[TFTM2:SM] - Chapter 20 (06-10-17)

35 8 1
                                    

Author's Note: Pasensya na talaga sa napakatagal at delayed update ng kwentong ito. At maraming salamat din sa mga walang sawang sumusuporta sa Shattered Memories. Malapit na po tayo mangalahati :) Kapit lang tayo :) Yung title ng chapter na to kung matatandaan niyo, may ganitong same title sa Book 1 :P At saka, Long chapter ito so enjoy reading..

------------------------------------

*Welcome Back!*

Alwyna's POV

Kamusta ang lahat? May nakamiss ba sa akin? Alam ko namang wala eh bakit ba ako nagtanong? Hahaha!  Back to reality.

Pagkatapos kasi nang mga special chapter ko sa lovestory nila, pinaalis na agad ako ng Author nang kwentong ito. Oo! Pinaalis na niya ako kasi nga kailangan ko pang mag-aral.

Study first kaya ako bago LOVE!

Hindi ko naman kasi kwento ito pero dahil sa mahal ko ang kaibigan kong si Shayne, sisingit muna ako kahit wala na puwang pa sa puso niya. (Ano Daw?)

Hindi pa naman dapat ako uuwi sa Pinas kung hindi ko lang nabalitaan ang nangyayari doon.

Mula nang ikwento sa akin ni Renz, oo si Renz, the Hidden Devil! Kahit na nasa ibang bansa ako, hindi naputol ang ugnayan namin at siya din ang nagbibigay sa akin ng mga update tungkol sa kanila lalo na kay Shayne. 

Kung tutuusin nga iisipin ko talagang espiya itong kaibigan ko eh. Tinalo pa si Sinichi Kudo sa paghahanap ng mga clues.

Kamakailan ko lang din nalaman na may sakit siya kaya naman isa din yang rason para umuwi na talaga ako. Nang sabihin niya sa akin na may Tumor siya sa utak, naiyak ako. Hindi sa dahil naaawa ako sa kanya at alam kong yan ang iisipin niya.

Kabisado ko na talaga ang mga posibleng maging reaksiyon niya.

Kahit na wala akong alam sa nangyayari sa kumpanya nila, gusto ko pa din tumulong.

GUSTO KONG BILHIN ANG SHARES NILA.

KASO HINDI NAMAN AKO STOCKHOLDER SA KUMPANYA NAMIN.

PAANO KO SILA MATUTULUNGAN?

TAWAGAN KO KAYA SI KUYA NICKO? KASO MALAMANG SA MALAMANG ALAM NA NIYA YUNG SITWASYON.

ISA PANG MARAMING CONNECTIONS UN.

KUNG SAGUTIN KO NALANG KAYA YUNG GASTOS SA HOSPITAL NILA? 

HALOS MAG-IISANG BUWAN NA KASI SIYA NAKA-CONFINE AYON SA PAGKAKASABI SA AKIN.

Pagkalabas ko sa airport ay si Gelo agad ang nakita ko. Ang lalaking nanakit sa akin noon. Nanakit to the point na ang relasyon namin ay di rin perpekto gaya ng sa iba. 

Nag-aaway din kami na minsan umaabot pa sa puntong hiwalayan pero ang pinagkaiba lang namin ay kahit na anong mangyari, hindi namin kayang iwan ang isa't isa.

Lumapit agad siya sa akin at kitang kita ko sa mga mata ang excitement na makita ako.

" Ang tagal nating di nag-usap! Akala ko kung napano kana. Hindi mo pa sinabi sa akin na uuwi ka. " Bungad nya agad sakin pagkatapos nya ako yakapin ng pagkahigpit higpit.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon