[TFTM2:SM] - Chapter 26 Part 1 (01/10/19)

19 9 0
                                    

*Shayne's Current Condition*

Daniel's POV

8:00 am.

Nasa kwarto pa din ako ni Shayne na kasalukuyang nanunuod ng TV habang hinahaplos ko ang kanyang buhok.

Alam ko kasi na kapag ginagawa ko yun sa kanya, napapanatag ang loob niya.

Nawawala lahat ng isipin niya.

" Ahm.. Daniel. . Baka naman pwedeng pakisuklay yung buhok ko? Pakiramdam ko kasi nagkabuhol buhol na sila dahil sa lagi ako nakahiga. " Sabi niya habang enjoy na enjoy siya sa pinapanuod nitong Music Video.

" Sino yang mga yan? " Pag-uusisa ko habang sinusuklayan siya.

" Ah! Super Junior! Gwapo ni Heechul diba? " Sabi niya habang kilig na kilig sa pinapanuod.

" Di hamak na mas gwapo ako kesa sa kanya! " Pagtatampo ko.

Nakakamiss din magpakita ng pagtatampo sa kanya.

Mula kasi ng naospital siya, puro nalang problema ang laman ng utak ko.

Nadamay na nga itong pagmamahalan namin sa problema ng kumpanya kaya gustong gusto ko na talaga tapusin ang lahat para makabalik na kami sa normal na buhay.

" Ay sus! Nagselos? Malamang! Hindi naman ako papansinin niyan kahit magpacute ako sa harapan niyan. Fan lang naman ako. " Pagpapaliwanag nito at pinagpatuloy pa din panunuod.

" Kapag mag-isa ako dito sa kwarto at walang magawa, heto ginagawa ko. Nanunuod ng mga video nila pampalipas oras kahit na alam kong bawal ako masyado sa mga gadgets." Medyo nalungkot ako sa sinabi niya.

Aminado ako sa sarili ko na nakakalimutan ko na talaga siyang bantayan. Minsan nga walang dumadalaw sa kanya kasi mga abala sa paghahanap ng solusyon sa problema.

Ako naman, kahit na may problema, pumapasok pa din sa school namin.

Ayoko maapektuhan ang pag-aaral ko sa nangyayari.

Binaba ko ang suklay at ginantihan siya ng yakap.

" Ah eh. .  Anong meron? " Nagtatakang tanong nito.

" Wala lang. Gusto lang kitang yakapin. Masama ba? " Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko.

" Wala naman pero. .  Sige. .  " at yumakap din siya.

" Aalis muna ako ah? " Sabi ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot kaya naman humiwalay ako ng yakap sa kanya.

Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang dulo ng manggas ng damit ko.

" May itatanong ako. Huwag kang magagalit ah? " Bigla ako napalingon.

" Ano yun? " Sabi ko sa kanya nang nakangiti.

" Kelan matatapos problema sa kumpanya? "

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Hindi ako pwede maglihim dito pero hindi ko din naman alam kung ano isasagot ko.

Masaya ako na hindi niya ako nakalimutan gaya ng sabi ng doktor niya pagkatapos ng operasyon.

Senyales iyon na nagiging mabuti na kalagayan niya. Malapit na siya makalabas dito sa ospital pero hindi pa niya pwede isipin kung ano ang kasalukuyang nangyayari.

Baka sumakit na naman ang ulo niya sa kakaisip.

Natatakot akong bumalik ang sakit niya.

Sabi ng Doktor niya sa akin ay mabilis ang paggaling niya kaya naman hindi nawala mga memorya nito.

" Malapit na. Bago matapos ang araw na ito, babalitaan kita. " Hinalikan ko siya sa noo para maramdaman niya na pagbalik ko may sagot na siyang maririnig sa akin.

" Ingat ka. " Tumango lang ako bilang tugon at saka nagtungo sa pintuan.

------

Kanina ko pa din nararamdaman ang cellphone ko na panay vibrate.

Nang tignan ko kung sino, mga tropa lang ni Shayne na nantatadtad ng text tungkol sa pagkikita namin ngayon.

From: Lorraine

Nasaan kana ba? Kanina pa kami nasa labas ng bahay mo. Kasama namin si Renz ngayon.

So nagpakita talaga siya?

To: Lorraine

Di ako makakauwi sa bahay ngayon. Ichat ko nalang sa group chat natin kung bakit. Pakisabi naman kay Renz na pumunta ngayon sa kumpanya namin. ASAP kamo. Salamat.

Pagkasend na pagkasend ko ng reply na yan ay tumakbo ako palabas ng Ospital at nagmamadaling sumakay sa kotse.

" Hingang malalim, Daniel. " Sabi ko sa sarili ko para kumalma.

Hindi kasi alam ng mga kaibigan niya kung ano ba talaga ang nangyayari kaya't hindi makalabas pa si Shayne. Ang alam lang nila ay naaksidente ito at kailangang sumailalim sa Therapy.

Nagsinungaling ako sa kanila para na rin sa ikakabuti nila.

Kapag kasi nalaman ni Nicole Anne kung sino sila sa buhay namin, baka pati sila masaktan at madamay pa sa gulong ito.

Kaya minabuti ko nalang manahimik pansamatala.

Mula sa bulsa ay kinuha ko na ang phone ko at saka nagbukas ng group chat.

Nang makita kong online na silang lahat at nabasa ko din na umalis na sila sa bahay namin ay doon ko na naisip na hudyat na ito para nagsalita.

------
Sa mga kaibigan ni Shayne, una sa lahat, humihingi ako ng paumanhin at malalim na pang-unawa sa nangyayari ngayon. Hindi natuloy ang pagkikita natin dahil mahalaga akong pupuntahan sa kumpanya ng tatay ko ngayon.

Kay Shayne naman, hindi totoong may fracture siya kaya hindi pa siya makalabas ng Ospital. Sa katunayan, kakatapos lang ng kanyang operasyon noong nakaraang linggo para alisin ang tumor na nasa utak niya.

Pinagpala ata tayo dahil nakayanan ni Shayne ang operasyon at matagumpay nito. Walang side effects na nangyari kaya mabilis ang kanyang paggaling.

Sa ngayon, kailangan niya muna huminto sa pag-aaral dahil sa hindi na siya makakahabol sa mga aralin at ayon na din sa payo ng Doktor.

Pagkalabas na pagkalabas niya, pwede niyo na siya dalawin sa bahay nila.

Sigurado ako sobrang matutuwa yun.
---------

Hindi ko muna tinago ang phone ko sa halip ay hinintay ko muna kung ano ang sasabihin nila.

Tumingin din ako sa relo ko para makasigurado na maaga pa at hindi ako malalate sa Meeting ngayon.

" 08:30am. Hindi na masama. Maaga pa. " Bulong ko sa sarili.

Nang wala ako makitang mga reply at puro like lang sa ni chat ko ang ginawa nila, saka ako nagdesisyon na pumunta na sa Meeting.

" Siguro naman, nakuha nila ang pinupunto ko. " Iyan ang bukod tanging laman ng isipan ko bago ako umalis.

-------------------
A/N: Short update po muna. Mahaba po itong chapter na ito kaya pinutol ko siya.

Natapos kong magbasahin ang Thanks For The Memories kaya napag isip isip ko na bigyan ng isang chapter ang mga kaibigan niyang nabanggit sa unang libro. Hindi ko alam kung gaano kahaba ito.

Maraming salamat po sa mga naghihintay ng update. Tatapusin ko na ito bago sumapit ang kaarawan ko. 🤘

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon