[TFTM2:SM] - Chapter 32 (10/29/19)

16 7 0
                                    

*Trust*


Daniel's POV

Kitang kita ko sa mukha ni Shayne ang pagkagulat sa sinabi ko. Gusto ko naman matawa kaso baka mag-away lang kami.

" Manliligaw ka pala nang anak ko? So kanselado na pala yung napag-usapan namin ng Papa mo? " Sabi ni Tito sa akin na nakangiti.

" Tito, huwag natin dito pagsapan yan. Baka maguluhan si Shayne at mag-isip ng kung ano ano. " Mahinang sabi ko.

" Ah oo nga. Pasensya na. " At nag okay sign naman ito bago maupo.

" Aray! " Mahinang sabi ko ng makaramdam ako ng may kumurot sa akin.

" Anong pinagsasabi mong manliligaw kita? " Sabi ni Shayne na pinandilatan pa ako ng mata.

" Bakit hindi ba kita nililigawan? " Sabi ko sa kanya ng mahina at saka naupo.

" Nililigawan. " Pabulong niyang sinabi sa akin at nagdesisyong umupo sa tabi ko.

" Yun naman pala eh bakit mo pa tinanong? " Pang-aasar ko at ngumiti ng nakakaloko.

Hindi ito sumagot at inirapan nalang ako.

" Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa habang wala ako. " Biglang sabi ni Tito.

" Opo, Pa. Matagal na kami magkakilala at saka magkaklase din po kami kaya palagi din kami magkasama. " Sagot naman niya.

" Kaya po hindi malayong magkapalagayan po kami agad. " Pagdudugtong ko.

" Mabuti naman kahit papano may titingin at poprotekta kay Shayne lalo na't magbabalik na ulit siya sa eskwela. " Sabi naman ni Tita habang naghahain.

" Huwag po kayong mag-alala. Nandoon naman ako at nga kaibigan niya para protektahan siya. " Pagsisigurado ko.

Hindi na sumagot si Tita pero yung ngiti at pagtango niya. Senyales na yun para sa akin na tanggap ako sa pamilya nila kahit na nung una eh pinagkasundo talaga kaming dalawa ni Shayne.

Siguro hindi lang sila makapaniwala na hahantong din sa pag-iibigan ang napagkasunduan nila ni Dad.

Nang lingunin ko si Shayne ay namumula mula ang mukha niya kaya lumalabas kung gaano siya kaganda.

" Mag-uusap tayo mamaya pagkatapos  kumain. " Mahinang sabi niya.

Tumango nalang ako at nagsimula nang kumain.

" Balita ko, okay na ang kumpanya? " Tanong ni Tito.

" Ah oo! Sa katunayan nga niyan, kaninang umaga lang naayos. " Nakangiting sabi ni Tita at saka nilagyan ng kanin at ulam ang plato ni Tito.

" Mabuti naman. Sa totoo lang, kaya ako biglaang umuwi ay para sumama sa gaganaping meeting sa kumpanya kaso napaaga. Ako pa ang nabigla sa nangyari kaya Daniel. . " Hinawakan niya ang kamay ko.

" Maraming Salamat sa lahat. Kayo ni Nicko. Kung hindi dahil sa inyo, baka nawala na sa amin ang kumpanya. " Nakangiting sabi nito.

Lahat kami ay napahinto sa pagkain at natahimik.

Walang gumagalaw sa amin. Hinigpitan naman ni Tito ang pagkakahawak nito.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon