* Our First Bonding After Discharge *
Shayne's POV
" Sure! Basta makakain lang ako. Kailangan ko din uminom ng gamot remember? " Sabi ko sa kanya habang inaayos ang seat belt ko.
Nung kausap pa lang niya si Nicole Anne ay gustong gusto ko na siya hatakin papunta sa Accounting para makapagbayad na at makakain dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom.
Sakto namang tumawag si Nicko kaya nakalimutan ko panandalian ang gutom. Kinukumpirma niya kasi kung makakapunta ba ako mamaya para sa pagkikita namin.
I appreciate Daniel more and fall for him harder.
Alam kong kilala naman niya kung sino yung naabutan niyang kausap ko pero tinanong naman pa din niya at saka yung pagdantay ko sa balikat niya tapos bigla akong sabihan ng ganoon?
Natawa tuloy ako nang mahina kahit na alam kong namumula ako at nagpapasalamat akong hindi niya nakita iyon dahil sa aasarin niya ako.
Kasalukuyan siyang nagmamaneho ngayon pero hindi ko naman kung saan kami pupunta o kakain.
Ipinikit ko nalang ang aking mga mata para umidlip saglit. Napagod din kasi ako sa ginawa kong halos patakbong bumaba ng hagdan sa school.
--------
Nakaramdam ako na parang may tumatapik sa balikat ko.
" Hmmm. . "
" Shayne. . Gising na. . Nandito na tayo. " May bumulong naman sa tenga ko?
Agad akong napadilat at napalingon.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nahalikan ko si Daniel. Kita sa mukha niya ang pagkagulat kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin.
" Sana naman sinabi mo na gusto mo magpahalik para nagising kita gamit ang halik ko. " Sabay ngiti nang nakakaloko.
Hindi ko siya nilingon kaya natawa nalang siya nang pagkalakas lakas.
" May nakakatawa ba? Ako na nga itong nagulat dyan sa mukha mo tapos pinagtitripan mo pa ako. " Pagtataray ko sa kanya.
Hinawakan nalang niya ang baba ko at iniharap sa kanya.
Hindi pa din ako makatitig sa kanya nang matagal kaya umiwas pa din ako.
" Isa. Tignan mo ko sa aking mga mata. " Ma-awtoridad na sabi niya kaya naman kahit ayoko ay ginawa ko pa din.
Kapag kasi tinitigan ko siya ay para na akong kinakain ng lupa at kulay kamatis na din ang aking mukha.
" Huwag ka nang magalit sa akin. " Mahinang sabi niya sabay dampi ng labi niya sa labi ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at gumanti na din ako nang halik.
We shared a long and deep kiss like yesterday.
Mabuti nalang at kumalam ang sikmura ko kaya agad kaming nagbitaw at natawa.
" Nakakarami ka na nang halik sa akin ah? Pero gutom ka pa pala. " Sabi niya sabay bukas ng pintuan.
Pinagbukas naman niya ako at inalalayan lumabas.
" Nasan tayo? Bakit parang hindi naman tayo lumayo? " Sabi ko sa kanya habang sinusuri ko ang paligid.
"Nakalimutan mo na ba ito? Dito kayo dati kumakain nin Renz nung Highschool pa kayo diba? " Sabi niya sabay hatak sa akin papasok sa loon ng tindahan.
Dinala niya kasi ako sa tindahan ng Epalog kung saan ay dinudumog ito ng mga estudyante ng JSMJC kada uwian at maging mga suki nila.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romansa(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...