(UNEDITED-UPDATED THRU WATTPAD APP ON MOBILE PHONE)
A/N: Gagawin ko nang every weekend update nito para mapabilis. 2 years in the making ko na pala ang story na ito haha.
Naguguluhan na ba kayo sa takbo ng kwento? Unti unti ko nang nilalabas kung sino ba talaga sila.
Itong kwento na to kasi, di lang about Shayne-Daniel, syempre about friendship at family ties as well.
--------------
*Who Am I Part 1*- Renz's POV -
" Tingin mo ba ganon ganon na lang ako papayag na maging masaya sina Daniel at Shayne ha? Tingin mo ba ganon ganon ko na lang ibibigay ang babaeng mahal ko?! " Sigaw niya sa akin na may halong galit.
" So may gana kapang magalit pagkatapos mong pagmukhaing tanga si Shayne? " Sabi ko sa kanya nang nakangisi.
" Hahaha! Kahit kelan ka talaga, Renz! Ang hilig mong magpatawa. "
" May sinabi ba ako na tumawa ka? "
Titiklop ka din pala.
Hindi na siya sumagot at umiling iling.
" Hindi pa ako nagsisimula sa plano ko. Oh siya nga pala, ako nga pala ang dahilan kung bakit nalugmok ang kumpanya ng mga Santiago. " Nagkibit balikat na lang ako.
Naglakad na lang siya palayo sa akin hanggang sa marinig ko na lang na pinihit niya ang door knob ng pantry.
Kumunot ang noo ko mula sa narinig.
Siya ang dahilan ng pagbagsak ng kumpanya ni Daniel?
Akala ko si Nicole ang may kagagawan nang lahat?
Kaya ba ako ang kinuha ni Nicko para maging magnifying glass niya sa paghahanap ng mga sagot?
At bakit hindi siya marunong makuha sa isang sabi?
Iyan ba talaga ang nagustuhan ni Shayne kay Kris?
O sadyang nabulag lang siya noon?
" Hay nako! KRIS! Sakit ka sa ulo! " Sigaw ko.
Naipahilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko.
Hindi ko na alam ng gagawin ko. Hindi ko na alam kung pag-aalala, pakiusap o awa na lang bakit ako nandito.
Kung gusto niya talaga manghimasok sa gulo nila Daniel, pagbibigyan ko siya!
Mula noong naging magkasintahan pa lang sila ay puro paghihinala na ang bumalot sa akin.
Unang kita ko palang ay alam kong may masama siyang gagawin at tumugma nga ang hinala ko nang malaman kong niloko niya si Shayne.
Hinayaan ko lang siya na magmove on. Nagmasid masid lang ulit ako nang biglang dumating si Nicko.
Kung una, pabor ako kay Nicko para kay Shayne dahil alam ko kung gaano nasaktan ang kaibigan ko mula ng iwan siya ni Daniel
Naiba bigla ang ihip nang hangin.
Ako ang naging sandalan niya at ako din ang taong unang naging bestfriend niya.
Malaki ang pasasalamat ko kay Daniel dahil sa kanya napalapit ako kay Shayne.
Si Shayne na dati kong kalaro sa kalsada at kababata. Alam ko hindi na niya ako natatatandaan dahil bigla kaming lumipat ng bahay noon pero alam ko may puwang ako sa puso niya.
Iyon ay ang matalik niyang kaibigan.
Sa umpisa pa lang tutol na ako sa pagkagusto ni Daniel kay Shayne dahil sa isang dahilan.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romansa(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...