[TFTM2:SM] - Chapter 7

184 16 6
                                    

A/N: Isang buwan akong hindi nagsulat ng Update dito. Pagpasensyahan niyo na po at may pinagdaanan si Author at naging busy sa diet. Kapag ba lumaban ako ng writing contest, susuportahan niyo ba? >.<  Natanong lang XD Enjoy Reading.

Hindi ko alam kung MAHABA ang chapter na ito pero I HOPE MAGUSTUHAN niyo ^__^v

Belated BIRTHDAY GIFT ko pala sa inyo to ^__^v

Thanks for waiting and continue reading the Book 1 entitled, " Thanks For The Memories. "

-----------------

* Revelations: SICKNESS & FEELINGS *

- Nicko's POV -

" Bakit mo pala ako gusto makausap? Tungkol saan naman? " Mahinanong sabi niya sa akin sabay upo sa kabilang sofa.

" Tungkol po sa kalagayan . . . ngayon. " Bakas na bakas sa kanyang mukha ang lungkot at sakit na pinagdadaanan niya.

" Tungkol sa kalagayan niya? " Mahina pero sapat na para marinig ko kung ano ang sinabi niya.

Umayos ako ng upo at inihanda ko ang sarili ko sa mga rebelasyong pwede kong marinig mula sa kanya na alam ko, lingid ito sa kaalaman ni Daniel.

" Ano yung gusto mong malaman tungkol sa sakit ng anak ko? " Kinuha niya ang isang baso ng juice at uminom. Siguro para magkaroon siya ng lakas o para may paghugutan siya ng kanyang emosyon.

" Kung paano po nagsimula ang lahat. " Kinakalma ko lang ang aking sarili. Kailangan kong maghanda.

Kailangan kong tanggapin lahat ng mga sasabihin niya. Lahat lahat kung paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito.

Humugot muna siya ng malalim na hininga. Alam kong mahirap sa kanya na sabihin sa ibang tao ang kalagayan ng kanyang anak. Alam ko din kung ano ang nagiging takbo ng utak niya.

Alam kong ayaw na niyang kaawaan sila maging ang anak niya.

" Kung ano man ang sasabihin ko ngayon, please. . Huwag sana maiba ang trato mo sa anak ko. " Mahinang sabi niya.

" Alam kong may pagtingin ka sa kanya at alam kong ikaw din ang gumagawa ng paraan para maresolba na ang kaso ng kumpanya namin kaya nagtitiwala ako sayo na hindi ito mailalabas sa media o sa anomang pahayagan dahil malaking kahihiyan ito sa aming pamilya maging sa pamilyang Santiago. " Hinawakan niya ang kamay ko. Alam ko naman na yan talaga ang mga sasabihin niya kaya kesa magsalita ako, tumango na lamang ako bilang tugon.

" Pero, paano po ba nagkasakit ng Dementia si Shayne? " Pag-uulit ko.

" Nagsimula yan sampung taon na ang nakakaraan. " Panimula niya. Inalis na  niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at inilipat ito sa pagitan ng kanyang mga hita.

Nakaraang sampung taon? Anong nangyari sa nakalipas na sampung taon?

" Di ba kilala mo na si Daniel Santiago? Magkababata ang dalawang yan. Naging matalik na magkaibigan at halos araw araw na nag-aaya itong anak kong si Shayne na pumunta sa bahay nila o kaya naman ay si Daniel mismo ang kusang nagpupunta dito sa bahay. "  Pagpapatuloy niya.

Sinasabi ko na nga ba! Magkakilala na silang dalawa ever since Me and Nicole relationship existed. Iyan pala ang bagay na pinagseselosan ni Nicole noon kaya nakipagbreak siya kay Daniel.

Taimtim lang akong nakikinig pero syempre hindi ko sinasabi o pinapaalam sa kanya na nahuhulaan ko na kung paamo nagsimula ang karamdaman ni Shayne.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon