[TFTM2:SM] - Chapter 31 (09/08/19)

19 6 1
                                    

* How Come? *

Shayne's POV

Pagkarating namin sa parking lot ay binawi ko agad ang kamay ko dahil naiilang akong makita ni Mama na kinikilig ako o kaya naman ay naglalabas ng mga emosyong hindi niya dapat makita.

Napatingin sa akin sa Daniel at napatawa ng mahina.

" Kanina pa ako naghihintay dito. Tumatawag na ang kapatid mo at tinatanong kung nasaan na tayo. " Agad niyang sinabi sa akin.

" Tita, pasensya na po. Tinulungan ko pa kasi itong si Shayne. " Pagsisinungaling niya.

Tinignan ko siya at nag-okay sign naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

" Sabi nga pala ng doktor bawal ka pa magbuhat ng mabigat. Oh siya, una na ako. Mamimili pa ako ng lulutuin mamaya. " Sabi ni Mama sabay pindot sa car key niya.

" Magluluto ka, Ma? Anong okasyon? " Tanong ko naman sa kanya na gulong gulo.

" Ano pa nga ba? Eh di uuwi ka na! Makakakain ka na din ng mga luto ni Mama. Oh siya. Alis na ako. " Sabay sara ng pintuan.

Tumigil muna ito sa harap namin at kumaway bago tuluyang umalis.

" No choice ka kundi sa kotse ko ikaw sasakay. " Sabi ni Daniel nang nakangiti habang nilalagay sa loob ng kotse ang bag ko.

" Ano pa nga bang magagawa ko. " Mahinang sabi ko.

Naglakad na din ako papuntang Passenger Seat dahil medyo umiinit na din.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at saka ako sumakay.

Kailangan ko muna masanay na laging magsuot ng seatbelt mula ngayon.

Mag-iingat na ako simula ngayon.

" Oh? Nagsusuot ka na ng seatbelt ngayon? " Tanong niya nang makita niya na akong hinahanap ang dulo ng seatbelt.

" Kaso hindi mo naman alam paano magsuot niyan. Ako na ang gagawa. " Sabi niya habang papalapit sa akin.

Bigla akong umiwas ng tingin. Hindi ko kakayanin ang ganitong tagpo.

Maaga akong mamatay sa kilig nito.

" Ayan! Okay na. " Narinig kong sabi niya kaya tumango ako bilang sagot.

" Bakit namumula mukha mo? May sakit ka ba? " Tanong niya sa akin.

Naramdaman ko naman na nilagay niya ang dalawang palad niya sa mukha ko at ihinarap ito sa kanya.

" Wala ka naman sakit. Hindi ka naman mainit pero bakit ka namumula? " Mahinang pagtataka niya saka tumitig sa akin.

Syempre, umiwas ulit ako ng tingin.

Hinding hindi ko na alam ano ang gagawin ko.

Pagkabalik niya talaga mula sa meeting kanina eh bigla bigla nalang siyang naging malambing tapos lalong gumwapo sa paningin ko.

Kahit na matagal na talaga siyang gwapo.

Tapos kada titignan ko siya, nagniningning siya paningin ko.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon