[TFTM2:SM] - Chapter 2

251 23 2
                                    

*What Happened?*

- Shayne's POV -

Malamig. Iyan ang aking nararamdaman ngayon. Napakalamig ng hangin na bumabalot sa aking paligid. Para siyang ipo ipo pero hindi naman ito nakakasira o nakakawasak ng kung anong bagay. Normal na hangin lang siya pero nanunuot sa balat ko.

Mula kasi nang magising ako ay ito na agad ang bumungad sa akin. Isang napakagandang paraiso na may malaking harang na mga bakal at sa gitna nito at isang pagkalaki laki na padlock. Sa gilid nito ay may isang lalaking nakatayo na may katabing manok. Abalang abala ito sa pakikipag-usap sa mga kapwa kong kakarating palang sa lugar na ito.

" Bakit ba ang lamig lamig dito? Hindi ba nila alam kung paano magsuot ng jacket? o kaya naman ay hinaan ang aircon? " Reklamo ko habang yakap yakap ang sarili para kahit papano ay maibsan ang ginaw na aking nararamdaman.

" Bakit ka magsusuot ng jacket eh wala namang aircon dito! " Sagot ng isang taong sa tingin ko ay ka edad ko lang din.

" Talaga? Eh bakit ang lamig lamig dito tapos. . " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napahawak ako bigla sa bibig ko nang mapansin ko na pakpak siya.

" A-anghel ka di ba? " Tanong ko sa kanya ng hindi pa din makapaniwala sa aking nakikita.

" Oo. Isa akong anghel. Ang pangalan ko ay Carl Anthony. " Sabi ng lalaking nakaputi na may napakalaking pakpak sa likod nito.

" C-carl A-anthony? S-sabihin mo nga sa  akin. Nasa langit na ba ako? "

" Oo! Ito ang langit. Iyang nasa likuran ko ay pintuan papasok sa paraiso ng ating Panginoon. " Nakangiti na pagpapaliwanag niya sa akin.

Naguguluhan talaga ako.

Kung nasa langit ako, ibig sabihin. .

" Pwede magtanong ulit. .Patay na ba ako? "

Tinitigan niya lang ang aking mukha. Nawala din bigla ang ngiti sa kanyang labi bagkus napalitan ito ng napakaseryosong emosyon. Tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa at saka bumalik sa aking mukha ang titig niya bago siya magsalita.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon