili.
Nararamdaman ko din na kayang kaya niya iwan ang pag-aartista dahil sa pagmamahal which is hinding hindi ko talaga papayagan!
" Shayne? Okay ka lang ba? Hindi ka na nagsalita kasi. " Narinig kong sabi niya.
" Ano? Ah. . Oo okay lang ako. May iniisip lang ako. " Pagdadahilan ko.
Humigpit yakap niya sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata.
" Ano namang iniisip mo? Pwede ko bang malaman? " Paglalambing niya.
Sa tingin ko naman ayos lang na sabihin ko sa kanya ito.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romansa(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...