[TFTM2:SM] - Chapter 24 (05/07/18)

26 6 0
                                    

*Goodbye Part 2*

(A/N: Click the Youtube Video and listen to the song while reading this chapter.)

Daniel's POV

Nang tuluyan na akong makalabas sa hospital at magtungo sa sasakyan ay agad kong kinuha mula sa bulsa ko ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni Renz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang tuluyan na akong makalabas sa hospital at magtungo sa sasakyan ay agad kong kinuha mula sa bulsa ko ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni Renz.

" Libre ba kayo bukas ng mga tropa mo? Tropa niyo ni Shayne?. ". Pagtatanong ko habang nagsisimula nang magmaneho pauwi sa amin.

" Oo naman bakit may pag-uusapan ba? " Malakas talaga makaramdam ang taong ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit ito ang matalik nitong kaibigan.

" Meron at alam kong alam mo na yun. " Natawa siya nang bahagya.

" Sa tagal nang pagiging espiya ko sa kumpanya nila, imposibleng wala akong alam sa nangyayari. " Pagmamalaki nito.

Malamang kakuntsaba ka ni Nicko.

Sinabi ko na lang sa isipan ko dahil kapag narinig niya, malamang magkakasuntukan pa kami nito kinabukasan.

Grabe kasi magalit yang si Renz.

Walang sinasanto. Kahit sino kayang banggain magkamatayan man.

Kaya hindi na ako magtataka kung minsan napakaprangka ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.

" Ok. Ok. 10am nalang tayo magkita. Sa bahay nalang tayo mag-usap. " Sabi ko sa kabilang linya pero imbes sagot ang marinig ko ay ang pagtawa niya.

" Haha! Himala ata, Daniel at nagpapapunta ka na dyan sa inyo? Umpisa palang nang pagpasok mo sa ICCT napakamisteryoso mo na at alam mong matagal na namin inaalam kung saan ka talaga nakatira. "

Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o nagpapatawa?

" Settle na ang usapan. Asahan ko pagpunta niyo bukas. Hindi ko na itetext pa sayo ang address sa bahay dahil alam kong alam mo na naman paano makapunta doon. " Huling sabi ko bago ko patayin ang tawag.

Nandito ako sa tapat ng bahay nina Shayne. Nakatigil lang ang sasakyan ko sa tapat nito at nagdadalawang isip ako kung baba ba ako or mananatili nalang dito.

Para masulit ang natitirang araw na siya pa ang prioridad ko.

Walang mga ilaw ang nakabukas. Patunay lang ito na wala pa umuuwi sa pamilya nila.

Lumabas ako ng sasakyan at tumayo sa harapan ng gate nila.

Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ng bahay nila.

Mula sa pathway hanggang sa itsura mismo ng bahay.

Tinandaan ko lahat ng iyon dahil ito na ang huling beses na makakapunta ako dito.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon