(UNEDITED-UPDATED THRU WATTPAD APP ON MOBILE PHONE)
A/N: Update ulit ngayon. Alam ko maikli yung last update so bawi ngayon.
I hope makuha niyo na yung plot ng Book 2 :)
Salamat sa patuloy na pagbabasa.
-------
* Help *
Nicko's POV
" Ano bang meron sa USB na yan? " Tanong ni Kenji at patuloy sa pag-inom ng kanyang alak.
" Nandoon lahat ng lihim ng JBC. Iyan ng alas na ginagamit ni Nicole ngayon. Alam kong matagal na niya nakita ang laman nun. Kagaya na lang nitong folder na to. " Sabay abot sa kanya.
Binuksan niya ito at laking gulat niya ng makita kung anong laman nito.
" 1,000,000,000 ang LOSS ng JBC dahil sa pagkopya ng Level Up sa game nila? " Pabalik balik na sulyap ang binigay niya sa akin.
Tumango ako bilang tugon.
Maski ako, mula nang pag-aralan ko ang folder na yan, nagulat ako sa nakita ko.
Latest Financial Statement Report ng JBC yan kaya hindi na ako magtataka kung paano nalugi nang ganyan kalaki ang JBC.
Mula January hanggang April, Pataas ng pataas ang kita nila pero nang sumapit na ang May, biglang bumulusok pababa ang kumpanya dahil sa pag-aakusa ng Level Up na kinopya ng JBC ang isang game nila.
Umpisa palang alam ko nang ganito ang mangyayari pero bakit hinayaan ko lang ito?.
Dati, hawak hawak ko pa si Nicole sa aking mga palad pero mula nang makawala, lalong lumabas ang tunay na kulay.
Aminado akong magaling ang ginawang hakbang ni Nicole para mabawi si Daniel pero kahit desidido akong gamitin ang kasong ito para mapa sa akin si Shayne, ayaw ko naman lumabas na kontrabida.
Humigop na lang ako ng alak mula sa basong hawak ko nang biglang magtanong si Kenji.
" Pero pinagtataka ko, paano mo nalaman na yan ang nilalaman mismo ng USB na hawak niya ngayon? " Tanong niya ulit habang iniisa isa ang mga detalye na nakikita niya sa folder.
" Binigyan ako ng kopya ng tatay ni Daniel tungkol sa bagay na yan. " Wala sa sariling sagot ko sa kanya.
" Kaya pala may mga notes kang nilagay dito. Anyway, yun lang ba ang tulong na gusto mong gawin ko? " Tanong niya sa akin nang marinig kong inilapag niya ang folder sa bar counter.
" Oo. Anything na may malaman ka pa, tawagan mo lang ako. Gagawa din ako ng sariling imbestigasyon. " Direktang sabi ko sa kanya pagkatapos kong mailapag ang baso sa harap ko.
" Huwag mo nang alamin. Basta kailangan nang matapos ang kahibangan ni Nicole. Ayaw kong madamay pa si Shayne ngayon lalo na ngayo't. . "
" Lalo na ngayon na ano? " Pagpapatuloy niya.
Yumuko ako bago magsalita.
" Malapit na siyang mawala sa akin. "
-------
Nicole's POV
" What! Paano nalaman ni Nicko ang tungkol dito! " Sigaw ko sa kabilang linya.
" Eh Maam . ."
" Huwag mo nang ituloy! Papuntahin mo nga dito sa office ko yang si Renz! Kaladkarin niyo kung kinakailangan. " Sabay putol nang tawag.
Lintek na, Nicko to! Ano ba gusto niya palabasin?
Na mas magaling siya sa akin?
Na iba ang nagagawa ng kasikatan kung magpakalat ng alipores sa opisina ko?
Talagang ginamit pa niya ang kaibigan ng hampaslupang babaing yun para makapasok sa kumpanya ko!
Magaling, Nicko! Naisihan mo ako ngayon. Kung bibigyan ko nang grado ang ginawa niya, wala nang ano ano! Perfect score agad!
Nakakatawang isipin na pareho lang kami makikinabang sa gulong to, siya pa tong kumokontra.
Hindi pa nagsisimula ang tunay na laban, umaatake na agad siya!
Sa teritoryo ng mga Fontanilla, walang sikreto ang hindi nabubunyag.
At lalong walang tao ang makakauwi ng buhay.
" He messed with the wrong person. So be prepare for my Sweet Revenge, Nicko. "
Maya maya pa nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Agad nilang binuksan at iniluwa sa akin si Renz.
Agad akong tumayo mula sa swivel chair at naglakad papunta sa kanya.
Get ready, Renz. You're handsome face will be my punching bag for today.
" Kapal ng mukha mo! Hayop ka! " Malutong na sampal ang pagbati ko agad sa kanya.
" Yan lang ba kaya mo? " Matapang na sabi niya sabay ngisi habang hinahaplos ang mukha niya.
" Kaya? Madami ako kayang gawin sayo! Anytime pwede kita papatay! Letse ka! " Sigaw ko sa kanya at agad na kinuwelyuhan.
" Sige! Papatay mo ako! Gusto mo ngayon na! O maghahanap muna ako ng panaksak dito at gawin mo na! Yan lang naman hinihintay ko! " Sigaw niya din sa akin.
Binitawan ko siya at saka tinulak ng pagkalakas lakas.
Mas malala pa pala kay Nicko to! Mga hayop sila!
Well, dahil ininis mo ako, tignan ko lang kung hindi ka bumigay.
" Di mo ako madadala sa mga salitang ganyan pero yang pagkakalat mo ng impormasyon sa kumpanya ko, may kaparusahang katapat yan. "
" Hindi ba ganyan din ang ginawa mo sa JBC? Patas lang tayo, Nicole! Huwag kang magmalinis dyan, dahil hindi ka malinis! Pwe! Kadiri ka! " Sabi niya sabay lakad papunta sa pintuan.
" Kung akala mo hahayaan kitang lumabas dito sa opisina ko. . " Agad akong lumapit sa kanya at idinikit ang katawan ko sa kanya.
Pinindot ko ang lock sa pintuan ng opisina." Ms. Fontanilla, huwag mo ako itulad sa mga lalaking . . " Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinunggaban ko siya agad ng isang halik.
" Sleep with me tonight at my condo. Let's talk about this. " Malanding pagkakabulong ko sa kanya mula ng humiwalay ako sa pagkakahalik sa kanya.
Umiling na lang siya at tuluyang lumabas.
" Tignan lang natin kung sino ang totoong mahuhulog sa patibong. Banggain mo na lahat Nicko, huwag lang isang Fontanilla. "
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...