[TFTM2:SM] - Chapter 28 (03/30/19)

21 8 0
                                    

*Guilty*

(Start of Second Half)

Daniel's POV

Pagkatapos namin mag-usap ni Alwyna at sumenyas ito na magpapaalam lang saglit sa mga magulang at babalik din kaagad.

Tumango lang ako bilang tugon pero nakita ko naman na nagmamadaling tumayo si Nicole Anne at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan kung saan malapit sa kinauupuan ko pero natigilan ito ng mapansin niyang nag-uusap kaming dalawa ng abogado ni Dad.

" Mr. Santos, pakisarado agad ang pintuan pagkalabas nina Mrs. Fuentes. " Sabi ko na agad naman siyang tumango.

" Maraming salamat sa paglalaan ng oras niyo sa amin Mr and Mrs. Jimenez. God bless sa pamilya niyo. " Narinig kong sabi ni Tita Katrin nang makarating sila sa pintuan.

" Wala yun. Ang mahalaga nakatulong kami tutal magkakaibigan naman mga anak natin, bakit hindi pa namin kayo tutulungan diba? " Narinig kong sabi ng nanay ni Alwyna at patuloy padin silang nag-uusap hanggang sa makalabas sila ng kwarto.

" Ikaw, anak? Hindi ka pa ba aalis? " Tanong ni Dad sa akin habang nag-aayos ng mga papeles.

" Hindi pa. May pag-uusapan pa kami ng mga kaibigan ko. " Mahinang kong sabi habang nakatuon sa cellphone ko ang atensyon ko.

Mula pa kanina, nararamdaman ko na panay vibrate ang cellphone ko sa bulsa at nang matapos ang meeting ay tinignan ko kaagad ito at nakita kong mga Missed Calls mula kay Shayne.

Siguro nag-aalala ito kung ano na ang nangyari sa meeting namin.

" Oh siya siya! Una na ako ah? Siya nga pala, replyan mo muna yang si Shayne at baka nag-aalala na yan. " Sabi ni Dad saka tinapik ang balikat ko at naglakad palabas ng Conference Room.

Tumango lang ako at saka binalik ang tingin sa cellphone ko pero napag-isip ko na huwag nalang siya replyan at sa halip ay itext si Tita Katrin at nakisuyo na kapag nagtanong si Shayne sa kanina, huwag niya ito sasagutin sa halip ay hintayin nalang niya ako dumating para ikwento sa kanya ang lahat.

Nang makalabas na lahat ay nagpaalam na sa akin si Mr. Santos dahil may gagawin pa daw ito at nagpasalamat naman ako sa pagsunod niya sa pakiusap ko.

" So tayong lima nalang ang andito, ano pa pag-uusapan natin? " Tanong ni Renz na ngayon ay nakapangalumbaba at halatang naiinip na at gusto na umalis.

" Si Nicole Anne. " Mabilis kong sabi sa kanila.

" Me? Why? Takot ka bang mawala ako sa buhay mo kaya ako ang topic natin? ".

Lahat kami ay napailing nalang sa kanya. Wala na siya sa katinuan dahil narin sa nangyari ngayon.

" Wow ha! Ganda mo te? " Sabi ni Alwyna habang tinignan mula ulo hanggang paa si Nicole Anne.

" Nicko. Pakihawakan muna pinsan mo. Any moment makakasabunot na yan. " Pagbabanta ni Renz. Talagang nilakasan niya para magising sa katotohanan si Nicole Anne.

" Uulitin ko. Bakit mo nagawa ang lahat ito? " Mahinahon na tanong ko sa kanya.

" Dahil sayo. Matagal ko nang sinabi diba? Gusto ko mapasa akin ka muli kaya nagawa ko ang lahat ng ito. " Sabi niya.

Napalingon ako kay Alwyna na ngayon ay may kausap sa telepono. Kung hindi ako nagkakamali tumawag na ito ng mga pulis para hulihin si Nicole Anne sa mga kasalanang nagawa niya hindi lang sa akin kundi pati nadin sa mga pamilya at kaibigan namin.

" Why are you calling the cops? Im already confessing my sins here! Arent you satistified that Im look like a trash right now!! " Sigaw ni Nicole Anne kay Alwyna.

Nagkatinginan na lang kami at pinipigilang matawa. Lumapit bigla si Alwyna na nakangisi.

" Minsan ang pagiging assumera nilulugar yan. Porket ba may kausap ako ngayon sa phone ko, mga pulis agad? Hindi ba pwedeng yung kasintahan ko kausap ko? Siguro naman kilala mo si Gelo diba? "

Nakita kong tumango si Nicole Anne sabay yumuko.

Sigurado ako na nagpipigil lang yan ng luha niya. Alam naman niya sa sarili niya na kanina pa siya napapahiya.

Naramdaman kong hinawakan ni Nicko ang balikat ko at tinapik ito.

" Oh, Paano ba yan? Una na kami. " Sabi niya sa akin. Nakita ko pa na nagtanguan sila ni Renz at si Alwyna ata ay nakaramdam kaya sumunod nalang sa pinsan niya.

" Teka Kuya, Sandali lang. May sasabihin lang ako kay Daniel. " Sabi niya at saka lumapit sa akin.

" Okay! Tawag ka nalang kapag may kailangan ka. Sabihan ko na din si Gelo sa baba na hintayin. Mukhang hindi pa kayo tapos mag-usap dahil rinig na rinig ko pa yung sinasabi niya ngayon. " Sabi ni Nicko sabay sara ng pinto.

" Alis na din ako. Tapos na naman papel ko dito. Dalaw nalang ako kay Shayne. " Sabi ni Renz na kanina pa walang imik.

Narinig ko nalang na sumara ang pintuan.

" Sa Ospital na ako didiretso. Bantayan ko muna si Shayne at saka kailangan na magpahinga at ayusin nina Tita ang mga bayarin sa Ospital. " Sabi ni Alwyna sa akin na nakangiti.

" Okay. Magbonding muna kayo. Alam ko naman malapit ka na rin umalis diba? " Tanong ko sa kanya.

Biglang lumungkot ang mukha niya.

Actually, hinulaan ko lang naman iyon dahil ang tanging alam ko ay nagbabakasyon lang siya sa Pinas. Hindi ko naman alam kung for good na ba siya dito.

" Sige. Tawagan o i-text nalang kita kapag nasa Ospital na ako. " Sabi niya sa akin at saka bumaling ng tingin kay Nicole Anne na nasa tabi ko.

" Tandaan mo itong sasabihin ko. Kapag nalaman ko na umeepal ka naman sa relasyon nilang dalawa, may kalalagyan ka. " Dinuro pa niya ito at pinagtaasan ng boses.

Wala na nagawa si Nicole Anne kundi manahimik.

Sumenyas naman sa akin si Alwyna na aalis na siya kaya tumango nalang ako.

" Ngayon. .Dalawa nalang tayo dito sa kwarto. Baka naman gusto mo makipag-usap sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Kung kanina ay punong puno ako ng galit sa kanya, ngayon ay nakaramdam ako bigla ng awa dahil sa mga salitang binitawan ni Alwyna kanina.

Wala itong imik at nakayuko pa din.

Pero nakarinig ako ng mahihinang hikbi.

" Umiiyak ka ba? " Tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla ng iniangat niya ang ulo niya.

Maraming luha ang lumalabas mula sa mga mata niya.

" Kanina ka pa ba umiiyak? " Tanong ko ulit sa kanya.

Hindi ko kasi malaman sa sarili ko kung tama ba na kausapin ko pa ba siya at pakinggan ang side niya o dedmahin nalang siya at puntahan na lang si Shayne dahil alam ko kanina pa yun naghihintay sa akin.

" Paano kung sinabi kong Oo? Oo kanina pa ako umiiyak may magagawa ka ba? "

-------------------------------------

Author's Note: Sabi ko Long chapters na eh kaso naalala ko may binitawan akong salita dito na tatapusin ko itong kwentong ito bago ako magbirthday.

Bale sa next chapter, babawi ako ng long chapter. May pasabog ako doon kaya abangan niyo.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon