* Epilogue *
Shayne's POV
* ring. . ring. . ring . . *
" Ang aga naman ng tumatawag. " Bulong ko sabay kapa nang cellphone ko na nasa side table.
Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag at basta sinagot ko nalang ito.
" Hello? " Sabi ko habang nakapikit. Sobrang antok na antok pa kasi ako dahil sa inabot na kami ng madaling araw ni Daniel kakalaro ng Mobile Legends.
Pagkatapos niya kasi akong halikan ay bigla akong tumalikod sa kanya kaya hinigit niya ako papunta sa kanya mula sa bewang ko.
" Ay! Nagtampo na naman or nahihiya? Kitang kita naman sa mula niya na namumula. " Pang-aasar ni Daniel which is totoo naman talagang namumula ang mukha ko.
" Ewan ko sayo, Daniel! Matutulog na ako. " Pagtataray ko sa kanya. Gumalaw ulit ang kama at nakarinig ako ng ingay mula sa head board. Mukhang naupo na ito.
" Alam ko namang hindi ka agad agad makakatulog e dahil nandito ako kaya naisip ko nalang na maglaro tayo ng Mobile Legends. Siguro naman alam mo paano laruin yun diba? " Hindi ko siya sinagot at sa halip ay bumangon nalang ako at sumandal din. Kinuha ko ang phone ko at binuksan nalang ang Mobile Legends na App.
Natauhan ako nang makarinig ako ng isang buntong hininga mula sa kabilang linya.
" Best!! Kamusta ang party? Naistorbo ko at ba ang tulog mo? " Bigla akong dumilat at bumangon na din at saka sumandal.
Si Best Alwyna pala ang tumatawag. Napatingin ako sa orasan sa tabi ko. Madaling araw palang pala at halos isang oras palang ako nakakatulog.
" Hindi naman at talagang inaantay ko ang tawag mo. Gusto ko kasing magpasalamat sayo sa lahat lahat. " Paliwanag ko sa kanya. Kahit hindi niya ako nakikita ngayon, alam niyang napasaya niya ako nang husto.
" Mabuti naman. Tinawagan agad ako ni Daniel mula nang malaman alisin na yung benda mo at saka nalaman ko din na malapit ka na din magbalik-eskwela. Maiba lang ako, sinagot mo ba ang pag-aya sayo ni Daniel ng kasal? " Ramdam kong kinikilig siya doon sa huling sinabi niya. Narinig ko din kasi sa background ang pagpigil niya sa kanyang pagtili.
Kahit na dim light lang ilaw sa kwarto ko ngayon, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Bigla nalang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.
" Oo naman! Bakit ko naman siya tatanggihan diba? Pero grabe ka ah? Kasabwat kana pala! Kaya pala hindi mo na nirereplyan mga messages ko sayo. May pinaplano na pala kayo. " Pagdadahilan ko at nagpanggap pa akong nagtatampo pero totoo naman kasi na mula nang maalis ang benda sa ulo ko ay wala na ako natanggap na reply sa mga chats ko mula sa kanya.
Inisip ko nalang tuloy nang mga oras na iyon na baka nagpapahinga siya or busy lang talaga tapos malalaman ko kasabwat pala siya ni Daniel doon sa proposal.
Nakakapagtampo man pero kung iisipin mo, hindi siya nagalit o nainis man lang ng hindi ko piliin ang pinsan niya. Siguro alam na niya matagal na si Daniel ang minamahal ko at ayaw din niya siguro makialam sa love triangle namin.
" Sorry naman! Hindi ko naman gusto maglihim sayo kaso kailangan e. Anyways, ingat ka lagi ah? Chat or video call nalang. " Huling sabi niya bago niya ako babaan ng tawag.
Doon ko lang din nakita ang orasan sa cellphone ko. 5:00AM. Sobrang aga pa para bumangon at saka bukas pa naman ang pasukan.
Tinignan ko ang lalaking katabi ko ngayon. Sobrang himbing ng tulog niya.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...