[TFTM2:SM] - Chapter 23 (04/20/18)

28 6 0
                                    

A/N: Iplay ang music bago basahin ang chapter na ito. Salamat

------------

*Goodbye*

Daniel's POV

Nasa labas ako ngayon ng Operating Room kasama si Tita Katrin. Pareho kaming di mapalagay at makapag-isip ng maayos.

Pareho naming iniisip ang nangyari kanina.

Sa palagay ko, alam na niya ang dahilan kung bakit pa ako nandito.

Para magpaalam. .

" Iho, ayos lang ba talaga sayo? " Tanong niya sa akin.

" Wala na po akong magagawa. Kailangan ko isakripisyo ang taong pinakamamahal ko. Matagal ko nang gustong matapos lahat to. " Nakayukong sabi ko sa kanya.

" Iho, habang nabubuhay tayo sa mundong ibabaw, may problema pading dadating. Di natin ito pwedeng iwasan bagkus kailangan nating solusyunan ito. " Mahinanon na sabi niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan, kusa nalang itong pumatak.

" Tita. . Mula nang makilala ko ang anak niyo, yung dating matigas na ako , lumabot nalang bigla. Maraming nagbago sa akin na hindi ko namamalayan na siya ang dahilan. "

Hinagod naman niya ang likod ko ng marahan.

" Alam ko, Iho. Saksi ako sa lahat ng mga pinagdaanan niyong dalawa. Isipin mo nalang na sana matagumpay ang operasyon niya ngayon. " Sabi niya sa akin.

Ramdam ko sa mga binitawan niyang salita ay nagpipigil lang siya.

Alam ko, kagaya ko din siya.

Nagpapakatatag para maging okay ang lahat sa paningin ni Shayne.

" Iho, siya nga pala. Pagkatapos ba nito. . . " Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at yumuko.

" Opo! Kapag naging matagumpay ang operasyon, simula sa araw na ito. Kakalimutan ko na ang lahat nang meron sa aming dalawa. Tita, alam ko po. 95% ang tyansa na magkakalimutan ako ni Shayne. Sinabi na iyon ng doktor sa akin na kapag nagtagumpay ang operasyon, may isang parte ng memorya niya ang mawawala at yun ay ang mga alaala naming dalawa saka madali lang naman niya ako makakalimutan. Nandiyan naman po si Nicko. "

Malungkot kong sabi sa kanya.

Sa mga oras ba ito, wala na ako nagawa pa.

Kakalimutan ko muna ang pride nang isang lalaki na hindi iiyak.

Kaso kailangan ko umiyak.

Kailangan kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko ngayon.

Masakit.

Napakasakit.

Sobrang sakit na hindi pa nga kami, ganitong problema na ang ibibigay agad sa amin.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon